Chapter 34

1.7K 77 3
                                    

◆Ivy's Point of View 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◆Ivy's Point of View 

Isang linggo na akong nagmukmok sa bahay, Umiiyak sa kwarto at laging tulog. Ang laki na nga ng eye bag ko eh.

Para akong zombie ngayon. Lutang na lutang. Nakakatakot. Napapabayaan ko na rin ata sarili ko at halata naman na pumayat ako.

Ang hirap naman nito. Ano kayang gingawa ngayon ni Ivan? Sigurado ako na masaya na siya
ngayon.

Miss niya na kaya ako? Ayan na naman ako eh. Ivan na naman. Hay! Ang sakit mag assume lalo na at Hindi naman talaga ako sigurado.

Ano kaya kung magpakasaya din ako? Wala naman saking mangyayari kung di ako lalabas sa kwarto di ba?

Bumangon ako at dumeretso sa salamin. Grabe. Ako ba talaga yan? Ibang iba na hitsura ko.

Wala na atang magkakagusto sa akin sa kalagayan ko ngayon. Kulang na lang mabasag yung salamin eh. I need a change.

Kung masaya si Ivan, dapat masaya din ako. That's the only way to help myself.

"Mabuti naman at lumabas ka na ss kulungan mo" Yan agad ang bungad sakin ng kuya ko pagbaba ko sa hagdan.

Totoo naman kasi eh. Di ako lumalabas. Hinahatiran niya lang ako ng pagkain. Wala kasi akong gana na bumaba. Wala naman kasi kaming pasok ng one week.

Bale last day na ngayon bago ang next semester- sa bago kong school. Kumusta kaya magiging buhay ko dun?

"Kuya naman eh. Kulungan? Gawin mo ba naman akong hayop hmp!"

"Hahaha joke lang. Saan ka pala pupunta? Samahan na kita."

"Hindi kuya okay lang po. Kaya ko naman sarili ko eh"

"Are you sure?" I nodded then dumeretso na ako sa mall malapit sa bahay.

Pumasok ako sa isang salon/hair spa. Hmm. Ano kayang bagay sakin? Gusto ko kasi new school new look at new life, well, di pa ko sure sa new life kasi naniniwala naman ako na kapag para talaga sa akin yung tao, kahit anong mangyari, sa akin parin siya babalik.

At kung hindi talaga, Siguro magmomove on na lang ako somehow. Wala akong ibang choice eh. I will just let my heart feel the pain until I realize that its all over.

Umupo na ako sa may sofa. Yung waiting seat sa gilid para kumuha ng magazine para pumili ng hairstyle.

Aabutin ko na sana yung magazine kaso may umagaw dun. Tumingin ako sa gilid at may lalaki dun na nakablack at mabilis na tinakpan yung mukha niya nung magazine. Okay.

Ang weird niya lang ah. Di ko na lang siya pinansin at kumuha na lang ulit ng isa pa. Na Cute-an ako nung color chestnut na buhok. May full bangs at curly sa dulo. Yun na lang ang ipapagawa ko. Sa tingin ko bagay sakin eh.

Kinulayan na nila yung buhok ko at kinukulot na ngayon nung bakla at umalis naman na kaagad after niyang i-set nung curlers.

Tumabi pala kasi dun sa lalaki kanina na may magazine. This time, naka shades na siya. Artistahin ang mukha.

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon