Chapter 16

2.1K 104 2
                                    

◆Vanessa's Point of View 

Eyebags. Yan ang nakuha ko. Eh paano naman kasi. Birthday niya pala, ako na nga itong nakikitira sa kanya tapos... ah basta nakakaguilty talaga.

Si Vince kasi ang may kasalanan nito. Mahirap mang paniwalaan pero siya ang may pakana ng lahat na ito at  kung bakit ako nandito. Hindi ko pa naman kasi pwedeng sabihin kay Ivy kasi secret namin yun. Edi hindi na yan matatawag na secret namin ni Vince kung malalaman ni Ivy. Toinks!

Feeling ko tuloy napakasama kong kaibigan. Pasalamat na nga lang ako na nagkaroon ako kaagad ng kaibigan kahit first day ko pa lang noon sa William University.

Nagising ako ng maaga. Tama lang ito. Dahil hindi ako informed na birthday niya kahapon, gagawa ako ng paraan para matuwa siya. Bilang mabuting kaibigan. Aja!

I will do this by hook or by crook. Nung unang beses ko pa lang kasi siyang nakita, magaan na talaga ang loob ko at alam kong siya ang perfect bestfriend para sakin.

Bumaba na ako papunta sa kitchen. Nagfried ako ng Hotdogs,sausage tsaka sunny side up eggs. Nag pancake din ako, nag sinangag, nagtoast ng bread, gumawa ng waffle--

Basta typical breakfast meals. Pagkatapos nun, gumawa na ako ng batter para sa gagawin kong cupcakes. Sana naman magustuhan niya 'tong ginawa ko. Inilagay ko na siya sa oven and hinihintay ko na lang yun na mabake.

"Good Morning"

"Good Morning Bestie"

"Wow, aga mo namang nagising. Waaah! Ikaw nagluto? Naku sorry ah hindi kita natulungan. Napasarap kasi tulog ko eh"

"No worries. Kain ka na. Maaga pa tayong papasok sa school eh"

"Ay Oo nga pala!"

Habang kumakain siya, kinuha ko na yung cupcakes at nilagyan ng frosting sa ibabaw tsaka inisprinkle ko na yung Toppings niya. Chocolate Chunk Cupcakes ang ginawa ko.

Nilagay ko na ito sa stand niya at...Tentenenen! Para na siyang layered cake. Galing ko talaga.

Inoff ko na muna yung ilaw sa kitchen. As expected, nagsisigaw siya at nagpanic. Haha. Sinindihan ko na yung candles sa cupcakes niya.

Mas lalo siyang napasigaw ng mapatingin sa direksiyon ko. Natatakot talaga siya super. Tapos parang nawalan na siya ng dugo dahil sa putla ng mukha niya.

Nagtatatakbo na siya ngayon. Grabe naman. May trauma ba siya sa mga multo? Hindi ko na siya makita kung saang direksiyon siya pumunta. Patay lahat ng ilaw at alas kwatro pa lang ng madaling araw kaya napakadilim. Hanggang sa.....

Nakarinig ako ng malakas na ingay mula sa Sala. Binuksan ko na yung ilaw at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kasalanan ko ito. Nakita ko ang mga bubog na nagkalat sa sahig galing sa isang malaking vase at sa tingin ko, Ang pagkabasag nito ang dahilan nung ingay. Mas lalo akong kinabahan ng makita ko ang walang malay na katawan sa tabi nung nabasag at May dugo sa ibat ibang parte ng katawan niya

"TULONG!! sorry...so..rry..hi..hi...hindi ko naman..alam..na mangyayari ...ito" Napabuhos na lang ang luha ko. syete Epic fail yung surprise ko.nagkaroon pa ng aksidente. Kinurot ko yung kamay ko. Akala ko panaginip eh. Pero hindi....Sorry talaga...Ivy. Happy Birthday. Ginawa ko lang naman yun para sumaya ka. Alam kong kaagaw kita sa mata ni Vince pero hindi ko yun inisip nung gusto kitang isurprise ..Hindi Muna..

Tumawag ako ng ambulansiya pero mas mabilis pa sa isang iglap ay naunang dumating si Vince. Halatang galing sa pagtakbo dahil sa pawis niya. Kumirot yung dibdib ko ng makita kung gaano siya ka concern kay Ivy. Kitang Kita ko kung paano siya mag alala. Siya na rin ang nagbuhat sa kanya

Papunta sa ambulansiya. Wala na ata akong magagawa. Siguro mas gusto niya talaga si Ivy kesa sa akin. Mali talaga ang naging deaiayon ko na iwan ko siya. Dahil sa tingin ko huli na ang lahat.

I think he's already Inlove with Ivy. Seeing his eyes full of sadness and care nung makita niya na may dugo si Ivy. I think I can't manage to stand the thoughts of it. Bukas na bukas din aalis na ako.

Hindi pwede ito. Kasama ko sa isang bahay ang taong mahal ng mahal ko. Hindi ko yun kakayanin.
..............
Vote~Comment~Recommend ^.^

Vanessa On Media

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon