I realized that things, when became habits, are even harder to break than a chain of iron.

“Miggy!” tawag ko sa kanya ng makita ko siyang palabas na ng gate. “Makakasama ka ba sa Monday sa bahay nila Ate Mhina?” tanong ko nang mahabol ko siya.

“Oo, pupunta ako,” nakangiting sagot niya sa akin.

“Buti naman!” galak na saad ko. “Uuwi ka na? Huwag muna! Daan tayo sa mall!” paganyaya ko sa kanya.

“Bakit, anong gagawin mo sa mall?”

“Bibili sana ng gift para kay Ate Mhina. And… para kay Arkin na din.”

“Bakit pati si Arkin? Nasaan na nga pala ‘yong mokong na ‘yon?” nagtatakang tanong niya sa akin.

Habang papunta sa mall ay ikinuwento ko kay Miggy ang naging pag-uusap namin ni Arkin noong gabing nalaman ko ang tungkol sa pag-alis niya papunta sa New York. Sa una ay naguguluhan siya kung bakit dahil lang doon ay nakipag-break ito kay Ate Mhina ngunit sa bandang huli naman ay naintindihan rin niya iyon. Pinaalalahanan ko rin siya na wala sana siyang pagsasabihin ng tungkol doon na kahit na sino lalung-lalo na si Ate Mhina. Sumang-ayon naman siya doon.

“Ano sa tingin mo ang magugustuhan ni Ate Mhina? Itong purple or black?” tanong ko kay Miggy habang hawak-hawak ang dalawang beanie sa magkabilang kamay ko.

“Purple,” matipid na sagot niya.

“Okay, then!” sabay lagay ko ng purple na beanie sa basket na hawak ko.

Pumunta kami sa men’s section department store upang makahanap ng ibibigay ko kay Arkin sa pag-alis niya. Halos naikot na ata namin ang area na iyon ng store ngunit wala pa rin akong mahanap na maaaring ibigay sa pinsan ko.

“Necktie na lang kaya?” tanong ko kay Miggy na kanina pa tahimik.

“Ikaw, bahala ka,” ang tanging tugon niya sa akin.

Mukhang may problema ang knight ko, ah?

Hinarap ko siya at saka ko hinawakan ang magkabila kong baywang upang wari ay naiinis ako sa kanya. “Hoy, Mr. Miguel Jan Antonio! Kanina ko pa napapansin ‘yang katahimikan mo, ha?! May problema ba?”

Hinintay ko siyang sumagot ngunit ni pagbuka ng bibig niya ay hindi niya ginawa. “Miggy, may problema ba?” pag-ulit ko habang hinahawakan ang braso niya upang humarap sa akin.

“Ikaw ang may problema, hindi ba?” pagbabalik niya ng tanong sa akin.

Ako? Paano namang naging ako?

“Huh? Wala akong problema,” sagot ko. “Ikaw nga ‘yong kanina pa walang imik dyan.”

“Bakit parang hindi na kayo palaging magkasama ni Paul nitong mga nakaraan?” diretsuhang tanong niya sa akin na naging dahilan naman ng bigla kong pagkalungkot.

“Ah. ‘Yon ba? W-wala,” buntong-hiningang tugon ko.

“Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo?”

“Bagay kaya ‘to kay Arkin?” pag-iiba ko sa usapan habang ipinapakita sa kanya ‘yong isang necktie na hawak ko.

Ngunit hindi man lamang ako nagtagumpay sa balak kong pagbabago ng usapan dahil muli na naman niya akong inusisa. “Tell me. What happened?”

“What happened? Wala naman. As far as I know, hindi naman talaga kami close ni Paul. ‘Diba?” pagmamaang-maangan ko.

“You were. For almost two months,” mariin niyang tugon.

“That’s also what I thought,” malungkot na saad ko.

“Iyan ba ang walang problema? Tignan mo nga ‘yang mukha mo! Kulang na lang ay habulin ng plantsa sa sobrang lukot,” may halong inis na pahayag niya.

“Ang sama mo! Tara na nga!” yaya ko sa kanya nang mapagdesisyunan kong bilihin na ang necktie na kanina’y ipinapakita ko sa kanya.

Akala ko ay nawala na sa isip ni Miggy ang tungkol sa amin ni Paul ngunit nagkakamali pala ako dahil nang makalabas kami ng mall ay muli na naman niya akong tinanong tungkol doon.

“So, what happened?” bungad niya sa akin.

He’s my bestfriend. Siguro, dapat ay sabihin ko na sa kanya. In fact, it’s just too hard for me to handle this alone.

“That’s the exact same question I’ve been asking myself since last week,” matapat na tugon ko sa kanya.“Maayos naman na kami, eh. I mean, we became friends. At least, ‘yon ang pinaniniwalaan ko. Pero dumating ‘yong araw na bigla na lang niya akong iniwasan. Bigla na lang siyang nagbago. Bigla na lang bumalik ‘yong dating Paul na kilala ko. In just a snap, everything fell apart,”

Parang may kung anong kumirot sa puso ko nang mabitawan ko ang mga salitang iyon sa harapan ni Miggy. Parang ‘yong bigat na itinatago ko noon ay mas lalo pang bumigat habang iniisip ko ang mga nangyari.

“Paano?” matipid na tanong niya pero punung-puno ng kahulugan at kasagutan.

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam,” pag-amin ko. “Basta ang sabi niya sa akin, layuan ko na siya. Wala man lang siyang ibinigay sa akin na dahilan kung bakit biglaan ay ‘yon na ang gusto niyang mangyari.”

Huminga ako ng malalim at pilit na iniwasang masaktan noong maalala ko ang mga salitang huli niyang sinabi sa akin.

“Akala ko masakit na ‘yong simpleng hilingin lang niya sa akin na layuan ko siya. Pero may mas masakit pa pala doon.” I paused for a while to gain strength to tell Miggy what Paul have told me. “He said we were never friends and never will be.”

Noon ko lang namalayan na may pumatak na palang luha mula sa kanang mata ko. Agad-agad namang inabot sa akin ni Miggy ang panyo niya at dali-dali ko rin iyong kinuha at pinunas sa mata at pisngi ko.

“Why didn’t you tell me?” malungkot na tanong niya sa akin. “Bakit hinintay mo pang tanungin kita ng tungkol dito?” aniya habang patuloy kami sa paglalakad.

“Ayoko lang isipin mo o ng kahit na sino sa inyo na ang babaw kong tao.”

“Of course not!” Hinarang niya ako at saka biglang hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Why would you even think na pag-iisipan ka namin ng ganun?!” pasigaw na anas niya.

Nagulat ako sa ginawa niyang paghawak at pagsigaw sa akin kaya hindi agad ako nakasagot hanggang sa mapansin niya ito at unti-unting alisin ang kamay niya sa mga balikat ko. “I’m sorry,” paghingi niya ng paumanhin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa sakayan ng jeep. Walang kumibo sa amin hanggang sa makababa kami sa tapat ng bahay namin.

“Pasok ka muna. Matagal ka na ding hindi nakikita ni Mama,” yaya ko sa kanya habang binubuksan ang gate.

“Hindi na. May gagawin pa din kasi ako, eh.”

“Sigurado ka?”

Tumango lang siya at saka nagpaalam na sa akin. “Sige na, magpahinga ka na. I’m sorry about earlier. Nag-aalala lang ako sa’yo.”

“Uhm. Naiintindihan ko,” nakangiting tugon ko sa kanya.

“Aaliyah?”

“Bakit?”

“Take care of this.” saad niya habang tinuturo ang left chest ko. “Okay?” dagdag niya pa bago tuluyang umalis.

Take care of what? My heart?

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon