What she said pierced my heart but that made me appreciate dad more. Wala man siya noong bata ako para sa akin ay dapat pa rin akong magpasalamat sa kaniya. He worked hard for us. Kahit nawalan siya ng panahon para sa akin ay ginawa niya iyon para sa kinabukasan ko.

Hindi na ako nagpaalam pa kay Ayden na aalis na ako. Hindi rin naman kasi niya gustong bumalik ako sa trabaho. Inaasahan ko ang tambak na mga gagawin ngunit nagkamali ako nang makitang mayroon lamang tatlong folder sa lamesa ko

"I did all the other papers. Dapat ay hindi ka muna pinapasok ng CEO."

I chuckled and sat down the swivel chair. Kahit papaano ay namiss kong umupo rito.

"The CEO is my dad. He will listen to me."

Mahina siyang tumawa saka tumango. Nang silipin ko ang isang folder ay agad na pumasok sa isip ko ang nangyari noong nakaraan. Akmang aalis na si Mathias nang tawagin ko ang pangalan niya.

I may be overreacting but I can't deny the fact that I am still worried. Kahit na mayroong mga guwardiya sa paligid ay iba pa rin ang pakiramdam ko. Something is really wrong.

"Any updates about the incident?"

Malalim siyang huminga saka yumuko. "I promised I won't fail you. Pero, hanggang ngayon ay wala kaming mahanap."

Kinagat ko ang labi ko saka tumango. Alam kong hindi lang ako ang nababagabag. I know Ayden's on move. Kahit wala siyang sinasabi ay pilit niya pa ring hinahanap ang taong iyon. Hindi naman na ako umaasang makikilala pa iyon dahil nawala ang kaisa-isang footage na makapagtuturo sa amin kung sino ang may gawa.

"It's okay, Mathias.. Nakibalita lang ako."

He directly looked at me and spoke. "You don't have to worry. I doubled your guards. Hindi mo sila makikita pero na sa paligid sila. I won't let this happen again."

I smiled and nodded. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. I know Mathias can get the job done. He's reliable and he's a friend. Hindi niya ako pababayaan.

"Thank you, Mathias.. I always knew I can trust you with my entire life."

He bowed down and walked away. I inhaled a deep breath to relax myself and start my work. Mas maganda kung maaga akong makakauwi para hindi na lalo pang mag-alala si Ayden. I don't know if he's going to their building today. Alam kong tambak na rin ang trabaho niya dahil nanatili siya sa bahay habang naroon ako.

Hindi rin nilisan ni Joaquin at Faye ang utak ko. No matter how much I convince myself that it's not my fault, hindi ko pa rin maialis ang ideyang may kasalanan ako. Hindi ako naging sensitive sa pagtrato sa akin ni Joaquin at sa nararamdaman ni Faye. I saw how she's uncomfortable with those girls being around Joaquin! Bakit hindi ko nahalata? I am an observant but I didn't feel it! I am so stupid!

I stopped reading the paper when I realized I won't understand any of it. Tiningala ko ang kisame saka minasahe ang balingusan ko sa frustration. My phone suddenly rang and I saw Joaquin's name on it.

Agad na lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nang hawakan ko ang cellphone ay hindi ko alam kung sasagutin o papatayin ko na lamang ang tawag. I don't think I am ready to talk to him. Pero kung hindi ngayon, kailan?

"Asia.."

His deep voice on the other line greeted me. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko para pigilan ang mga luha kong nagbabadya nang tumulo nang marinig ko ang boses niya. I may be a strong woman but I am weak for the people I love.

"Joaquin.."

I forced myself to make my voice stable.

"Can we talk? Pupuntahan kita–"

It Had to be You (Valdemar Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora