Chapter 19: number

128 2 0
                                        

Chapter 19: number

FRITZ MENDEZ POV

Nagising ako dahil sa tingin ko may liwanag na sumisilaw sa mata ko, unti unti kong dinilat ang mga mata ko.

Nakita ko ang mukha ni Lew. Na tetempt akong hawakan ang mukha niya, kasi naman noh ang lapit kaya. Unti unti kong nilalapit ang kamay ko sa mukha niya nang gumalaw siya..

Agad akong pumikit at nagkunwaring natutulog.

"huwag ka na magkunwari, alam kong gising ka na."

Alam niya? Tss! Iminulat ko ang mga mata ko.

"ibig sabihin, alam mo ang ginagawa ko. At hinahayaan mo lang akong gawin yun?!"

Ngumiti ako ng nakakaasar, gusto rin pala ni Nerd ang ginagawa ko ha. Hahaha!

Itinulak niya ako at tumayo siya. Bastusan lang! Bastusan!?

"bakit may gagawin ka ba sa akin?"

"w-wala!"

Tumingin siya ng masama. Anong nagyari sa akin? Nagstummer ako? Why? Why? Why? Why? Paulit ulit ako.

"wala? wala naman pala eh."

Eh kasi! Wala naman talaga noh! Wag ifeel nerd, wag ifeel, dahil ang pangit mo.

Tumayo ako tumingin sa labas.

"ok kana?"

"oo". lumabas siya at tumingin sa paligid, sinundan ko naman siya sa labas. Hay! Itong babae na tio, wala talagang good manners and right conduct sabi nga nila, aanhin mo ang talino kung ang sama naman ng ugali mo. Tss! At si Nerd ang isa sa mga halimbawa doon, matalino nga, heto naman, di man lang maging sweet sa tagapagligtas niya. 

Nagsimula na kaming maglakad na dalawa. Total, maliwanag na, madali ng mahanap ang pabalik. At sigurado ako hindi pa umaalis ang bus.

LAURETTO LEW SANTOS POV

Mabuti at hindi na umuulan. Makakapag lakad na kami ng maayos, pero ako? Ayun ang paa ko, masakit parin. At ang kasama ko? Nagagawa pang magstreching ng kaniyang mga kamay, humikab pa, akala mo ba walang masakit sa kaniya. At akala mo nasa bahay lang siya.

Pero dahil na rin sa kaniya ay naligtas ako, kung hindi niya ako hinanap baka hanggang ngayon nandoon parin ako sa gubat.

Hinawakan ko ang noo ko, medyo may lagnat pa pala ako. at *sniff* may sipon pa ako..

"LEW!" halos mapatalon ako sa sigaw niya.

"may tenga ako! Bakit ba?!"

"ayos ka lang ba talaga?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, tapos inilagay niya ang isa niyang  kamay niya sa noo ko, at ang isa sa noo niya "may lagnat ka pa konti."

Tinabig ko ito. "ano ba?!" tss! May pahawak hawak pang nalalaman

"ito naman ang sungit, sungit,sungit mo!"

"problema mo?!"inis kong sagot. Pakialam ba niya! Tumuloy ako sa paglalakad ng...

"H-HOY!!!! IBABA MO AKO!!! HOY!!"

"para sabihin ko sayo, may pangalan ako FRITZ! FRITZ!! hindi HOY! at ikaw hindi mo kayang maglakad sa kalagayan mo, kaya bubuhatin na lang kita, WAG KANG MAGREKLAMO!!! minsan lang to gawin ng isang CASANOVA!"

How to Make a Nerd Cry?Where stories live. Discover now