Chapter 35

80 4 0
                                    

Cloey POVS.

Nakalipas ang ilang oras ng mangyare ang trahedyang pag kakaroon ng problema nila jeric at ang pag tulong ko sa kanila.

Andito na kami ngayon sa school at kasamang maglakad sila nica.

"Anong nangyare sa problema nila jeric?" tanong ni nica.

"Okay na! Nabayaran na nila yung nawala!"

"Good yan! Kinabahan kaya ako bessy ng sabihin mo yun! Akala ko talaga makukulong yung papa ni jeric" she said.

"Muntik na kung hindi ako tumulong sa kanila!"

"Ang swerte talaga ni jeric sayo! Maganda na mabait at matulungin pa. Kaso minsan cold ka!" Jaime said.

"Yeah! you're right!" Liza said.

Pumasok na kami ngayon sa room namin at inaantay ang teacher namin. Lagi naman kasing napaka Tagal non.

Umayos na kami ng upo ng dumating na ang teacher namin at nag umpisa na ang klase namin.

*****
Jeric POVS

Andito ako ngayon sa room nakikinig sa prof. Ilang araw na rin ang nakalipas ng matulungan kami ni cloey. Muntik pang makulong si papa buti nalang at anjan si cloey kaya natulungan niya kami.

"Ang boring ng subject natin no?" Tanong ni sam.

"Sakto lang"

"Sakto lang? Kasi maganda ang prof natin kaya di ka boring" Lloyd said.

"Mga baliw! Si cloey lang ang maganda sa paningin ko. Tsaka hindi ko na kailangan humanap pa ng iba no. Sapat na si cloey"

"Sus" they said. Sabay Tingin sa harap.

Nang matapos ang klase namin ay hinila na ako ng dalawa para makapunta sa cafeteria. Mga excited makita yung mga crush nila.

Crush kasi ng dalawa Kong kaibigan si Jaime at Liza. Ewan ko sa kanila kung bakit ayaw pa nilang umamin. Mga torpe kasi eh. Tulad ko naging torpe din ako kay cloey.

Nang makarating na kami sa cafeteria ay bumili na kami ng pagkain tsaka nag tungo sa pwesto nila cloey.

"Penge gelatine" Tanong ni cloey sakin. Pinanliitan ko siya ng mata favorite niya kasi yung gelatine. Eh favorite ko din to.

"Ayaw. Bibili nalang kita"

"Ayaw ko gusto ko yung sayo" she said.

"Yung sakin?! Masyado ka atang mabilis. Kala ko ba ayaw mo pa?"

"Huh? Di ko gets!" She said.

"I mean akala ko ba ayaw mo pa. Bakit gusto mo yung sakin. Ikaw ah! Di mo naman sinabi na gusto mo na. Inform mo kasi ako" Dahil sinabi ko nakatanggap ako ng Batok mula Kay cloey. Shakit nun ah.

"Kung ano-ano iniisip mo. I mean gusto ko yang gelatine na binili mo ayoko ng bago" she said. Natawa naman ang mga kaibigan namin. Alam ko naman na yun ang ibig niyang sabihin eh. Niloloko ko lang siya.

Ibinigay ko sa kanya ang gelatine na binili ko tapos ay sinubuan niya ako. Sweet naman.

Nang matapos na kaming kumain ay nagtungo na kami sa mga next subject namin at nakinig sa mga turo nila. Hindi ako boring dito kasi math to at favorite subject ko ang math.

Nakinig lang kami sa prof hanggang matapos ang klase at mag uwian na. Sila cloey nakauwe na yun kanina pa. Maaga lang kasi natatapos ang klase nila eh.

Sumakay na ako sa kotse ko papaandarin ko na sana ang kotse ng biglang nag vibrate ang cellphone ko at tinignan ang nag text.
Unknown number lang yun.

"Pumunta ka ng Hernandez Hotel. May gustong kumausap sayo"

Nangunot ang noo ko at ibinalik na ang cellphone ko sa bulsa tsaka pinaandar ang kotse.

*****
Nang makarating na ako sa Hernandez Hotel pinarada ko ang kotse at bumaba na para pumasok sa hotel.

Nag vibrate ulit ang cellphone ko kaya binasa ko iyon habang papasok ng hotel.

"Pumunta kang office"

Tinanong ko sa receptionist kung saan ang office ng hotel na to sinamahan naman niya ako.

"Salamat"

Tumango lang siya at umalis na. Kumatok ako at narinig ko ang boses mula sa loob kaya binuksan iyon at pumasok na.

Bumungad sakin ang mukha ng mommy ni cloey. Andito nanaman siya. Kailan pa?

"Sit down! Mr.uy iwan mo muna kami!" Se said. "Yes madame" saad naman nung secretary niya tsaka lumabas.

"What do you want?"

"Hindi ko na papatagalin ang usapan na to. Gusto kong iwan mo na si cloey" she said.

"Hindi ko gagawin yan"

"Tsk. Nahihibang ka na ba? Hindi kayo pwede ng anak ko dahil siya ay tiga-pagmana ng mga pinaghirapan ng daddy niya at ikaw anong ganap mo? Palamunin"

"Kahit ano man ang sabihin mo tatanggapin ko dahil yun ang totoo. Oo mahirap ang pamilyang pinanggalingan ko pero wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan"

"Kapag hindi mo iniwan si cloey! Magtutuos tayo!" She said.

Tumayo ako at tumingin sa kanya ng diretso "I.don't.care"

Lumabas na ako ng office at lumabas ng hotel tsaka sumakay ng kotse.

Kahit anong sabihin niya hinding-hindi ko iiwan ang taong nagpapasaya at nagpaparamdam sakin ng pagmamahal ngayon.

*****

My Gangster Girlfriend | Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon