Chapter 5

2K 70 0
                                    

Chapter 5
Wetter

Malamig ang bugso ng hangin. Matyaga kong pinagmasdan ang bawat alon ng tubig dagat. Maaliwalas ang araw ngunit wala akong maramdamang init dahil sa lamig na dala ng hangin sa dalampasigan.

Gamit ang aking paa, marahan kong ginulo ang mga buhangin sa harapan ko. It's white and clear.

"Ara?  Why are you here?  Tara!  Sama ka sa'min!" tinig ni Hazel ang bumungad sa likuran ko.

Kalaunan, hinarangan ni Hazel ang paningin ko dahilan upang mapatingala ako sa kanya.

In her left side, Dexie busy sipping on her juice while Stacy is in her Right side, looking at me intently like she's studying every detail in my face. Mataman iyon.

Hindi ko magawang tumingin kay Stacy. Ilang sigundo ko lang itong inidlipan saka inilipat ang tingin kay Hazel.

Pakiramdam ko ay mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko kapag tiningnan ko siya. It makes my heart cut into pieces.

Looking at her eyes makes me realize how fool I am.

Mas lalo lang tumatatak sa isipan ko ang nakita ko kahapon sa kagubatan.

"Dito na lang ako," mahinang wika ko saka binalik ang tingin sa harapan ko kahit natatabunan ng katawan ni Hazel ang malawak na karagatan.

I want to confront her. Gusto kong tanungin sa kanya kung bakit niya ako nagawang traydorin. Pero wala na akong magagawa pa.

We're over in the first place. Wala na akong karapatang tanungin iyon sa kanya gayong tapos na kami ni James. I don't have any right to do that.

Malaya na siya.

Malaya na siyang maghanap ng iba. Malaya na siyang maghanap ng kakaibang kasiyahan na sa akin lang sana niya ipaparanas.

Wala na akong karapatang pakealaman ang buhay ni James, ang buhay niya kasama si Stacy.

She's my bestriend for over three years. Malalim na rin ang pinagsamahan namin kaya sobra akong nasaktan sa nakita ko kahapon sa gubat.

I trust her.  Minsan pa nga ay hinayaan kong ihatid siya ni James sa bahay niya tuwing nalalasing siya galing bar. Ganoon kalaki ang tiwala ko sa kanya, oo. Ngunit hindi ko inakalang may namamagitan na pala sa kanila.

Para akong sinaksak sa likuran ng sarili kong mga kamay.

Ang tanga tanga ko!

Maya maya pa'y nakita kong lumapit si James kina Hazel. He's wearing only his boxer. Masaya itong lumapit sa kanila.  Saya na matagal ko nang hindi nakikita sa kanya noong kami pa.

He's happy, and I can see it from his eyes and gestures.

Hindi ko lang alam kung maging masaya din ba akong makitang masaya ang minahal kong lalaki.

Now, I'm fully awake. Alam kong hindi na siya masaya nuon pero ako itong mapilit. I beg him to stay kahit alam kong ako lang itong masaya sa aming dalawa.

It's one sided love, I know.

Ang kamay nito'y pumalupot sa balakang ni Stacy. Masaya nilang tinahak ang baybayin kasama Si Hazel at Dexie.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Gustuhin ko mang pagmasdan sila hanggang sa makawala sa paningin ko ngunit hindi ko kaya.

Looking at the guy I love together with my bestfriend slowly tearing my heart apart. I cant...

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa maputing buhangin. Ibinalot ko ang scarf sa leeg ko para maibsan ang lamig mula sa baybayin.

Marahan kong tinahak ang baybayin papalayo sa kung saan sila Stacy. I walk in an opposite from where they are.

Island of Fire: Sea of Happiness [COMPLETED]Where stories live. Discover now