Chapter 7

5 0 0
                                    

Island 7
Mud

I can't believe this.


Heto ngayon ay kumakain ako habang siya ay nag babasa para sa akin.


"Eto ba yung sunod?"


He looks like a teacher. He talks like a business man too. He reads like he's reading a children's book. This time I really think na hindi siya trabahador dito.


I was busy eating pero alam ko sa sarili na mas binibigyan ko nang atensyon yung pagbabasa niya kaysa sa pag kain ko.


"Tapos na ako, ikaw hindi pa tapos" aniya.


Bumalik lang ako sa realidad nang sinabi niya yun.


"I was busy listening and analyzing the words so don't scold me"pagtataray ko pa. Inis na inis na ako at hindi ko matanggap kung bakit nag eenjoy ako dito. Tss


Mabilis kong tinapos yung pagkain ko, wala akong pakialam kung andyan siya nakatingin mabuti na nga yun para ma turn off siya.


"Tapos na ako. Better bring these outside" sabi ko at tinuro yung pinagkainan ko.


Maingat nito na nilagay yung notes ko tsaka dahan-dahan na niligpit yung pinagkainan ko. Hindi ko na siya tiningnan pa hanggang sa makaalis na siya ng kwarto. Mas lumuwag yung paghinga ko nang mawala na siya doon.


I can't believe I last long with that guy.


"Jusko naman, mag hunos dili ka Zamuelle" sabi ko pa habang minamasahe yung ulo ko.


Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa lalaki na yun. Parang hindi niya ako hahawakan. He's not like the others na pakiramdam ko isang metro palang ang layo sa akin ay kinakabahan na ako.


As soon as I calmed myself ay niligpit ko yung mga notes ko. Siguro tama na itong pag-aaral ko alam ko naman na may natutunan ako eh.


Pababa ako papuntang kusina. Dahan dahan pa akong naglalakad papunta roon baka kase andun si Kingsley eh. Dahil nga ay trabahante daw siya, na parang hindi naman, hindi maiiwasan na maglasalubong yung landas namin kaya mag-iingat ako.


Kita ko na walang tao yung kusina kaya nakangiti akong pumunta sa ref. Bumungad sa akin yung isa plastic bag na may lamang cup. Hindi ko sana papansinin pero nakita ko na may pangalan ko.


Confused, I open it at nagbungad ay isang...


Matcha...


Omoooo my favorite.


Pa linga-linga pa ako sa paligid baka makita ko kung sino naglagay nito.


Mabilis ko na kinuha yun at iniinom.


Now my mood is good. Who ever brought this, I will thanked that person later on o baka si Papa yung bumili nito. Hindi ko alam kung saan siya bumili nito e isla itong tinutuloyan namin.


Magiliw akong naglakad papunta salas, habang dinadama ko yung matcha ay nakita ko si Papa na may inaayos na gamit.


"Hey sweetie, how's your study?" Tanong ni Papa pero nakatingin ito sa inaayos nito.


I sip then answered. "Okay lang naman, konting push nalang"


"Yeah, I heard tinulungan ka ni Kingsley"


Automatikong bumukal yung dugo ko. Lintek na walang ganti naman.


"Alam mo bang batang yan ay lahat nalang gagawin niya para makatulong sa tao, bilib ako diyan eh, kahit may kaya sa buhay, hindi minamaliit yung mga tao mapahirap man" parang proud na proud pa si Papa.

Dreaming of Memories (Blue Islands Series 1)Där berättelser lever. Upptäck nu