Chapter 3

6 0 0
                                    

Island 3
Paint

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ko. Hindi ko ata nasara kagabe. Bumangon ako at nakita ko yung gamit ko na nasa side table. Hindi ko pa naayos yung gamit ko. Nako nalang.

Masyadong pagod talaga ako kahapon.Tulala ako ngayon habang iniisip yung kagabe. Yung salita na narinig ko sa panaginip, pero panaginip nga ba?. Gusto ko ulit na marinig yun pero meron sa part ko na sana hindi ko na yun narinig man o napanaginipan kase bumabagabag ito ngayon sa isipan ko.

'I hope you dream of me'

Sana mapanaginipan mo ako?

Oo napanaginipan na kita pero hindi kita kilala. Aishhh!

Nag-eecho na naman sa isipan ko yung mga salita na yun. Hindi ko talaga matukoy kung sa panaginip nga ba yun o may nagsabi sa harap ko mismo. It's very hard to differentiate. Damn!

Tuluyan na akong umalis sa kama at nag-ayos na para mag-agahan. I discarded my thoughts at nag focus nalang sa pag-aayos. Sa susunod ko nalang aayusin yung mga gamit ko. Bumaba na ako pagkatapos kong mag-ayos. Nakita ko si manang na nagluluto palang ng breakfast namin. Kumuha nalang muna ako ng ilang pirasong tinapay tsaka yung maliit na pack ng freshmilk sa ref at nilibot yung buong bahay.

Hindi ko naman siya matatawag na bahay lang kase parang mansyon yung built niya. Sa gitna ng hallway may nakita akong nakaukit sa kahoy na nasa dingding namin.

Mansyon Villanuevo

Napakaganda ng pagkaukit nito kung alam ko lang noon na may rest house pala kami rito ede sana dito na nalang ako nanirahan

Pumunta ako sa salas at nakita ako roon na medyo may kalakihang litrato na nakasabit. Halos family pictures yung nakasabit, yung iba ay solo pictures. Namangha ako sa mga magagandang kuha ng mga litrato. Gustong-gusto ko kase yung mga aesthetic design na mga litrato.

Nawala lang ang atensyon ko sa mga litrato ng nagsalita si Papa mula sa likuran.

"Maganda ba?" nakangiting tanong pa niya sa akin.

"Yes pa, hindi ko akalain na ganito kaganda yung bahay, akala ko kase noon pangit eh kase medyo gawa sa kahoy. Sana noon palang Pa ay dinala niyo na ako rito." sabi ko. Hindi pa rin mawawala yung pagkamangha ko sa bahay na ito.

"You can stay whenever you like tsaka one year ago ko lang ito pina renovate, though gawa pa rin siya sa kahoy pero mas matibay na" sabi pa ni Papa at inakbayan ako. "Halika ka sa labas nandoon yung mga kaibigan ko"dagdag nito at ginaya ako papalabas ng garden.

Habang papunta kami roon hindi ko maiwasan mamangha sa mga halaman na nakatanim sa hardin namin. Meron ding iba't-ibang klase ng bulaklak. Ang kwento kase sa akin nina Papa na ang lola ko daw ay mahilig sa mga bulaklak. Medyo may kahiligan din ako pero hindi ako kasing hilig tulad ng lola ko.

Sa sobrang pagkamangha hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa tambayan nina Papa. Nakikita ko yung mga kasing edad niya na lalaki, mukhang mga dating kaibigan niya eh kase hindi ko sila kilala at alam kong hindi nagpapapunta si papa ng mga tao kung hindi niya ito kaibigan.

"Ito pala yung anak ko. Ang nag-iisang babae ng mga Villanuevo" pagkasabi nun ni Papa ay lahat sila sabay tumingin sa akin.

Nagbow ako at tsaka ngumiti sa kanila. Buti nalang at nag-ayos ako bago bumaba rito.

"Napagandang bata naman. Dugong Villanuevo talaga" rinig ko pa na sabi ng kaibigan ni Papa.

'I know right' sabi ko pa sa isip lang.

Dreaming of Memories (Blue Islands Series 1)Where stories live. Discover now