Chapter 3: The Card of War

17 4 1
                                    

CEDRIC'S P.O.V.

Pauwi na kami ni Sunshine at nagkukwentuhan.
"Oo nga pala, kamusta first day?" tanong ko kay Sunshine
"Ok lang naman, nakakwentuhan ko yung prof. namin" sagot nya
Nagulat ako at close na yata sila "Wow naman, close na kaagat kayo?"
"Di naman sa ganon, nakita ko kasi yung picture na matagal na nyang hinahanap" sabi nya
"Wow detective kana pala ngayon, di ka nagsasabi ahh" biro ko sa kanya
"Di ahh nalaglag lang sa libro nya then binigay ko sa kanya kaya yun" sabi nya na medyo pasigaw
"ah oki oki HAHAHAHA" natatawa ako kasi parang nagagalit sya
"anong tinatawa tawa mo dyan?" tanong nya
"Wala, wala" sagot ko
"tara na nga!" sabi nya

Napipikon na yata sya kaya tinigilan kona baka mag-away pa kami kawawa naman sya.

nag-aya si Sunshine ng mag ice cream muna daw kami"Ceds! tara ice cream!"
"tara ba!"
bumili kami ng ice cream, di naman kasi ako titigilan nito hanggat di nakakatikim ng ice cream, opo adik na adik po sya sa ice cream.
"akin Double Dutch" sabi ko
"okiedokie!" sagot ni Sunshine
Pagkakuha ni Sunshine sa ice cream ay sinabayan nya ng takbo, as always ako na naman magbabayad, hayss napaka kuripot talagaa.

"oyy Sunshine! andami mo nang utang sakin"
"Luhh, utang? libre mo yun nukaba! HAHAHA" sabi ni Sunshine
"hmmm, ang sarappp, ko" biro ko
"kapal na naman naman ng mukha nito" sagot nya
"Bakit! di ba totoo?" Pabiro kong tanong sa kanya
"Abay ewan ko sayo, Feelingero" Sabi nya

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at habang kumakain ng ice cream masayang masaya si Sunshine at patalon talon sa kanyang paglalakad, ewan ko kung ano ikinasasaya ng babaeng ito bat parang kakaiba sya ngayon, Inlove kaya to? Siguro nga inlove sya...

Sa kakatalon ni Sunshine tumilapon ang dala nyang ice cream at nabigla na kami sa susunod na ng yari....

"Ha-ha-hazueee?!"

Natapunan ni Sunshine ng ice cream ang damit ni hazue, mukhang mamahalin pamandin.

"What the hell!" sigaw ni Hazue
"ah, Ahh pupunasan ko nalang, pasensya na" ang sabi ni Sunshine kay Hazue
"idiot! Alam mo ba kung magkano tong dinumihan mo? Baka mas mahal pa sa buhay moto! Ngayon ko nalang nga isusuot ehhh" sabi ni hazue kay Sunshine

Bilang kaibigan ni Sunshine nabigla ako sa sinabi ni Hazue na mas mahal pa ang suot nya kaysa sa buhay ni Sunshine,

Kaya pinatabi ko muna si Sunshine at pumunta ako sa harap ni Hazue

"hoyy Hazue, nagsorry na sya diba? Hindi pa ba sapat yon? Kailangan pabang ipagdikdikan na mahal ang suot mong damit? At sino ka para sabihang mas mahal pa yan kesa sa buhay nya ha? Puro porma lang alam nyo!"

"Sino kaba sa tingin mo? Do you know who i am?" Sabi ni Hazue
"Oo! Kilala kita, kayo ng mga kasama mong kutong lupa na mga to, diba kayo tong mga feeling famous sa School, feeling nyo pag aari nyo and MingDe, wala naman kayong naiambag na maganda sa mundong ito, ikaw Hazue tama? Ikaw tong natapunan lang ng ice cream at nagkadumi ng konti eh papatay ng ng tao, ano bayang suot mo Ginto?"
Sa sobrang galit at sama ng loob ko kumuha ako ng pera sa wallet ko at tinapon sa Harap nya
"Yan oh! Ok naba yang 2K pangpalaundry ng Damit mo? Este ng Ginto mo? Tandaan moto Hazue at kayong Apat na Kutong lupa kayo, Oo di kami mayaman na katulad nyo, di namin afford yang mga suot nyo, pero hindi nyo kami pwedeng maliitin ng dahil lang don!" pagkasabi ko don ay Umalis na kami ni Sunshine at baka mapaaway pakami mahirap natong lagay namin
Umalis kaming nakatitig samin ang lima na parang papatayin na kami
Habang naglalakad kami, napansin ko si sunshine na tulalang naglalakad at parang malalim ang iniisip

Sunshine's P.O.V.

Ang tapang naman ni Cedric, ngayon ko palang sya nakitang ganon, ginawa nya yon para lang sakin at napaka swerte ko at may bestfriend ako na ganito, feeling ko tuloy every time na magkasama kami napakasafe ko at walang mangyayaring masama sakin, kahit na minsan ay pilyo sya (di pala minsan Madalas Pilyo sya) ang sarap sa feeling... Kahit na napaaway kami ngayon ng dahil lang sa ice cream napakasaya ko. Ewan ko kung bat ganito ang nararamdaman ko imbis na matakot ay sumaya ako

Into You [BL] (On-Going) Where stories live. Discover now