"So, kailan naman natin gagawin 'yan?" sabat ni Asura.

"Before we talk about that, did the Headmistress already announce the last quest?" Tumango sila bilang sagot. "What is it?"

"Hindi niyo ba narinig?" tanong ni Emari.

"Obviously," sarkastikong sagot naman ni Kevin.

Si Kairon na ang sumagot, "Hanapin daw natin 'yung anak ng Madam na tinawag ng Headmistress at dalihin do'n sa Madam, buhay o patay."

Natahimik si Kevin at Israfel, nagkatinginan sila at tila nag-uusap ang kanilang mga mata. "We need to do the plan, as soon as possible."

"Eh? Paano naman 'yung quest? Baka naman mapabayaan natin 'yon dahil lang sa plano ko ah."

"That can wait," sagot ni Israfel.

"Sabi mo e." Kibit-balikat na sagot ng dalaga. Susundin niya na lang ang gusto ng pinsan, sigurado naman siya na alam ni Israfel ang mga ginagawa niya.

"Ngayon na ba tayo magsisimula?" tanong ni Watch.

"Yes."

"Paano naman ang sugat ni, Eyz? Hindi ba siya mapapahamak sa gagawin natin?"

"Who knows."

"Tara, alis na tayo." Pagyaya ni Eyz sa mga kasama, excited na kinakabahan siya sa gagawin nila. Excited dahil magkakaroon na ng kasagutan ang mga tanong nila, at kinakabahan dahil mataas ang porsyento na mapahamak lang sila. Pero kahit ano pa man ang magiging resulta ng gagawin nila, ay nakahanda siya.

Sa pangunguna ni Kevin at Israfel ay nagsimula na silang maglakad papunta sa bukana ng kagubatan. Kinuha ni Israfel ang nakasabit shotgun sa likod at itinutok ito sa unahan. Gano'n din ang ginawa ni Kevin at ang mga kaibigan niya na matagal ng may nakatagong baril sa kasuotan nila.

"Tang'na, nasa pelikula ba ako?" ani Eyz na hindi makapaniwala sa nakikita, gano'n din naman ang mga kasama niya. Pagkamangha at pagkalito ang makikita sa kanilang mga mukha— maliban kay Dajiel na blangko pa rin ang ekspresyon, pero nagtataka na talaga siya sa nangyayari.

Kinse minutos ang lumipas nang may matanaw silang tatlong mga kalalakihan na malalaki ang katawan at mga hawak na riffle.
Agad silang nagtago sa mga puno, hindi pa nila nahahanap ang Headmistress, at mukhang hindi na nila magagawa 'yon.

"Sino naman ang mga 'yan?"  Nakasilip sa punong pinagtataguan na tanong ni Eyz, hawak pa rin niya ang braso, sumasakit kasi ito kapag napu-pwersa ang paggalaw, at dahil do'n wala siyang matutulong sa mga kasama sa oras na magkaroon ng gulo.

Sino ba kasi ang bumaril sa'kin? Masasapak ko talaga siya kapag gumaling na ako, bwisit siya!

"Catchers," sagot ni Kevin.

"Eh? Ang akala ko mga estudyante pa ang mga catchers."

"Sila 'yung mga matagal ng Catchers."

"Ah, dami nilang alam."

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Nag-aalalang tanong ni Sier.

"Natin? Wala tayong gagawin, bahala na sila pinsan d'yan," balewalang sagot ni Eyz. Kompiyansa siya na kaya na nila Kevin at ng pinsan niya ang tatlong lalaki, anong ginagawa ng mga baril na hawak nila, kung hindi nila gagamitin? At wala rin naman silang maitutulong sa mga ito, makakagulo lang sila.

"Kaya na ni Kevin at Israfel 'yan," saad ni Kyrie sa tinatamad na tono.

"Oh, edi maganda."

Umupo na lang si Eyz sa lupa at ginaya naman siya ni Watch. "Masakit pa ba ang sugat mo, Eyz?"

"Medyo."

"Gusto mo palitan ko na 'yung benda?"

"Kaya mo?" Nanghahamon na tanong ng dalaga.

"Hindi, e." Nakahawak sa batok at may alanganing ngiti na sagot naman ng binata.

"Hindi naman pala e, 'wag kang mag-alok ng tulong kung 'di mo naman kaya." Mataray na sabi ni Eyz. Alanganin na tawa na lang ang sinagot ni Watch, bakit kasi sinabi niya pa 'yon? Natarayan pa tuloy siya ni Eyz.

Samantalang si Kevin at Israfel naman ay tahimik na naglalakad papunta sa tatlong lalaki, nang magtagumpay ay agad nilang inasinta ang mga ito sa sa dibdib, si Israfel sa isa, habang si Kevin naman ang bumaril sa dalawang natitira.

"Bakit niyo naman pinatay? Wala ba kayong awa? Sana binti na lang ang binaril niyo!" Naiinis na sigaw ni Eyz. Ngayon niya napatunayan na nababaliw na ang dalawa.

"Eyz, kung hindi nila pinatay 'yon, tayo naman ang papatayin nila." Paliwanag ni Asura. Naglakad na sila papalapit sa dalawa.

"Gano'n ba 'yon?" Tumango ang kausap ng dalaga. "K."

Nang makalapit sa dalawa ay pinagmasdan nila ang isang malaki at saradong gate na ngayon lang nila nakita, sa pagkakatanda nila dito sila pumasok ng magsimula ang Death Game, naaalala pa nila kung saan nag-set up ng maliit na stage ang mga Student Council members, ang ipinagtataka lang ay kung bakit bigla na lang nagkaroon ng gate sa lugar na ito.

"Pinagawa ba nila 'yan sa loob lang ng isang linggo?" Naguguluhan na tanong ni Angelica. "Ang galing naman," dagdag pa niya.

"Tanga," komento ni Eyz at hindi pinansin 'yon ni Angelica, dahil isa siyang mabait at mahinahon na tao.

"Paano naman natin bubuksan 'yan? Parang wala namang lock." 'Di kalaunan ay sabi ni Emari habang pinagmamasdan ang gate.

"I know someone who can help us," saad ni Israfel.

"Sino naman 'yan? Ang dami mong kakilala ah? 'Di halata, pinsan, wala sa itsura mo."

"Althea." Seryosong pagtawag ni Israfel, hindi niya na kailangan pa na sumigaw, alam niya na maririnig siya ng babae, kanina pa ito nakasunod sa kanila at tanging siya at si Kevin lang ang nakakaalam no'n, ang pinagkaiba lang ay walang ideya si Kevin kung sino ang nakasunod sa kanila.

Mula sa isang puno na malapit sa kanila ay tumalon ang isang babae, nakasuot ito ng itim na sports bra, fitted black leather pants, at combat boots. Nakalugay ang kulot nitong buhok, tanging mata niya lang ang makikita dahil sa nakatakip na kulay itim na tela sa ilong at bibig niya, may dalawang handgun holster sa magkabila niyang binti at ang mas kapansin-pansin ay ang hawak nitong katana.

"Boss, Kumusta? Yelo ka pa rin ba?" Natatawa nitong saad. Lumapit siya sa binata at inakbayan ito. "Ang guwapo mo pa rin, ah." Pambobola pa niya sa binata.

"Tss." Ang tanging sagot ni Israfel.

"Oh, nakalimutan ko na may kasama pala tayo." Tinanggal niya ang itim na telang nakatakip sa ilong at bibig niya.

Gano'n na lang ang gulat nila ng makita ang buong mukha ng babae, hindi nila inaasahan ang makikita.

Hindi talaga sila makapaniwala, para itong ibang tao. Kung noon ay mukha itong inosente kahit na minsan ay tinatarayan sila ng babae, hindi sumagi sa isip nila na darating ang panahon na makikita nila ang tunay nitong pagkatao. Tunay na mapaglaro ang tadhana.

***

Eirlo University [COMPLETED]Where stories live. Discover now