'I was drugged.'

Iyon ang malinaw sakin. Nang muli kong maramdaman ang tapik sa pisngi ko ay tuluyan ko nang dinilat ang mga mata ko.

My first reaction was of  panic when I saw where I am and what my position is. Nasa madilim na pulang silid ako, nakatali ang kamay at paa, may busal sa bibig at nakatagilid ng higa sa isang sofa.

Dalawang lalaking nakaitim at malalaki ang pangangatawan ang nakabantay sa magkabilang gilid ko. Dalawa pa sa kasamahan nila ay nakapuwesto sa bakal na pintuan.

Pinilit kong gumalaw galaw pero masyadong mahigpit ang pagkakatali sakin. Kahit pa yata makawala ako sa mga taling 'to ay wala din akong kawala sa mga bantay.

Napansin ng lalaki sa gilid  ang galaw ko at agad nitong tinawag ang atensyon ng kasama nito.

"Sabihin mo kila boss na gising na ang babae."

Agad lumabas ng silid ang napag-utusan.

Napapikit ako. Nangiginig at nanlalamig. Sinong boss ang tinutukoy nila? Nasaan ba ako? Nasaan si Kien? Did they hurt him? Oh God, I hope he's okay.

Ilang saglit lang ang lumipas ay pumasok na ulit ang lalaking lumabas kanina. Hindi na ito nag-iisa, may kasama na itong dalawang babae na parehang naka puting suit at mahigpit ang pagkakabuhol ng mga buhok.

Walang imik akong nilapitan ng mga ito at sinimulang kalagan. I glanced at the door, for a wild moment I thought of just dashing out of here.

Ngunit alam kong wala akong tyansa. Masyadong imposible.

Inalis nila ang pagkakatali at pagkakabusal sakin bago ako sapilitang itinayo.

"What are you going to do to me?" Nanginginig kong tanong.

Walang nag-abalang sumagot sakin. Giniya lamang nila ako sa isang silid. Unang umagaw sakin ang malaking bath tub na nasa dulo at kung ano-ano pang gamit pampaligo.

"Hubad," walang emosyon na usal ng isa sa dalawang babae na kasama ko sa silid na 'to.

Agad akong napayakap sa sarili ko. "No." May nginig sa boses ko kahit pilit ko iyong pinapatatag. Hindi ko nagugustuhan ang takbo ng mga pangyayari.

Hindi ko alam kung nasaan ako, kung bakit ako nandito, kung gaano ako katagal nawalan ng malay. Hindi ko na alam!

Hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng babae nang marinig ang pagtanggi ko. Mukhang sanay na sanay na ito sa ganitong sitwasyon.

She motioned for the other woman who was preparing the bath to join her.

Bago pa man ako makapagprotesta ay sapilitan na akong pinaghubad ng dalawang babae.

"Bitawan niyo ako! Please! Bitawan niyo ako!" Sunod sunod ang pagmamakaawa ko nang walang seremonya nilang ginupit ang uniporme ko at itinapon na parang basahan sa sahig.

I continued sobbing as they carried me and forcefully put me in the tub.

My lips trembled as I felt the water closing around my naked body. Anong gagawin nila sakin? Why does this feel so familiar?

Pinigilan ko ang kamay ng babae nang makita kong dumako ito sa hubad kong likuran.

"I can do it. Just let me do it," nanginginig kong sabi.

Saglit akong tinitigan ng babae. Maya-maya'y binigay nito sakin ang mga gamit. "Maglinis ka ng mabuti."

Patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi ko habang pinaglalakbay ko ang sabon sa sarili ko. May nabubuo ng ideya sa utak ko kung bakit nila 'to ginagawa sakin. Pero hindi ko kayang tanggapin ang ideyang iyon.

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now