S'ya? 'Yung reaksyon n'ya? "Hahahahah! " Tawa n'ya, sira ulo ang puta!

Natigil lang s'ya ng biglang dumating si Sir Cuballes. Nag klase kami ng mainit ang ulo ko.

---
(Cafeteria)

"Bakit ang init ng ulo mo?" Bungad sa akin ni Heaven ng makaupo s'ya sa tapat ko.

"Bad trip iyung James na 'yun! Kainis" May bahid ng pagkainis sa tono ko.

"Bakit anong ginagawa?"

"Ang kulit kulit kasi, sabi ng morning routine ko 'yung inisin s'ya eh." Stress kong sabi.

"Hay, nako. Gan'yan talaga 'yan si James." Hindi ko na lang pinansin 'yung sinabi ni Heaven. "Mag-iisang buwan ka na dito pero bakit hindi ka parin nag uuniform." Puna n'ya sa'kin.

Ngumuso naman ako. "Ang iksi kasi, parang hindi ko kayang magsuot ng ganoong kaiksi na palda." Sabi ko.

"Masasanay karin."

"Kulang na lang magpanty tayo." Sabi ko pa.

"Papa Clintttttt!"

"Baby Crisssss!"

"James ang cute mooooo!"

"Kyle ang pogi mo!"

"Ang hotttt n'yoooo!"

"Mga fafassss!"

Bigla na lang muli akong napa busangot dahil nand'yan na ang mga asungot. Lalo na iyung James na 'yun.

Tinignan ko naman si Heaven na ngayon ay namumula na. Ang cute n'ya pagnamumula s'ya.

"Hoy!" Tawag ko sa kaniya. Tumingin naman s'ya sa akin. "Pagnamumula ka, nahahalata ka."

Nagulat naman s'ya sa sinabi ko. "T-Totoo?"

"Oo, kaya mahahalata ka kaagad." Sabi ko pa. "Kinikilig ka ba, pagnakikita mo s'ya o kaya naririnig ang pangalan n'ya?"

Namula na naman s'ya, tsk tsk!

"Oo." Kinagat n'ya ang pang-ibaba n'yang labi para mapigilan n'yang ngumiti.

"Crush mo talaga?"

"Sobra."

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon