Kabanata 40

5.8K 154 67
                                    

40 – Sorry

Hinilot ko ang sentido ko saka pabalik-balik na naglakad sa loob ng walk in closet. Nanatiling mahina ang boses ko habang kausap si Mathias tungkol sa pangyayari kanina. I am still in shock. I am scared. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Ayden ang nangyari o ililihim ko na lamang para hindi na ako dumagdag sa mga alalahanin niya. Dad already knows about this. Malamang ay pati si mommy, alam na.

"We still have no hint to who might've done this, Asia.." he sounded frustrated. "Pero mahahanap namin iyon. Nai-report na namin ang nangyari."

"How about the CCTV's?"

"Three footages this day went missing. Wala pa kaming ideya kung paano nawala ang mga iyon ngunit gagawa kami ng iba pang paraan, Asia. We will track that down."

I sighed and closed my eyes. "Okay, Mathias.. You and your team did a great job today. Just rest for tonight.."

Natahimik ang kabilang linya. I bit my lower lip and massaged my temple. Hanggang ngayon ay naririto pa rin ang kaba sa dibdib ko. I am still feeling scared. Kahit na na sa bahay na ako ay hindi pa rin ako mapakali. Mayroon pa rin akong maling nararamdaman.

"You know I will do everything to protect you, right, Asia? You don't have to worry."

I nodded and inhaled a deep breath. Of course. Mathias will never fail me.

"I know. Thank you, Mathias.."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago pinatay ang tawag. I rested my back on the wooden cabinet to help me calm myself. I closed my eyes and tried to relax but it didn't work. Napamulagta na lamang ako nang biglang magsalita si Ayden na ngayon ay katatapos lamang maligo.

"What's happening, Anastasia?"

Humampas ang dibdib ko sa tanong niya. I gulped and tried to hide my phone. I forced myself to smile at him.

"What do you mean?" I innocently asked.

Bumaling lamang siya sa akin habang kumukuha ng v-neck shirt. Kinagat ko ang labi ko at nag-angat ng kilay.

"What's wrong?"

The coldness of his voice sent shivers down my spine. I inhaled a deep breath and shook my head. Would he believe me?

"Nothing's wrong, Ayden.." I looked away. "I'm just tired."

Mabilis niyang isinuot ang itim niyang pantaas saka nilagpasan ako para isabit ang tuwalyang ginamit niya. I can still smell his manly scent even after he passed by me.

"You're not a good liar."

"I'm n-not.." napalunok ako. "Lying."

Mahina siyang natawa saka bumalik sa akin. He crossed his arms and looked directly at me. Hindi ko alam kung kaba dahil sa nangyari kanina ang dahilan kung bakit nagwawala ang puso ko o dahil parang alam na alam niya pa rin ang lahat sa akin at wala akong maitatago.

"That's exactly what you're doing right now."

His arms snaked around my waist to pull me closer to him. He showed a small smile before kissing my temple. Lalong nagwala ang dibdib ko sa ginawa niya pero hindi na dahil sa kaba.

"You know you can always tell me anything, right?" He whispered.

"Yeah.." I sadly smiled. "I know.. I'm sorry."

"What is it, huh?" He urged. "What is it that's bothering my wife?"

I bit my lower lip and looked down. Lumuwag ang hawak niya sa akin para bigyan ako ng espasyo. I was hesitant to tell him at first but I know he's not gonna stop bugging me about it.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now