Sa tana ng buhay ko, ngayon lang ako naniwala sa katagang, "Everything happens for a reason." Ang tanga lang ni tadhana dahil pinagtagpo niya pa kaming dalawa kung sa huli, hindi din naman pala kami ang magkakatuluyan. Para niya lang kami pinaglalaruan.

Ano yun? Hinubog lang namin ang isa't isa para sa taong nakalaan talaga sa'min.

Tss. Nice. Galing mo talaga fate.

Nasa ganon akong posisyon ng biglang bumukas ang pintuan nitong opisina ko at walang habas na iniluwa nun ang kaibigan kong may pag-aalala sa mga mata niya habang nakatingin sa'kin, at syempre kasama niya ang pinsan kong parang demonyita kung makangiti sa'kin ngayon.

Ang creepy niya ah.

"How are you Cris-..."

"I'm fine Cassandra, thank you for asking." I cut her off.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng pagngisi ng gaga kong pinsan. Hindi ko talaga alam kung anong dahilan nila at araw-araw silang nagpapabalik-balik dito. Sa bawat araw na lumipas, iba-iba ang nadalaw sa'kin na akala mo'y nasa Hospital ako, nakaratay at malapit ng mamatay. Jusko.

Inis na inirapan ko lang ang pinsan ko bago humarap muli sa laptop ko. Hindi ako matatapos sa ginagawa ko dahil sa kanila. Tss.

"May meeting ka daw mamaya cous."

I mentally rolled my eyes. Alam naman niya palang may meeting ako mamaya pero heto siya, nanggugulo sa opisina ko.

"Yes, I know."

"Alam mo din ba kung sino ang kliyente mo mamaya?" Cassandra asked

Napakunot noo ako bago siya harapin. Alam kong nasabi sa'kin ng sekretarya ko kung sino ang kliyente ko mamaya. Pero kahit anong isip ko, hindi ko maalala kung sino.

Damn it. Sign na ba ito na tumatanda na ko? Grabe ah.

Sa halip na pasakitin ko lang ang ulo ko kakaisip dun, tinawag ko na lang secretary ko. Hindi din naman nagtagal at nandito na nga siya.

"Ms. Stevens."

"What's my schedule Maureen?" Tanong ko

She just smile at me. "You have a meeting with Mrs. Morales at 2 o'clock in this afternoon Ms."

Literal na napanganga ako. What the fuck fate? Talaga bang pinaglalaruan mo ko? Seryoso?

Sa lahat ng taong makakaharap ko pa mamaya, ay ang nanay ng asawa ko. Correction, nanay ng ex-wife ko.

Napahilot na lang ako sa sintido ko bago napasandal sa swivel chair. Bakit ba puro stress ang nangyayari sa'kin this past few days? Hindi ba sila napapagod na pahirapan ako? Kasi ako, hirap na hirap na ko at pagod na pagod na.

"Hey Maureen, you may leave now." Rinig kong saad ni Guinevere sa secretary ko.

Wala namang pag-aalinlangang sumunod si Maureen agad na lumabas ng opisina ko. Napatingin na lang ako sa wrist watch ko at halos malaglag pa ko sa upuan ko ng makita kung anong oras na ba ngayon.

Damn! Bakit naman walang nagsasabi sa'kin na malapit na mag-alas dos? Jusko lang.

Wala na kong inaksaya lang oras at agad akong nag-ayos ng sarili ko. Kitang-kita ko naman ang mapanglokong ngiti ng dalawang kasama ko na ikinairap ko na lang.

Bahala sila dyan. Isipin nila ang kung anong gusto nilang isipin.

"Bakit ba nag-aayos ka pa? Ang nanay naman ang ka-meeting mo at hindi ang asaw-.."

Bella Amor Historia: Cristina Helen StevensWhere stories live. Discover now