Chapter 5

4 0 0
                                    

Island 5
Dinner

Chapter 4

Nawili ako sa pag-uusap namin ni Gavin na hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami. Madilim na ang langit at nakikita ko na yung bituin na kumikinang.

Nararamdaman ko na rin yung napakapreskong hangin na dala ng dagat. Sa ibang dagat kase pag naghangin ay medyo may mararamdaman ka na lagkit pero yung hangin ngayon na nararamdam ko ay sobrang presko, hindi masyadong malamig hindi masyadong mainit.

"Zam pasok na tayo" pagtawag pa sa akin ni Luke sa terrace.

Pagdating ko sa hapag kainan ay halos lahat ay nakahanda na. Sina manang ay sumabay na rin sa amin kumain.

"Gavin kamusta kana pala? Tagal mo nang hindi nagpapakita sa amin ah" si Papa. Matagal ng kilala ni Papa si Gavin since business partmer yung parents namin at classmate ko siya nung college kami.

Uminom pa muna si Gavin ng tubig bago sinagot yung tanong ni Papa.

"Pasensya na po Tito, masyado kase akong busy sa companya eh"

Tumatango si Papa at tumingin kay Luke."Oh ikaw Luke, kamusta yung trabaho"

"Okay naman po Tito. As always ay madaming gawain, mabuti na nga lang ay nakaalis din ako sa syudad eh at nakabalik rito"

As always talaga magalang sila. Kaya pala parang may kahawig sila sa personalidad kase mag pinsan sila. Ganyan ba talaga mga De La Vega?
Tumango-tango pa ako habang nginunguya yung pagkain ko.

"Rito? Taga rito ka ba Luke? Akala ko permanent address mo ay city" 

"Yes po. Actually magpinsan po kami ni Gavin" sagot ni Luke na ikinagulat ni papa.

"Oh? Talaga? No wonder may similarities kayo, that explains everything. Sandali wala ka namang may kinukwento sa akin Gav ah. You only told that you used to live here in Blue Islands" naningkit pa yung mata ni Papa.

Oo nga pati sakin wala rin. Daming lihim mga letse. Inis kong kinagat yung kutsara na may pagkain buti nalang at busy sila sa pag uusap kaya hindi nila napansin na padabog akong kumakain sa tabi.

"Pasensya na po Tito hindi kase kayo nagtatanong eh hehe" nahihiya pa na sabi ni Gav.

Mga siraulo talaga.

"So ibig sabihin Luke, De La Vega ka?"

I scoffed at tiningnan si Papa nang bored na mukha."Papa of course he is. May magpinsan ba na hindi related?" pabalang ko na sabi.

"Alam mong bata ka bakit kase hindi ka mag asawa ng De La Vega" sabi pa ni Papa at binatukan pa ako.

Ako na naman?!

"Ayaw ko nga tsaka wala akong bet sa kanila nuh. Hindi ako mag kaka gusto sa isang De La Vega. Periodt." bored kong sabi.

"Ewan ko sayo Zamuelle. Maganda naman lahi nila ah at their into business. I'm sure you have soe ideas that you can share and collab with them after all I am friends with their parents." at nagpatuloy na ito sa pagkain.

Mga ilang minuto din ay wala nang may nagsalita hanggang sa matapos ang kainan.

"Wait, I heard that Blue Islands has this 3 young bachelor owners, am I right? kwentohan niyo ako matagal na akong hindi nakakasagap ng balita tungkol sa isla na to." Tanong ni Papa habang papunta kami sa salas. Nasa likod lang nila ako habang nag-uusap silang tatlo.

Dreaming of Memories (Blue Islands Series 1)Där berättelser lever. Upptäck nu