-24-

188 13 2
                                    

Matapos ang ilang araw na pag-aaral, dumating na ang araw na kinatatakutan ng mga estudyanteng katulad ko.

Ito na talaga ang araw! Ang araw ng pagsusulit.

"Kinakabahan na ako Pearl." Sabi ko.

"Sus! Kaya mo 'yan! Fighting!" Sabi naman niya sabay taas ng kanyang kanang kamao.

Konti palang kaming andito sa room dahil 6:30AM pa at mamayang 7:30AM pa magsisimula ang pagsusulit.

Kinuha ko muna yung mga notes ko at nag-aral ulit.

"Hoy Kate. 'Wag ka na ngang mag-aral diyan! Mas lalo ka lang makakalimut sa mga pinag-aralan mo. Magtiwala ka sa sarili mong utak friend." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

"Sige na nga." Sabi ko sabay balik ng notebook ko sa bag.

Dahan-dahan ng dumarating ang mga kaklase namin at ensaktong 7:30AM ay nagsimula na ang pagsusulit.

Filipino ang unang subject.

May multiple choice, matching type at essay. Lahat tungkol sa El Filibusterismo.

Kayang-kaya ko 'to. Hindi naman kasi kami pwedeng mangopya kasi super layo ng mga chairs kaya imposibleng makakopya ka pa.

Pagkatapos ng Filipino ay Physics na naman yung tinake namin.

Whole day kami ngayon na magsasagot sa mga pasulit at bukas naman ang checking.

--------Pagkatapos ng exams-------
"Ahhh parang piniga yung utak ko." Sabi ko.

"Ako rin." Sabi naman ni Zero.

Andito pala kami sa gate hinintay kasi namin si Ella dahil uuwi na kami.

"Bukas na ang checking guys. Sana mapasa natin ang lahat ng subjects." Sabi ni Pearl.

"Sana nga." Sagot ko naman.

Ilang sandali lang ay dumating na si Ella.

"Kain muna tayo guys." Sabi ni Ella.

Sumangayon naman kaming tatlo kaya naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep.

Pagdating namin sa sakayan ng jeep ay agad kaming nakasakay.

"Saan naman tayo kakain?" Tanong ko sa kanila.

"Mcdo nalang tayo." Sabi naman ni Pearl.

"Sige-sige." Pagsasangayon ni Zero.

Mga ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin kami sa Mcdo.

Burger at Mcfloat yung sa'kin habang sa kanila ay bff bundle yung fries at Mcfloat.

Tahimik lang kaming kumakain dahil nagutom talaga kami sa kakasagot kanina.

Hindi namin kasama si Danielle kasi may aasikasuhin pa raw siyang importanteng bagay.

Blurp! Busog na ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagsiuwian na kami.

Kay Daddy ako uuwi ngayon and for sure, wala na naman yun s bahay.

Habang nagmomoment ako sa jeep, bigla kong naalala si Jenny Reyes.

Tinignan ko yung date sa cellphone ko at January 19.

So bukas na pala ang January 20.

Ahh! Alam ko na! Si Jenny pala yung bestfriend ko sa grade school. From grade one to grade six siya lang talaga ang bestfriend ko at siya lang din ang nakakaalala kung ano'ng meron bukas.

Siya na nga lang ang nakakaalala, nakalimutan pa niya ako.

A Jar Of Existence (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon