Chapter 38

84 5 0
                                    

Ngayon na ang araw ng date namin ni cloey kaya sana Hindi ako maging marupok baka mamaya kapag nakita ko siyang umiyak Hindi ko na kayanin.

Sinundo ko si cloey sa kanila siguro mag taxi nalang kami tinatamad din akong mag drive eh.

"Let's go?" Tumango lang si cloey at sumakay na ng taxi.

"Saan ba tayo mag date?" Tanong niya.

"Sa restaurant yung kinainan natin dati! Namimiss ko na eh!"

"Ako rin eh!" She said.

Nakatahimik lang kami habang nasa biyahe  Hindi ko alam kung anong sasabihin ko mamaya sa kanya. Alam kong masasaktan kaming dalawa ni cloey pero ano pa bang magagawa ko. Desisyon ko na ito at sana pumayag siya.

Nang makarating na kami sa restaurant. Bumaba na kami at pumasok sa loob. Magiging masaya kami ngayon pero mamaya sakit ang kapalit neto mamaya.

*****
[Play the music 'Always' in the multimedia]

Cloey POVS.

Pauwe na kami ngayon dahil gabi na din masaya ang naging date namin ni jeric. Nanood kami ng sine after namin kumain sa restaurant.

Pero kanina ko pa napapansin si jeric na tahimik at walang imik hindi ba siya naging masaya sa date namin.

"Jeric are you okay? Kanina ka pa tahimik ah? May problema ba? Girlfriend mo ko kaya sabihin mo sa sa akin!"

"Okay lang ako, may iniisip lang" he said.

"Ano yun? Sabihin mo sakin"

"Naisip ko lang yung tungkol sa arrange marriage niyo ni matthew!" He said.

Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya. "W-what do you mean?"

"Cloey, sumunod ka nalang sa mommy mo. Mag pakasal ka na kay Matthew. Maghiwalay nalang tayo" he said.

"Nahihibang ka na ba jeric? Kaya nga hindi ako sumusunod Kay mommy dahil gusto kong ikaw ang makasama ko habang buhay. Tapos sasabihin mong ituloy ko na ang arrange marriage. You're crazy"

"Cloey,kailangan mong gawin yun. Sumuko ka na sa mommy mo para rin naman iyon sa kumpanya niyo eh!" Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Nababaliw na ba siya? Ganon-ganon nalang yun.

"Bakit mo ba sinasabi to? Hindi mo na ba ako mahal?"

"Mahal kita cloey, Pero kung ako ang makakatuluyan mo balang araw. Wala akong maitutulong sayo. Mahirap lang kami at wala akong alam sa business na yan!" He said.

"Mahal mo ako pero pinagtutulakan mo ko sa iba, ganyan ka ba kahina jeric?! Hindi mo naman kailangan tumulong sakin eh. I can handle the Hernandez business without your help. Ang mahalaga Mahal natin ang isa't-isa. Sabihin mo sakin tinakot ka ba ni mommy na kapag hindi ka nakipag-hiwalay sakin ay may gagawin siya sayo o sa mga kaibigan mo? Sabihin mo jeric"

"Hindi! Hindi ako tinakot ng mommy mo. Sarili kong desisyon yun!" He said.

(Pak)

"Nagkamali ako sayo! Akala ko hindi mo ko iiwan yun pala akala ko lang. Madami talagang namamatay na puso dahil sa maling akala no at Hindi ko akalain na magiging isa din ako dun"

Naglakad na ako palayo sa kanya. Bakit ba kasi ako naniwala agad eh. Wala na ba akong karapatan na sumaya kailangan ba kontrolado ko ang saya na meron ako. Nakakapagod palang umiyak no. Pati ang ulan nakiramay sa akin. Buti pa ang ulan kayang itago ang luha ko na kanina pa pumapatak.

Naglakad lang din ako pauwe ng bahay. Okay na din to para naman madama ko ang pakikiramay ng ulan sakin.

Nang makarating ako sa bahay binigyan ako ng isang body guard ng bimpo pero hinawi ko lang iyon at tuloy-tuloy ang pagpasok ko ng bahay.

"Cloey!" Rinig kong saad nila Danica sakin pero Hindi ko pinansin yun dire-diretso lang ako sa pag-akyat papunta sa kwarto ko.

"Young lady! Okay lang po kayo? Basang-basa po kayo sa ulan!" Mr.Yu said.

"Okay lang ako Mr.yu. Huwag po kayong mag-alala"

Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at padabog na sinarado iyon tsaka naupo sa baba ng kama ko habang umiiyak. Masakit marinig sa taong Mahal mo ang salitang 'Maghiwalay na tayo'feeling ko lahat ng sakit na nararamdaman ko ay tinutusok-tusok na ako.

Tumayo ako at nagtungo sa c.r para tignan ang sarili kong mukhang kawawa ngayon.

*Booogshh*

Nakita ko ang pag ka basag ng salamin ng banyo ko. Nakita ko rin ang kamay kong dumudugo ngayon. Masakit man pero mas masakit pa rin ang nararamdaman ko.

Lumabas ako ng c.r at pinagbabalibag ang mga gamit ko. Wala akong pake kahit Mahal man ito kaya Kong bumili ng panibago. Gusto kong maglabas ng sama ng loob ngayon.

Ginulo ko ang kama ko. Pinagsusuntok ang cabinet ko. Naiinis ako sa sarili ko.

"Napaka wala kong kwentang babae. Minahal ko ang lalaking napaniwala ako na ipaglalaban ako hanggang dulo at yung lalaking makakapanakit sakin ng ganito"

*****

Don't forget to vote and comment mga baby.. Love you so much muahh😘💕

-Author na cute😝

My Gangster Girlfriend | Complete حيث تعيش القصص. اكتشف الآن