-9-

317 16 7
                                    

"Wow! Ang ganda mo naman!" Sabi sa akin nung isang kaklase ko.

Inirapan ko nalang siya. Tsk! Fake!

"Ano pala name mo?" Tanong naman nung isa

"Kate" tipid kong sagot.

Marami pa silang tinatanong pero di ko na ito pinansin pa. Nilagay ko na sa tenga ko ang headset at pinlay yung mga music.

Busy lang ako sa pakikinig nang may tumabi sa akin. Nilingon ko kung sino at nakita ko ang isang babae na medyo mataba, maganda at nakaeyeglasses.

"Hi"

Sabi niya yata. Nabasa ko kasi yung sinasabi niya.

Tinanggal ko yung headset ko at in-off yung music.

"Hello" sagot ko din sa kanya.

Napakainosente ng mukha niya at parang di naman siya katulad ng mga ibang babae dito sa classroom na sobrang obvious na pakitang tao lang ang ginagawa nila.

"Ako pala si Pearl. Ikaw?" Mahinhin niyang tanong sa akin.

"Kate" sagot ko din sa kanya.

Binigyan ko lang siya ng smile at hinawakan ni Zero yung balikat ko.

"Kate, sabay tayong kumain mamaya ha?" Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sure! Isama din natin si Pearl" -ako-

Tinignan ko si Pearl at umoo naman siya kaya pumayag na din si Zero.

Mukhang magiging masaya yata ako dito. May dalawa na akong kaibigan.

Biglang pumasok yung teacher namin at nagsibalikan na sa kanilang mga upuan ang mga estudyante.

"Okay class, please sit properly" utos ng teacher.

Umupo ako ng maayos at nagstart na siya sa lesson.

Chemistry yung nilesson niya at siya pala si Ms. Martinez. Kitang kita ko sa mga kilos niya na medyo strikta siya pagdating sa paglilinis.

Para sa kanya, dapat wala siyang makitang alikabok sa desk.

"Okay, that's all for today and please punasan niyo ang desk before ako pumasok" -ms. Martinez-

Lumabas na siya sa classroom at recess time na!

"Tara" -Zero-

Sumunod na ako sa kanya at hinawakan ko din yung kamay ni Pearl.

"Okay lang ba talaga na sumama ako?" Nagaalalang tanong ni Pearl

"Oo naman! Bakit naman hindi?" -ako-

"Ako kasi ang binubully ng mga mean boys at girls sa cafeteria. Baka kasi masamay pa kayo." Pagpapaliwanag niya

"Sus! Wag mo nalang sila pansinin at tsaka andito naman ako para ipagtanggol ka" pagaassure ko sa kanya.

Pumasok na kami sa cafeteria at nagline na kami.

Mango float at orange juice yung inorder ko, Bake mac at coke naman kay Zero at spaghetti at sprite yung kay Pearl.

Umupo na kami dun sa bakanteng table at tinabihan ko si Pearl habang si Zero naman ay nasa harap ko.

Masaya kong tinignan ang mango float ko at kinuha ko na yung kutsara.

Kakain na sana ako nung may tumabig sa table namin at nahulog yung mango float ko.

Ang precious mango float ko!

Pupulutin ko sana yung mango float kaya lang, pinigilan ako ni Zero.

"Madumi na yan" -Zero-

"Sorry pearl ha?!" Malakas na sabi nung lalaking siga.

"Gusto mong tulungan kita?" Pagyaya naman nung isang lalaki kay Pearl.

Kinuha niya yung nalaglag na spaghetti sa sahig at nilagay ito sa ulo ni Pearl tapos nagtawanan silang lahat.

Biglang nandilim yung paningin ko. Leche! Gusto ko sana ng magandang reputasyon dito sa school pero mukhang di yata yun mangyayari pag di naturuan ng leksyon ang mga asungot na ito.

"Ano ba! Sumusobra na kayo ah!" Sigaw ko sa kanila

"Tama na yan kate" pagpipigil ni Zero sakin.

"Kilala mo ba kung sino ang sinisigawan mo ms. Transferee ha?!" Sigaw nung leader yata nila.

Dahil sa sigaw nilang yun, naagaw namin ang atensyon ng lahat ng tao dito sa cafeteria.

"Hindi. Kailangan ko pa bang kilalanin ka?" Sagot ko naman sa kanya.

Susuntukin na sana niya ako kaso umilag ako. Nagulat siya kaya nagiba bigla yung timpla ng mukha niya.

"Ang pinakayaw ko pa naman ay yung iniistorbo ang pagkain ko! At isa pa! Ayoko kong inaapi ako!!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.

Sinuntok ko yung isa sa mukha at boom! Natamaan ko ang mukha niya. Di ko namalayan na yung isa lang pala ang natamaan ko kaya di ako nakailag sa suntok nung alalay niya.

Tsk! Dumugo tuloy ang ilong at labi ko.

Prtttt!!!

Dumating na yung dalawang guard kaya nagsitakbuhan na yung dalawa.

"Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Pearl sa akin.

"Oo naman! Manhid na kaya tong katawan ko" sagot ko naman sa kanya sabay thumbs up.

"Dadalhin na kita sa clinic" -Zero-

Inilalayan ako ni Zero habang nakasunod naman sa amin si Pearl.

-----------------

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong na naman sa akin Pearl.

"Okay lang talaga ako Pearl" sagot ko sa kanya.

"Steady ka lang" -Zero-

Pinunasan niya yung ilong ko at nilagyan din niya ng band aid ang may labi ko.

"Mabuti nalang at maliit lang yang galos mo. Ganda mo pa naman." -Zero-

"Ayyyie" -Pearl-

*yawn!*

"Gusto ko ng matulog!" -ako-

"Hatid na kita sa condo mo" -Zero-

Uuwi na kami dahil dun sa nangyari kanina at ilang oras din akong natulog at ilang oras din ako binantayan nina Pearl at Zero.

Kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam na kay Pearl.

"Ako na ang magdala niyan" -Zero-

Tumango lang ako at binigay sa kanya ang bag ko.

Tahimik lang kaming naglalakad papuntang sakayan.

Ang saya ko ngayon. Una, nakilala ko si Pearl at pangalawa, kasama ko si Zero ngayon.

---------------

Pagdating ko sa condo ko, sinalubong ako agad ng nakakunot noong mukha ni Romeo.

Vote & Comment

A Jar Of Existence (Revising)Where stories live. Discover now