Chapter 2: 5 Black Flowers

24 5 6
                                    

CEDRIC'S P.O.V.

Tapos na ang klase namin sa buong araw at may isang oras pa kaming bakante at kailangan kopang hintayin si Sunshine, kaya nag tambay muna ko sa may cafeteria,

SUNSHINE'S P.O.V.

Pagkakaalam ko wala nang klase si Ceds ngayon, nasan kaya sya?

Nakakahiya naman, may klase pa kami at kailangan nya pakong hintayin, feeling ko nabobored na sya.
*sa lalim ng iniisip ko kanina pa pala ako tinatawag ng prof. namin at hindi ko naman napansin

"Hey Miss!, Miss with a Short hair.... Miss!"
Nabigla ako "Me? Sir?" sagot ko sakanya
"Yes, You miss, What is your name?" tanong nya
*Kinakabahan ako baka maparusahan o mapagalitan ako
"Ahmmm, Sunshine Domingo, sir"
"Ohh What a beautiful name, Sunshine Domingo" Parang nangaasar sya sa tono ng pagsasalita nya.

Bat ganon feeling ko kabatch lang namin prof. namin, ang bata kase ng istura nya, tas teenage style pa sya. Kaya ba may mga estudyante ring nagkakagusto sa kanya? Bruhhh kahit na ganon bawal mainlove ang isang studyante sa teacher nya! It's a big big NO!

Paalis na si Prof. sa harap ng may mahulog mula sa libro nya

"Sir! May nahulog po kayo"
Kinuha ko ito at nabigla ako

Ang gwapo nyaaaa!
Gwapo nasya sa personal pero mas gwapo sya sa Picture!
Feeling ko andami talagang nagkakagusto sa kanya, pero bakit nakaipit to sa Libro nya? Ginagawa nya ba tong Bookmark?

*sa kakaimagine ko kanina pa pala kinukuha ni prof. yung picture
"Hey, Sunshine, Can you?" nakapalad sya sa akin
"Ahh sir? Heto napo sir, pasensya napo naghintay pa kayo"

Sobrang akward ko that momment, feeling ko sobrang nakakahiya yung ginawa ko, feeling ko andaming matang nakatingin sakin, feeling ko mamamatay nako sa kahihiyan.

After class namin pinuntahan ako ni prof.
"Sunshine" sabi nya at yung boses nya sa pagkasabi ng pangalan ko ay parang isang anghel na nakikipagusap sakin, kinakabahan tuloy ako
"Y-y-yes sir?"
"Thank you nga pala sa kanina"
Huh? Nagtathank you sya?
"Bakit po kayo nagpapasalamat sir?" tanong ko
"Antagal ko na kasing hinahanap yung picture nayan" sabi nya
Nagtaka ako bakit hahanapin nya ang sarili nyang picture kaya tinanong ko sya
"Sir? Di nyo po ba alam na nakaipit yan sa book nyo? Tyaka bat po hinahanap nyo yan? Importante po ba sa inyo yan?" ayy napadami yata tanong ko nagmukha akong chismosa
"Ayy sir! Sorry napadami po yata tanong ko" sabi ko sa kanya na medyo nahihiya
"ok lang, ok lang" sabi nya, ang kyut ng boses nya parang maiinlove yata ako dito ahhh
"Let me tell you a story, is that okay with you?" tanong nya
Syempre choosy pa ba tayo, e ang story teller natin ang gwapo.
"Ahmm yes naman sir!" teka saan ba tungkol tong story?
"Sir san po tungkol ang story?" tanong ko
"Tungkol to sa napulot mong Picture"
"ahh Ok sir"
"pwede naba kong mag start?" tanong nya
"Yes sir" sagot ko naman
So yun nagkwento si Prof.

"Sobrang halaga ng picture nato sakin, kase ang kumuha ng picture nato ay ang taong sobrang halaga sakin, isang bata na nakilala ko noong akoy bata pa na nakasama ko sa saya at lungkot, never nya kong iniwan hanggang sa pagtanda namin, sabay kaming nagtapos ng pagaaral at sa mga panahong yon kami ay nagkakapalagayan na ng loob, alam kong matagal nakong may lihim na pagmamahal sa kanya ngunit di ko alam kung paano ko ito masasabi sa kanya.
Hanggang isang araw nagpunta kami sa Europe para magbakasyon, at doon nag-aminan kami ng nararamdaman sa isa't isa at dun din sa araw at oras na iyon ay Kinuhanan nya ako ng Picture at binigay iyon sakin ng may salitang I Love You.
Pero ng makauwi na kami sa Pilipinas ay pinadala sya ng mama nya sa America upang doon na tumira at di man lang sya nakapagpaalam sakin, natatandaan kopa ang mga huling salita na lumabas sa kanyang bibig Patuloy kitang mamahalin kahit matapos ang kailanman, at yun na lamang ang mga salitang pinanghahawakan ko.
MAHAL NA MAHAL KO SYA AT WALANG MAKAKAPANTAY SA KANYA"

Into You [BL] (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon