Prologue

3.7K 86 1
                                    

"Sorry," hindi siya makatingin sa'kin. Nakatuon ang atensyon ko sa kanyang mga mata na ngayon ay alam kong sa puntong ito, totoo na.

"Dammit James, stop this joke!" my voice echoed the whole vacant shore.

Ngumiti ako. Everytime he said that we're breaking up, pinilit kong mapaniwala ang sarili ko na hindi totoo.

He's always be like this. Playing fools with me.

Pero sa puntong ito, alam kong totoo na.

Hinayaan ko na lamang na pumatak ang mga luha sa aking mga mata. I look at him seriously pero hindi niya magawang tumingin.

"This isn't a joke Ara," walang kibo niyang sambit.

Sinapo ko ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata. Humaharang ito sa aking paningin. I want to see him clearly! To see how sincere he is.

"Saan ba ako nagkulang James?" humihikbi kong tugon. Marahan akong lumapit sa kanya upang yakapin siya pero pinigilan niya ako.

"Ara, stop it."

Akmang yayakap na sana ako sa kanya nang hawakan niya ang dalawang balikat ko. He stopped me. Napahinto ako sa harap niya habang nakakulong sa dalawa niyang kamay.

"Saan ako nagkulang? Fuck James! Sa pagmamahal? Atensyon? O sa kama?!" hindi ko alam kung patanong o pasigaw ko na iyong sinambit.

He smiled. This time, this isn't the smile I used to see from him. Sa ngiti niyang ito ay naaaninag ko ang pamamaalam.

"Sorry," he look at me. Ngayon, napagtanto kong totoo na nga.

Ni hindi ko man lang nakitaan ng paghihinayang ang kanyang mga mata. He's breaking up without even feeling the pain as what I felt right now.

We're breaking up. We're over.

"Hindi ko kaya James, please." my tears started to fall again for the second time.

Ilang sigundo niya akong tinitigan bago siya kumawala mula sa pagkakahawak sa aking balikat.

Yumuko ako. Halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ramdam na ramdam ko ang malamig na bugso ng hangin nang kumawala ang kamay niya sa balikat ko.

For the second time, sinapo ko ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata.

Ganito naman talaga ang buhay, everything has its ending.

Walang gana akong bumalik sa cottage. Ilang milya pa lang ay tanaw ko na ang maliit ng cottage kung saan naroroon ang mga kasama ko.

They're cheering. Ang mga boses lang nila ang naririnig ko sa buong resort. They look so happy and contented. I hope everyone will feel the same, I hope I can feel the same.

Nagpatuloy ako sa paghakbang. Nang makarating sa bukana ni ay si Stacy kaagad ang unang sumagi sa mga mata ko. Ang mapanuyo niyang titig ay siyang una kong napansin. Well, halata naman ang nangyari.

Dumiretso ako sa table. I get a glass of wine at saka ito linunok na animo'y tubig lang. Hindi ko na naramdaman ang mapait na lasa ng alak.

Ngayon, I just want to forget everything.

Tumingin ako sa harapan habang niyayamok ang isang basong alak. I can see how James look at me. Hindi na siya nagulat pa sa ginawa ko.

Well, we're over kaya wala na siyang pakealam sa'kin.

I rolled my eyes. Pinutol ko ang titigan namin at itinuon na lamang ang atensyon sa mesa.

Ngayon, gusto kong ubusin ang limang basong alak na ngayon ay nakalapag sa mesa.

Island of Fire: Sea of Happiness [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن