ฅ^•ﻌ•^ฅ WORLDS ACROSS THE MOONLIGHT ฅ^•ﻌ•^ฅ
◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾
CHAPTER 2
◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾◾
"Kamusta po ang kapatid ko Doc? ayos na ba siya?" naririnig ko ang pamilyar na boses mula sa kung saan kaya't unti-unti kong iminumulat ang mga mata ko.
"The patient is now under observation ma'am. Himala ang nangyare dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya ay maayos na ang vitals niya within 48 hours." naaninag ko ang magkausap na dalawang tao, ang isa ay doktor at katapat nito ay ang nakatatanda kong kapatid na bakas ang pagaalala sa mukha.
"A-ate ..." mahinang tawag ko rito habang pilit iniaangat ang kaliwa kong kamay.
"S-Selene!" nagmamadaling lumapit sakin ang kapatid ko at agad akong hinawakan sa mga kamay. Lubos ang lungkot sa mga mata niya at hindi na niya napigilang umiyak. "N-nag alala ko sayo... ayos ka na ba? wala n-nabang masakit sayo?" patuloy lang ang pag iyak nito habang tinitingnan ang buong katawan ko.
Lumapit rin ang doktor at inexamin ang katawan ko. kita ang buong pagkamangha sa mukha nito at panay rin ang tingin nito sa clip board na hawak niya. "May nararamdaman ka pa bang masakit sa katawan mo hija?" tanong ng may edad ng doktor.
Agad kong pinakiramdaman ang sarili ko at wala naman akong nararamdamang masakit o makirot at parang natulog lang ako. "W-wala na po Doc ayos na po ako he he" masiglang sagot ko kaya't tumango tango ito.
"Nagugutom nako pwede na po bang umuwe?" nahihiyang tanong ko sa doktor kaya bahagyang napaawang ang bibig nito bago muli magsalita.
"Base on our findings tila Himala ang case mo, wala namang fractures or major injuries na natamo mula sa aksidente. Inaantay na lang ang iba pang laboratory results kung may iba pang complications at kung maayos naman na ang lahat ay pwede ka nang marelease bukas hija" nakangiting pagpapaliwanag nito.
"Salamat po doktor gawin niyo po ang lahat para maging maayos kapatid ko" sagot ni ate na patuloy padin sa pag singhot.
Maya-maya pa'y umalis na ang doktor kaya't naiwan na lamang kaming dalawa ni ate. Niyakap agad ako nito ng mahigpit na parang ayaw nakong bitiwan! *HUK!*
"A-Aano ka ba ate h-hindi ako makahinga!" reklamo ko kaya't bumitaw ito. "Namamaga na ang mata mo para kang kinagat ng ipis hahahaha!" biro ko kaya sinamaan ako nito ng tingin sabay mahinang hampas sa balikat ko pagkatapos ay nagtawanan kami.
"Sandali ano bang nangyari? ha Selene? pinag alala mo kami ng sobra lalo na si Luan iyak ng iyak ang pamangkin mo!" tanong nito habang binabalatan ang pulang mansanas sa side table. Alam kasi nito na hindi ko gusto ang balat non kapag kinakain. "Ang sabi ni Edel malaking truck ang nakabunggo sayo?" kita ang pag kunot ng noo nito noong tumingin ito sa akin.
