Chapter 1

3 0 0
                                    

Island 1

Green and Strawberry

Welcome to Blue Islands!
An island where you can find peace! Enjoy!

'Yeah I hope that i get that peace'

Yan agad yung bungad sa akin pagkababa ko palang ng yacht. Alas kwartro na ng hapon nung nakarating kami sa isla. Sa isang napakalaking isla na napapalibutan ng iba pang maliit na isla sa Palawan. Nakikita ko yung mga tao na naglalangoy, yung iba naman ay nagje-jetski at yung iba naman ay tumatambay lang sa dalampasigan.

Blue Islands has this clear water na kahit maliit na isda at corals ata makikita mo sa ilalim.

Hmm. I think I would love this place.

Summer ngayon kaya naisipan ng mga magulang ko na magbakasyon muna daw sila sa resthouse nila dito sa Palawan kaya sumama ako. Kailangan ko talaga nang break from all those toxic people in the city.

Kakatapos ko palang  sa college and my graduation will take place after a month kaya habang wala pa ay naisipan ko nalang na sumama kay Papa dito.

After my graduation ay dapat meron na akong trabaho dahil sabi ni Papa ay ibibigay niya sa akin yung company once na ready na ako. Since business management yung kinuha kong course nung college ay hindi na ako mahihirapan na mag manage ng companya tsaka nandiyan naman yung parents ko para e guide ako, I'm sure tuturuan nila ako ng mga basic for managing a company.

Dumiretso agad kami sa isang lounge na kung saan may mga pagkain na nakahanda para sa amin. Siguro pinaghandaan nila yung pagbabalik ng pamilya namin dito. Originally daw dito nakatira si Papa pero dahil si Mama ay taga manila ay lumipat daw kami at pinababantayan lang yung bahay namin dito.

Pagkarating namin doon ay umupo na kami at bigla na lang may dumating na parang ka edad ni Papa na lalaki. Hindi ko alam kung turista ba siya o may-ari kase base sa pananamit niya, simple lang ito parang pambahay lang.

Pumunta agad sa gawi namin yung lalaki nung namataan niya si Papa.

"Nicolo HAHAHA long time no see."bati pa nung lalaki. Ganda ng accent. Hmm pang mayaman, siguro ka partner ata to ni Papa sa Business World.

"David HAHAHA long time no see too" tumayo pa si Papa para yakapin yung lalaki na ang pangalan pala ay David.

"Kamusta? Balita ko dadalhin mo yung anak mo dito"

Bumaling naman yung tingin ni Papa sa akin. "Andito siya oh" turo pa niya sa akin.

I automatically smile at him. Tumayo ako at nagpakilala.

Dapat kase daw pagdating sa mga ganitong klaseng tao ay dapat maging magalang ako at approachable. Pag nakita ka ng mga tao na ngumingiti ka at approachable ay mas may lakas sila na kausapain ko pero hindi naman sa lahat ng tao dapat ngumingiti ka, pili lang yung mga tao na galangin mo yan ang sabi sa akin ni Mama dahil daw once na malaman nila na nirerespeto mo sila ay rerespetuhin ka din nila and at the same time mabubuild yung trist nila sayo. They can see you as a respective and decent woman.

"Good afternoon po Sir David. I'm Zamuelle Nicole. Nice to meet you." Pagpapakilala ko tsaka naglahad ng kamay at tinanggap niya naman yon at medyo natawa pa.

"Enough with the formalities HAHAHA just call me Tito David"nakangiti nitong sabi.

“Sure Tito” nakangiti kong tugon.

“May we have a sit” sabi pa ni Papa at naupo na kami. Binigyan niya si Tito David ng maupuan.

“Nako Nicolo mas magalang pa yang anak mo kaysa sayo HAHAHA” pagbibiro pa nito. “And I’m sure siya ang susunod sa yapak mo pagdating sa business.”

Dreaming of Memories (Blue Islands Series 1)Where stories live. Discover now