CHAPTER 22

31K 261 31
                                    

CHAPTER 22

~ Gulung-gulo ang isip ko sa puso kong ito. Hindi alam kung bakit ba ikaw ang minahal. Kung kaya ko lang sanang pigilan ang aking pusong piliin ka para ibigin ko. ~

Agad ko ring pinatay ang iPod ko nang matapos pakinggang ang kantang iyon ni Kim Chiu at nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi. Huling linggo na ng February at ang ibig-sabihin lang noon ay malapit nang mag-March at busy na naman sa school.

Malapit na ako sa bahay nang bigla akong dalhin ng mga paa ko sa park na malapit sa amin. Naupo ako doon sa isa sa mga benches doon at muling pinatugtog ang kanta ni Kim Chiu.

Ugh! Na-LSS na ata ako.

Masyado kong dinibdib ang bawat lyrics ng kantang iyon kaya hindi ko namalayang napapikit na ako. Noong oras na dumilat ako ay nagulat ako nang biglang may naglalakad na lalaki palayo sa akin.

Teka, nakita ba niya akong nakapikit?! Ugh! Nakakahiya!

Napatingin ako sa paa ko dahil may naramdaman akong nakatakip sa sapatos ko at nakitang may nahulog na panyo doon.

“Kuya! ‘Yung panyo mo!” tawag ko habang naglalakad palapit sa kanya. Hindi niya ako nilingon ngunit huminto siya. Hindi rin siya kumibo ngunit nanatili lang siyang nakatayo doon.

Naka-uniform siya ng Ashford. School mate ko pala ‘to.

“Yung panyo mo,” sabi ko habang inaabot ang panyo niya ngunit parang wala naman siyang balak kuhanin iyon kaya muli akong nagsalita. “Hoy, ‘yong panyo mo sabi!”

“Akin na,” sabi niya at saka ini-stretch ang kamay niya patalikod para kuhanin ‘yong panyo niyang inaabot ko.

Aba! Hindi man lang humarap! Aba'y bastos tong lalaking to ah! Siguro may peklat siya sa mukha kaya ayaw niyang humarap! Oh kaya naman, may balat na pagkalaki-laki. Ugh.

Matapos niyang hablutin ang panyo niya mula sa kamay ko ay naglakad na siyang muli palayo.

“Aba! Hoy! You’re welcome, ha?!” sarkastikong sigaw ko sa kanya at saka tumalikod para umalis na din.

Bwisit ‘yong lalaking ‘yon! Naturingan pa namang sa Ashford din nag-aaral, hindi man lang marunong magpasalamat. Tsk. Matalisod ka san—

“ARAAAY!” Naramdaman ko na lang ang biglang pag-bagsak ko sa lupa nang matalisod ako sa isang bato. Tatayo na sana ako ngunit parang biglang may nag-crack na buto doon sa kanang paa ko. Parang napilipit.

Ang sakit. Ugh!

“Ayan kasi, ikaw tuloy ang natapilok,” bungad sa akin noong lalaki kanina. Umupo siya sa harap ko nang nakatalikod.

Ano ba’ng problema nito at ayaw humarap? Sa pagkakaalam ko, wala namang estudyante ang Ashford na may dipersiya sa mukha. Diperensiya sa pag-iisip, marami! Joke. Tsk.

“Sumakay ka sa likod ko. Ihahatid na kita sa inyo,” saad niya habang tinuturo ang dalawang balikat niya.

Ano daw?! Paano niya nalaman ‘yong bahay namin? At teka… parang pamilyar nga ‘yong boses niya.

“A-anong sabi mo?” tanong ko para muling marinig ang boses niya upang makasigurado kung tama nga ba ang nasa isip ko.

“Sabi ko sumakay ka sa likod ko at mukhang hindi mo naman kayang mag-lakad,” mariing tugon niya. Napangiti ako dahil tama nga ang iniisip ko.

“Ayoko. Hindi ako nagpapahatid sa bahay namin with a stranger,” wari’y mataray na saad ko.

Kilala na kita.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon