Chapter 12: Blushing 2

238 5 5
                                    

Chapter 12: Blushing 2

LAURETTO LEW SANTOS POV

"Lew, mahal kita, mahal mo din ba ako?"  umiiyak yung lalaking nasa harap ko, di ko alam kung ano ang isasagot. Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang nasasaktan, pero ayaw na ng puso ko ibigin siyang muli.

"ewan ko, di ko alam." hinawakan niya yung kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, para bang sasabog na ito.

"alam kong mahal mo pa ako Lew, please bumalik ka sa akin. Please." unti unti ng tumulo ang mga luha niya. Kailangan kong magpakatatag. Pero bigla niyang inilapit ang mukha niya at..

at.

at.

at.

at.

"Haaaah!"

"WAAAAHHH!" tinakpan niya ang bibig ko.

"Nerd! ang ingay mo!"

Tinanggal ko yung kamay niya sa bibig ko.

"ano ba kasing ginagawa mo?!" ang lapit lapit lang naman ng mukha niya pagmulat ng mata ko. Ano ba yan?! tapos hiningahan niya pa ako, pero atleast di siya bad breath. Hooh! itong puso ko ang bilis ng tibok. wala na ! may sakit na siguro ako. tss!

"kasi ikaw para bang nananaginip ka ng kung ano, kaya hiningahan kita. Wag kang assuming na hahalikan kita. Porket may gusto lang ako sayo?"

"Porket may gusto lang ako sayo"

"Porket may gusto lang ako sayo"

 "Porket may gusto lang ako sayo"

*Dug dug*

*dug dug*

"AHHHH!!" nagtabon ako ng unan sa ulo ko. Ano bang nangyayari sa akin? iba ang pakiramdam sa may bandang dib dib ko.

"Hoy! konti na lang, baliw na tingin ko sa iyo."

"tumahimik ka nga!"

"yan ba ang nagagawa ng may sakit?"

"ewan ko sa iyo."

 hinila niya ako bigla ang dinala sa kusina. WHOA!

"M-marunong ka magluto?"

"oo, ako lang mag-isa dito. Syempre ako ang magluluto."

"k"

 hinawakan niya yung ulo ko, yan nanaman ang puso ko. iniwas ko na lang ito, nag-iinit rin ang mukha ko.

"para ganun lang Nerd, nagblush ka kaagad?"

"tss"

kinain ko ng kinain yung niluto niya. Sa totoo lang masarap ha, grabe! Ako na babae hindi ako marunong magluto. Pero siya, galing galing.

SANDALI! masyado ko na ba siyang pinupuri pero totoo naman kasi , kaya kung totoo ang sinasabi ko okay lang. okay lang yan Lew.

natapos na rin akong kumain.

"hindi ka ba pinapakain sa inyo?"

"pinapakain."

"ehh, naubos mo lahat ohh." ehh sa masarap ang luto mo ehh. tss!

How to Make a Nerd Cry?Where stories live. Discover now