Chapter 3

4.9K 145 29
                                    

◆Ivy's Point of View

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◆Ivy's Point of View

Nakauwi na ako sa bahay at pagkatapos kong iligpit yung grocery sa goods cabinet, dumeretso na agad ako sa kwarto.

Grabe naman kasi si tita, pauwi na sana ako nun tapos bigla siyang tumawag. Ganun naman talaga siya, tinatawagan lang ako kapag may kailangan.

Wala rin akong ganang kumain at hindi rin naman nila ako tatanungin kung kumain na ako or hindi pa. Nagbihis na ako at umupo sa kama ko. Inopen ko na lang yung laptop ko at nag-scroll sa facebook. Binuksan ko yung account ko at tiningnan yung mga pictures namin ni ate Via dati.

"Hay naku ate Via, kumusta ka na ba? alam mo, miss na miss na kita. hayaan mo ate, mahahanap ko rin yun si Dawn. Hindi parin talaga ako makaget over sa nangyari kay Eve. Hindi man lang nila ako ininform na gagawin nila yun sa kanya" sambit ko habang patuloy parin sa pag-scroll sa pictures namin ni ate.

Tumutulo na naman tuloy yung luha ko. Inoff ko na lang ulit yung laptop ko bago pa ko mabaliw kakausap sa pictures ng ate ko kasi panigurado, iiyak lang ako niyan lalo.

Tsaka mamaya niyan, kausapin ako pabalik ni ate, edi natakot pa ako noh! Pero okay lang kung kausapin niya ako, at least malalaman ko na ang totoong nangyari sa kanya.

Three days na lang at magpapasukan na ulit. Hindi ko parin feel na college na ako. Wala na kasi akong kasabay eh. Miss ko na rin si daddy na hinahatid kami sa school dati. Nung nag asawa siya ulit parang mas lalo siyang naging busy eh. Pati yung tunay kong mommy miss ko na rin. Hindi ko pa nga namimeet yung step mom ko.

Napatingin ako doon sa teddy bear na nakaupo sa sala set ng kwarto ko. Bigay daw yun sa kanya nung boyfriend niya. Sino naman kayang loko na yun? Pinabayaan niya lang mamatay yung ate ko. Balita ko sunog yung aksidente. Ipapacremate nga sana namin si ate pero ipinalibing na lang dun sa East Cemetery dahil may lupa kaming nabili doon at pinagawan namin siya ng mausoleum.

Napabuntong hininga na lang ako. Siguro magkasama na si Ate at si Eve doon, kung nasaan man sila. Buti pa nga sila, ako naman wala na akong karamay.

Maya't maya, dinalaw na ako ng antok. Matutulog na lang muna ako siguro.

*~*~*~*~*

"Hoy babaita! gumising ka na nga diyan!"

"Yeah, magluluto ka pa kaya. Gutom na kami noh!!"

Nagising na lang ako sa ingay ng dalawang maldita sa kwarto ko. Sina Beatriz at Raccey lang naman panigurado. Kaedad ko si Raccey at Kaedad naman ni Ate Via si Beatriz.

Nakakainis naman, hindi pa nga ako nakakabangon at naghihilamos man lang tapos ngayon, inuutusan na nila ako.

Parang baliktad ata sitwasyon dito? Bahay ko kaya 'to at nakikitira lang sila. Bakit ako yung ginagawang katulong? Tsaka problema ko ba kung gutom sila?

Nagluto na lang ako dahil nakaramdam din naman ako ng gutom, hindi pala ako nakakain kagabi. Umakyat ulit ako para mag-ayos ng sarili. 

Magpapasyal muna ako sa labas. Sumakay na ako doon sa pink motorbike ko at nakita kong nakasabit parin doon yung helmet. Napangiti tuloy ako nang wala sa oras. Naalala ko kasi si Manong Ant-- short for Antipatiko.

Dumeretso ako sa mall. Pumunta muna ako sa National Book Store para maghanap hanap lang ng libro. Buti nga magpakalibang muna ako kasi, mahirap na! Baka mamatay ako sa depression. Ayoko namang sundan agad si ate noh!

Babayaran ko na sana yung limang libro na napili ko pero may narinig akong familiar na boses.

"Hey, what can you say about my feelings?"

"Your stupid feelings? It's useless!! I don't like you. Please, just leave me alone okay?!"

Napasilip ako sa bookshelf at nakita ko si manong sa kabila at iniwan siya nung babae. Ibang babae naman yung nakabasted sa kanya. Omg!! I saw him being rejected twice! 

Napatingin siya sa direksiyon ko kaya binilisan ko na lang yung paglakad sa counter. This time, may dala na akong pera kaya nabayaran ko na yun. Lumabas na ako. Phew! Muntikan na ako dun ah!

Naglakad ako palayo pero may humawak sa kamay ko. Lumingon naman ako at nakita ko si manong Ant.

"Sinusundan mo ba talaga ako?"

"Excuse me lang manong ah? Ako yung unang naglalakad kaya it means ikaw ang sumunod sa akin, nagkataon lang na bumibili ako ng libro. Bakit, ikaw lang ba may karapatan na pumunta dun? FYI public place yun at P
Pwede lahat dun noh! Tsaka nagkataon lang din na nakita kita at nareject ka na naman! Ayy-oops sorry napadaldal ata ako. Sige po manong, babye" naglakad na lang ako ulit at hindi na siya pinansin

"Oy may atraso ka kaya sakin huy bumalik ka!" Napangisi tuloy ako. Ah yun lang pala eh. Bumalik naman ako at inabot sa kanya yung pera na nahiram ko kagabi. "Ayan Manong. Fully paid na ako ah?" Ngumiti muna ako at naglakad na  palayo sa kanya. Lumaki na naman yung mata niya at yung butas ng ilong niya. Nakakatawa talaga siya.

Pumunta ako dun sa may ice cream box nung Supermart. Nasaan na kaya yung ice cream na yun? Limited Edition pa naman yun eh. Special Flavor kasi. Konting hanap pa at... Ayun! Pero may isang kamay na ang nakakuha! Tiningnan ko kung sino at hulaan niyo.

"Ikaw na naman?" sabay naming sabi

"Manong, ikaw ata stalker ko ah?"

"Aba't kailangan bang tawagin akong manong?! Nagkataon lang na ito rin ang paborito kong ice cream. Tsaka isa pa, ikaw lang ba may karapatan na bumili dito ah?"

"Kahit na, ako nauna niyan!" At nag-agawan na kami dito na parang mga bata, walang gustong magpaubaya.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakialam. Ice cream ko yun eeh. Paborito namin yun ni Ate Via. Lumapit na nga sa amin yung saleslady.

"Ma'am, sir, wag po kayong mag away. Marami pa po niyan dito eh. Hanggang 10:00 am pa stock niyan"

"Err marami pa daw diyan manong! Hanapin mo na lang kaya!" Kinagat ko yung kamay niya kaya napabitaw siya kaya tumakbo na ako papunta sa counter. Ang weird naman, lagi na lang kami nagkikita.

"Uy, teka nga lang!" sabi nito. Hindi ko siya pinansin at kinain na lang yung ice cream ko pagkatapos kong bayaran sa counter. Hmm.. ang sarap talaga nito.

"Uy hintayin mo nga ako"

"At bakit naman kita hihintayin ah? Bayad na po ako." naglalakad parin ako pero kinakausap niya ako kahit nakatalikod ako sa kanya.

"Fine. Oo, nakita kong ni-reject ka kanina. Shut up na lang ako okay? kalma ka lang diyan."

"What? ginagawa mong big deal yun? Okay lang sa akin na mareject. Honestly hindi ko yun gustong magconfess kanina. Tss. May gusto lang kasing gawin ko yun kahit ayoko at may bantay ako, hinhintay ko talagang ireject ako para umalis na yung bantay na yun. Argh! bakit ba ko sayo nagkukwento, eh wala ka namang maiintindihan? tsaka pwede ba huwag mo akong tatawagin na-----"

Lumingon ako sa kanya. "Na ano, manong?" sabi ko at tinaas yung kilay ko. Gusto ko lang na asarin siya para umalis na siya at hindi na niya ako sundan.

Pero imbis na mainis siya, natulala na naman siya sa harap ko. Ganyan ba talaga siya kapag nakikita niya ako? 

Maya maya, inilapit niya yung kamay niya sa baba ng labi ko at parang may pinunasan. Syempre nabigla ako sa ginawa niya.

"Ano, sorry may dumi kasi." sabi nito at iniiwas yung tingin niya sa akin

"O-okay lang. Thanks" ngumiti na lang ako sa kanya at pagkatapos nun, bigla na lang siyang tumalikod at naglakad na palayo.

Teka, anong problema niya? Kanina, ang kulit kulit tapos biglang naging ganun. Ewan bahala siya.

I'm Mr.Antipatiko's Official Girlfriend [UNEDITED VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon