-26-

212 14 2
                                    

Pagkatapos ng birthday kahapon, nakatunganga kami ngayon sa classroom, nagiisip kung ano'ng ipepresent namin bukas. Project kasi namin 'yan sa Filipino.

"What if Romeo and juliet kaya?" Sabi nung isa naming kaklase.

"Wag! Maraming props ang gagawin kapag 'yan." Sabi naman nung isa.

Andito lang ako sa gilid, nakikinig sa kanilang pagpupulong.

"What if, mag-ex kaya tapos gusto pa nila yung isa't isa tapos si boy yung gumawa ng way para magkabalikan sila kaya nangharana siya kay girl. Okay ba?" Pagsusuggest ni Pearl at tumingin siya sa akin.

Parang may gagawing hindi maganda si Pearl. Alam ko na ata 'yang gagawin niya.

"Sige-sige! Para maiba naman tayo at para kiligin si Maam." Pagsasangayon ng isang kaklase namin.

What the!

"Sino naman ang gaganap bilang mag-ex?" Tanong ni Danielle.

"E di ikaw at si Kate." Deretsong sagot ni Pearl.

"Ha?!" Sigaw ko.

"A-ayoko!" Sigaw ko na naman.

Tinignan kami ng mga kaklase namin na para bang may nasesmell silang something fishy.

"Sagutin niyo nga akong dalawa, may feelings pa ba kayo sa isa't isa?" Tanong ni Pearl.

Sabay kaming napalingon sa isa't isa at para bang namula itong si Danielle.

Ang intense na ng sitwasyon namin ah!

"W-wala" mahinahon pero nauutal kong sagot.
"Wala." Sagot naman ni Danielle.

"E wala naman pala e bakit ayaw niyo?" Tanong ni Pearl.

"Okay fine! Papayag na ako." Deretso kong sabi para matapos na ang usapan.

Pumunta ako sa may bintana para magpahangin habang sila ay nagpupulong pa rin para sa mga props.

Nasabi rin ni Pearl na di na raw kami magpapractice since madali lang naman kaya ibinigay nalang niya yung dialogue namin at umuwi na kami para makapaghanda para bukas.

-KINABUKASAN-
"Namemorize mo na ba?" Tanong sa akin ni Pearl.

"Oo kahapon pa." Sagot ko.

"Okay. Isuot mo na itong damit mo dahil malapit na tayong magsimula." Ibinigay na niya sa akin yung dress at umalis na siya sa harapan ko para asikasuhin ang mga props.

Ang setting kasi ng play namin ay sa bahay ng babae at nasa balcony ito. Parang setting lang kapag may nangharana.

Ang costume ko ay isang dress na kulay blue at haba nito ay hanggang tuhod tapos backless. Nakaponytail naman yung buhok ko.

Ang costume naman ni Danielle ay isang polo na kulay pula tapos jeans at gitara.

Gabi yung time ng pangyayari kaya medyo madilim dito sa loob ng classroom. Nilagyan kasi nila ng mga itim na tela yung mga bintana kaya madilim at tsaka may stage rin at mga upuan.

Kapag dumating na yung teacher namin, ibig sabihin ay magsisimula na kami. Kinakabahan na tuloy ako.

"Okay, let's start." Sabi ng teacher namin nung nakapasok na siya at umupo na rin siya.

Pumunta na ako sa balcony habang si Danielle naman ay sa ibaba.

Nagsimula na siyang magstrum at nagsimula na rin siyang kantahin ang chorus ng Harana by Parokya ni Edgar.

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa'yo.

Pagkatapos niyang kantahin ang mga lines na iyon, naging tahimik ang paligid at para bang kaming dalawa lang yung andito.

"Kate, mahal pa rin kita! Pwede bang tayo nalang ulit?" Sabi ni Danielle.

Hindi pinalitan yung mga pangalan namin para daw mas madama namin yung character.

"I'm sorry Danielle pero hindi na tayo pwedeng magkabalikan." Sagot ko naman.

"Bakit?" Tanong na naman niya.

"Kasi may mahal na akong iba." Damang dama ko talaga yung ginagampanan kong tauhan kasi parang sitwasyon lang namin ito. Ang pinagkaiba lang ay hindi na ako mahal ni Danielle at tsaka friends nalang kami noh.

"Alam kong may pagkukulang ako sa iyo noon dahil hindi kita pinaglaban noong nakipaghiwalay ka sa akin para kay Joshua pero mahal pa rin kita Kate! Kahit ano'ng gawin kong paglimut, hindi ko magawa dahil mahal pa rin kita!" Sigaw niya.

Ano ang mga pinagsasabi niya? Wala naman iyan sa kopya ah!

"Kung hindi ko lang sana siya nakilala, ikaw sana yung mahal ko ngayon Danielle pero wala e! Andyan siya, dumating siya sa buhay at kahit ano'ng gawin ko, parte na siya ng kasalukuyan ko at parte ka ng nakaraan ko kaya-" bago ko man maituloy ang sasabihin ko ay bigla nalang siyang nagsalita.

"Parte man ako ng nakaraan mo, masaya pa rin ako dahil naging parte ako ng buhay mo." Umiiyak ba siya?

"Kung mahal mo talaga siya, wala na akong magagawa dahil ang kaligayahan mo ay kaligayahan ko na rin. Basta ito ang tatandaan mo Kate, kapag binitawan ka man niya, andito lang ako palagi para saluin ka." Sabi niya.

May sasabihin pa sana ako kaso bigla akong naout of balance kaya parang matutumba yung balcony na gawa sa kahoy.

"Aahh!" Sigaw ko.

Ipinikit ko na yung mga mata ko para ihanda yung sarili ko sa pagbagsak pero hindi ko namalayan na bumagsak ako. Para bang may sumalo sa akin. Pagdilat ko, si Danielle. Sinalo ako ni Danielle.

Umayos na ako at tumulong na ako sa paglilinis sa mga kalat.

"Okay class, pumunta kayong lahat dito dahil may sasabihin ako." Sabi ni Maam.

Pumunta na kaming lahat kay Maam.

"Maganda yung presentation niyo kahit naputol ito dahil sa isang aksidente kaya ang score ko para sa inyo ay 100!"

"Yehey!!!" Sabay-sabay naming sigaw at may iba ring napatalon.

Napatingin ako kay Danielle at ningitian ko siya.

Next na rin pala ang junior and senior prom kaya next week ay magpapraktis na kami.

Tinignan ko ulit si Danielle and this time, nakadama na ako ng konting awkwardness.

Totoo kaya yung sinabi niyang mahal pa rin niya ako o para sa presentation lang iyon? Dahil ako, totoo yung sinabi ko.

Totoo ang sinabi ko na siya dapat ang mahal ko ngayon kung hindi lang dumating si Romeo sa buhay ko.

A Jar Of Existence (Revising)Where stories live. Discover now