ฅ^•ﻌ•^ฅ WORLDS ACROSS THE MOONLIGHT ฅ^•ﻌ•^ฅ
◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾
CHAPTER 1
◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾
[ SELENE'S POV ]
"Tita! Tita! Seyin!"
Tawag sakin ng pamangkin kong apat na taong gulang na si Luan. Actually bulol pa rin siya sa pangalan ko (Selene) pero natutuwa talaga ko pag tinatawag niya ko kahit di niya matuwid ang pagbigkas non hahaha!
♡(> ਊ <)♡ Pano ba naman kasi at Napa cute ng pamangkin ko. Manang mana sa tita hehe (≧▽≦)
Napangiti ako sa cute na batang pilit inaalis ang kumot sa katawan ko habang pinapatayo ako.
"Baby mamaya na, inaantok pa si tita e" kunwaring nagpungas pa ako ng mata kaya't napasibangot ito sa narinig at napa cute ng pag pout ng pulang labi niya! >,<
"luto na food! luto na food! luto na food! gutom na" sabay himas nito sa malusog niyang tiyan.
Sa totoo niyan parang ako na din talaga ang nanay ng batang to dahil ilang buwan palang ng manganak si ate Arth ay ako na ang nag alaga sa kanya, inuumaga na kasi ng umuwi ang nakatatanda kong kapatid mula sa trabaho, nightshift kasi siya sa isang company na pinagtatrabahuan niya at laging pagod na pag uwi. Saglit lang nito nakakausap ang anak atsaka matutulog na.
Naaawa ako kay ate dahil kailangan niya kumayod ng mabuti para sa pag -aaral ko mula ng sabay na mawala ang mga magulang namin at mag isang tinutustusan ang gastusin sa anak niya. Mahirap talaga maging single parent kaya saludo ako sa kapatid ko.
Matapos makapaghanda ng agahan ay pinapaliguan ko na ito dahil may klase pa ito mamayang alas otso. Matalino kasi itong pamangkin ko kaya't kahit na apat na taon palang ay nakakasabay na siya sa klase nila sa nursery. Araw-araw naming routine yon bago naman ako pumasok ng klase. Mabuti't napapakiusapan namin ang teacher nito na mag stay muna siya sa bahay nito at doon na lamang susunduin. Magkababata kasi at malapit na magkaibigan ang ate ko at si teacher Edel.
"Babye mommy!" paalam ng pamangkin ko sa kanyang ina na tulog na tulog na. Idinikit ko ang sticky note sa mesa bago kami pumasok ni Luan, nakahanda naman na ang pananghalian nito sa ref at iinitin na lang kung sakaling magutom siya.
"Oh baby makinig ka mabuti kay teacher Edel ha?" bilin ko sa batang nakahawak na ngayon sa kamay ni Ms. Edel. Maganda ito at mabait, may mahahabang pilik mata at maputing kutis. Kasing edad lamang ito ni ate Arth ngunit mukha pading bata kumpara sa kapatid ko. Siguro ay dahil hindi ito gaanong naiistress sa buhay sa pagkat sa pagkakaalam ko kay ate ay wala parin itong nobyo hanggang sa ngayon.
"Nandyan na ang baon mo sa lunch box atsaka mamaya dadaanan kita sa house nila ah?" masayang paliwanag ko sa bata. Marahan namang tumango ito sa akin at nag papasalamat ako dahil tiwala akong masunurin ang pamangkin ko.
"Papasok ka narin ba Sel?" agaw na tanong ng nakangiting si Ms. Edel.
"Ah opo Ms. Edel--" di ko naituloy ang sinsabi ko ng putulin niya iyon.
