-16-

240 17 6
                                    


What would I do without your smart mouth
Drawing me in, and you kicking me out

Ayan na! Nagsimula na siyang kantahan yung Ella na liligawan niya at madami ding tao ang andito sa gymnasium na nanonood sa kilig moment ng dalawa.

You got my head spinning, no kidding, I can't pin you down

What's going on in that beautiful mind
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me, but I'll be alright

Naglakad na siya papunta kay Ella at pinakita ang white rose na tinago niya sa bulsa niya.

My head's underwater
But I'm breathing fine
You're crazy and I'm out of my mind

'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh

Nung nasa tapat na siya ni Ella, bigla nalang siyang lumuhod.

"Ella, pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya kay Ella.

Si Ella naman ay mukhang kinikilig kasi namumula na kasi siya at di mapakali.

"Pumayag ka na!" Sigaw nung mga tao sa gym.

Nakaluhod pa rin si Zero habang hinihintay niya ang sagot ni Ella.

"Oo." Sagot ni Ella

Naghiyawan yung mga tao dito sa gym at tumalon talon naman si Zero.

"Di ka talaga magsisi na pinayagan mo akong manligaw sayo." Nakangiting sabi ni Zero kay Ella.

Tumango lang si Ella at umalis na sila.

Tsk!

Hala sige! sila na ang inlove.

Aalis na sana ako kaso may biglang humila sa braso ko.

Napalingon ako kung sino at si pearl pala.

"Pwede ka bang sumama sa akin?" tanong niya.

"Ako?" Di makapaniwalang tanong ko.

Tumango lang siya.

Sumunod na ako sa kay Pearl at nasa labas na kami ng gym ngayon.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta." Matipid na sagot niya.

Naglakad na naman kami hanggang sa tinawag ako ni Romeo.

"Kate!" Tawag ni Romeo sa akin.

Napalingon ako sa kanya at napahinto din ako sa pagsunod kay Pearl.

"Anong problema Kate? tara na." Sabi sa akin ni Pearl.

"Ahh wala" sagot ko naman sa kanya at nagpatuloy sa paglakad.

"Kate, wag na wag kang sasama sa kanya." pagbabanta sa akin ni Romeo kaya napahinto na naman ako.

"Bakit ka huminto?" tanong na naman ni Pearl.

" ahh kasi Pearl may naalala ako. May gagawin pa pala ako kaya baka next time nalang siguro." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Okay. bukas nalang ha?" sabi niya at umalis na siya sa harap ko.

Habang naglalakad pa siya ay parang may kausap siya. Nagiging weird na si Pearl a!

"Anong ibig sabihin mo kanina?" tanong ko kay Romeo habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.

"Alin do'n?" tanong niya.

"Yung di ako pwede sumama kay Pearl." sagot ko sa kanya.

"Ahh yun ba? ewan ko basta ang alam ko, tao naman siya pero may something sa kanya e na di siya matatawag na tao." tuloy-tuloy niyang sabi.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mapanganib siya Kate. Unang kita ko pa lang sa kanya ay okay pa naman yung aura niya pero sa pagkakita ko sa kanya kanina, ibang iba na ang aura niya." deretsong sabi niya.

Matapos niyang sabihin yung mga salitang yun, bigla akong kinabahan. May kutob akong may mangyayaring hindi maganda. Ewan! Baka guni-guni ko lang to.

"Kate, bili tayo niyan o!" sigaw ni Romeo nung napadaan kami sa isang burger shop.

"Sige." -ako-

Pumasok kami sa loob at bumili ako ng dalawang burger.

Nung naibigay na yung order ko, lumabas na kami sa shop at nagpatuloy sa paglakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Bili tayo niyan!" sigaw na naman siya.

Napatingin ako sa tinuro niya. Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng ice cream shop.

Pagkatapos kong mabili lahat ng gusto niyang bilhin, naglakad nalang kami papunta sa unit ko.

-------Sa Unit------

"Ang dami mo namang pinabili sa akin!" reklamo ko sa kanya.

"Di ko naman kakainin yang lahat e." -Romeo-

"ehh?!" -ako-

"May nasesense kasi ako kanina na may sumusunod sa akin kaya pumasok tayo sa iba't ibang shop para mapaalis siya.

"Sana sinabi mo nalang kanina para di ako gumastos!" sermon ko sa kanya sabay sapak sa kanya.

Tumawa lang siya pero ilang sandali pa ay bigla nalang siyang sumeryoso at napatingin sa pinto.

"Bakit? Anong problema?" tanong ko sa kanya.

"Akala ko di na niya tayo sinundan pero mukhang nasundan niya talaga tayo." seryosong sabi sa akin ni Romeo.

Ha?! sino naman kaya yang sumusunod sa amin? at ano ang pakay niya?

"Simula ngayon, magiingat ka na Kate dahil isang maling galaw mo lang, pwede ng mawala ang lahat sa iyo." sa sinabing iyon ni Romeo ay mas lalo akong kinabahan at natakot.

Ilang minuto pa ang lumipas at nawala na yung seryosong mukha ni Romeo.

"Umalis na siya." sabi niya

Napabuntong hininga nalang ako at kinain yung mga pinamili ko. Sayang naman kasi kung di ko kakainin.

Blurp!! hayy, natapos din akong kumain.

Naghilamos na ako at nagbihis ng pantulog.

"Matutulog na ako ha?" -ako-

"Sige. Dito lang ako sa sala, magbabantay." -Romeo-

Nagbabasa na naman siya nung libro niyang about sa love. tsk!

Pumasok na ako sa kwarto at bago ako matulog ay tinignan ko muna yung listahan at may isa na naman.

Pagkatapos kung tignan ang listahan, nagpray muna ako at natulog na ng tuluyan.

Vote & Comment

A Jar Of Existence (Revising)Where stories live. Discover now