Si Sean Ivan!

OMO! Ang gwapo niya! Super hot niya sa suot niya ngayon. Akala ko ba polo shirt yung binili niya?

Ba't naka long sleeve na siya? And his collar bones are visible pati na rin yung muscles niya and yung bakat na Abs!!

"Ang gwapo ko naman para sa palaka. Ikaw ata yun eh. Napatalon ka na lang diyan bigla? Siguro oh well nevermind. Ahm here..Wear this" sabi niya at inabot saakin yung paperbag.

"Wait, akala ko ba sa Girlfriend mo 'to?"

"What are you talking about?" bigla siyang nagseryoso ng mukha

"I mean yung girl sa bahay mo. Yung kalive in mo, yung hinalikan mo sa cheeks kanina" bigla naman siyang napatawa sa naging sagot ko.

Ano bang nakakatawa dun? Moodswings lang manong? Serious mode then tatawa. Bipolar talaga.

Dalawa ang katauhan ng Body guard ko. Minsan mga napapaisip ako, ba't ako lang kinakausap niya tsaka yung si Vince? Choosy much?

Pero natatawa talaga ako pag napagkakamalan siyang Driver at Body guard.

"Haha Just..Just..change already"

"Oo na magpapalit na!" tinungo ko naman yung fitting room at nagpalit. In all fairness ang ganda ko sa dress na to. Tsaka wow lang ah? Binilhan ako ng set ng accessories--complete with earrings,ring,bracelet and necklace tsaka stilletos. Yaman. Ang ganda.

wait bakit niya ba ako tinawag na poison ivy? Hindi naman ako nakakamatay na plant ah?

Lumabas na ako at tinginan yung mga nakapilang magfifit sa labas. Mostly boys "Tsaaaran! Hi Manong. How do I look?"

"Ang ganda mo. Pakasal na tayo"

Wait lang, hindi si Van yan ah? Yung lalaking chinito sa gilid nung fitting room.

"Miss pwede papicture?" nagsmile ako sa cam pero kahit hindi pa nakiclick yung shutter, hinarangan na ni Van yung lens ng cam nung blonde haired guy na tumabi sa akin.

"You're Tresspassing" sabi ni Van

"Im sorry bro, I thought you were just her Personal Assistant, or driver perhaps? Haha oh well, bye miss ahm what's your name? Can I call you mine?"

"Taken" mabilis na sabi ni Van. Anong pinagsasabi niya?

"Ivy"

"Bye Ivaby hahaha manong kasama mo" Ano? Ivaby? Ano yun, combination ng Ivy at baby? Duh!

Naglakad na siya palayo kasama yung chinito. Nag apir pa sila. Mag bestfriend ata?

Hinawakan ni Van yung kamay ko at dinala sa Parking lot at pinagbuksan ng pinto nung kotse niya.

Wala naman akong nagawa kundi ang pumasok. Mukhang mainit na ulo niya eh. Nagsimula na siyang magdrive. Tahimik lang sana ako kaso nagi guilty ako.

"Sean Ivan De Guzman kasi ano Im sorry"

"Why are you apologizing to me?"

"Cause, ugh! Sorry na talaga! Di na kita tatawaging manong promise" tumingin na lang ako sa baba pero bigla siyamg nagpreno.

Pagtingin ko sa kanya nakangiti siya. Then nagdrive na ulit. Okay. Ang weird niya lang. Creepy kaya!

Nakarating kami sa isang beach resort. Ang ganda ng view

"I used to bring my Girlfriend here"

"Oh ba't di mo na ngayon ipinapasyal? Isama mo kaya bukas? Ano ba yan! Nakakaguilty naman hindi mo siya sinama dahil ako nandito" baka magalit sakin yung girlfriend niya na kalive in niya.

Tumingin ako sa kanya at ang lungkot ng mukha niya. Malungkot siya na topic namin yung girlfriend niya? Parang kanina lang, nagkiss pa sila. Tss.

"Where's your Cam?" pag iiba niya sa usapan "A-andito" at binigay ko sa kanya "Say Cheese"

"There perfect! Para hindi na puro Vince laman ng Cam mo"

Pumunta pa kami sa iba ibang place para lang kumuha ng picture. Adik na ata siya eh. Hinatid na niya ako sa bagong bahay ko.

"Let's take another picture" Sabi niya. Nabigla na lang ako ng Kiniss niya ako sa cheeks.

Di ba may girlfriend siya?

"By the way, That Lady you're talking about is my mom. Well, we are not that close. Actually, I hate her. Siya pumipili ng mga kaflings ko. Like I care"

At dumeretso na siya paalis. Na stuck na lang ako sa kinatatayuan ko

Hindi parin nag sisink in sa utak ko yung ginawa niya at yung fact na nanay niya pala yung magandang babae na yun.

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon