Simula

19.5K 399 252
                                    


Simula

Dumagundong ang malakas na ingay sa loob ng sala nang bumalik ako sa loob. Mabilis na nagpalit ang mga ilaw sa iba’t ibang kulay kaya naman napayuko ako habang nakangiti. Ang karamihan sa mga bisita ko ay na sa gitna at nagsasayaw. Some of them stayed on the sofa and some were in the pool.

Nang makita nila ako ay naghiyawan silang lahat para batiin ako. I laughed and told them to enjoy. Umakyat ako sa second floor para tignan pa ang iba kong bisita. Iilan ang nakasalubong ko sa hagdanan at bumati rin. I just smiled and said thanks. Some of them are my co-models. Hindi ko na alam kung nasaan ang close friends ko.

“Asia!”

My drink almost spilled when a man tried to jump on me. Umamba akong susuntukin siya kaya naman umilag siya agad habang natatawa. Sa likod niya ay sumunod si Daniel na nakangiti saakin. Nakapatong ang braso ni Amethyst sa balikat ni Faye nang makita ko silang umaakyat na patungo saamin.

“My drink almost spilled!” I exaggeratedly said. “Matatapunan pa ang damit ko.”

I am wearing a sexy one shoulder red bodycon dress paired with Christian Louboutin’s Maia Labella stiletto. My long  raven black hair was in a high ponytail to show my Chanel silver crystal dangle drop earrings. My lips were in a deep shade of red with my smokey eye.

“Happy birthday, baby girl.” Bati ni Daniel habang may iniaabot na maliit na kahon na malamang ay alahas ang laman.

I smiled widely. “Diamond earring again?”

He shook his head and smiled. “Your new baby is outside. I-park mo na.”

Nalaglag ang panga ko nang ma-realize kung ano ang regalo niya saakin. My eyes drifted to the tiny box I’m holding and opened it. Hindi ko napigilang mapatili nang makita kong susi ang laman no’n.

“Oh my gosh!” hindi ko na napigilang yakapin siya sa tuwa. I kissed his cheeks. “Thank you! Thank you, insan!”

“Oopp! Ano ‘yan?” usisa ni Faye nang makaakyat na sila.

Malaki ang ngiti kong ipinakita ang susing laman ng kahon saka tumili ulit. Amethyst hissed with my reaction.

“Hoy, Daniel. Wala ka na bang mapaglagyan ng pera mo?”

Nagkibit-balikat lang ang pinsan ko. “Bakit, gusto mo rin?”

Amethyst rolled her eyes. “May pambili ako.”

“Kung gusto mo rin, sabihin mo lang saakin.” Ngumuso si Daniel, tila nagpapa-cute.

Awang ang bibig ni Faye habang nakangiwi, tila nandidiri sa pagpapacute ni Daniel.

“Eww..”  she commented.

Agad na natahimik si Faye nang hilahin siya ni Joaquin papunta sa island para kumuha ng drinks.

“Ikaw, lagi ka nalang ganyan. Para kang may allergy sa mga couple. Bitter ka? O, tomboy ka lang talaga?” Narinig kong tanong niya kay Faye habang pinipirmi ito sa bar stool.

Napailing ako habang natatawa. I know that Daniel likes Amethyst but I don’t know if she feels the same way towards him. Ang alam ko lang ay lagi siyang naiirita sa pinsan ko kahit walang ginagawang masama. But hey, isn’t that a sign? The more you hate, the more you love?

But when it comes to Faye, siya iyong parang laging inaalmoranas kapag nakakakita ng naglalandian. Maybe that’s because she had no boyfriend since birth, hindi gaya nitong si Joaquin na todo ang kalandian. Pakole-kolekta lang ng babae tapos kapag nagsawa na, iiwanan na.

Umangat ang kilay ko habang patuloy na pinagmamasdan silang nag-uusap sa island counter at umiinom ng drinks. Makakahanap din iyan ng katapat niya.

It Had to be You (Valdemar Series #2)Where stories live. Discover now