CHAPTER 26

28.3K 250 71
                                    

CHAPTER 26

Nag-simula nang mag-tilian at sigawan ang mga estudyante ng in-announce na last two minutes na lang at matatapos na ang laban. Lamang ang Ashford ng anim na puntos kaya mukhang gitgitan na ang laban nila.

“TEN SECONDS!” malakas na pahayag noong announcer dahilan upang mag-saya na ang lahat ng estudyante ng Ashford. Sa labing-isang puntos na lamang ng team namin sa kabilang school ay paniguradong panalo na kami.

Nang tumunog ang buzzer ay lalo pang lumakas ang sigawan dahil iyon na ang sign na tapos na ang laban at champion na ang Ashford. Makaraan ang ilang announcement ay pinatawag ni Miss Labalan ang lahat ng estudyanteng natitira pa sa school upang i-announce ang magiging Victory Party na magaganap din agad-agad bukas. Sinabi rin niya na open to outsiders ang party ngunit limitado lang at first come, first serve ang magiging basehan.

Tinulungan ko pang mag-ayos ng mga certificates si Miss Pam doon sa faculty bago ako umuwi. Paglabas ko ng faculty ay tila nagulat ako nang makita ko kung sino ang nakatayo sa may labas at mukhang may hinihintay.

Naglakad lang ako ng diretso at hindi siya pinansin ngunit bigla akong natigilan ng tawagin niya ang pangalan ko.

“B-bakit?” utal na tanong ko nang lumingon ako sa kanya.

Lumapit siya sa akin bago nagsalita. “Gusto ko lang mag-sorry sa pagtulak ko sa’yo kanina,” saad nito.

“O-okay lang.”

“Matatamaan ka kasi ng bola sa ulo kung hindi ko ginawa ‘yon,” paliwanag pa niya.

“Salamat nga pala,” tipid na tugon ko. “Sige, mauna na ako,” paalam ko sa kanya at nagsimula nang mag-lakad palayo sa kanya.

Ano ba naman ‘yan. Ang awkward kaya! Ugh!!!

“Aaliyah, sandali lang!” dinig kong tawag niya sa akin ngunit hindi ako huminto at nag-panggap na hindi ko iyon narinig. Naramdaman ko na lang ang biglang pagtakbo niya palapit sa akin habang tinatawag ang pangalan ko. “Sandali lang,” saad niya nang makalapit sa akin at tila hinahabol pa ang hininga.

“A-anong kailangan mo?” naiilang na tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya.

“Sabay na tayong umuwi,” tugon niya. “Kung okay lang?”

Akala ko ba nag-paalam na siya sa akin? Bakit gusto niya akong sabayang umuwi? Ugh! Nakakainis naman, hindi ko naman siya matatanggihan.

“A-ayos lang,” tipid na sagot ko at saka nagsimulang mag-lakad. Naglakad din siya sa gilid ko nang hindi umiimik.

Nang malapit na kami sa bahay ay bigla niya akong hinawakan sa braso ko at pinigilan sa paglalakad. Magtatanong na sana ako ng bakit ngunit bigla naman siyang nagsalita upang sagutin ang katanungang hindi man lamang lumabas sa bibig ko. At sa hindi inaasahang pagkakataon paglabas namin ng gate ay bumaba si Nelle mula sa isang kotse.

Napatigil ako sa paglalakad at ganoon din si Aaron. Lumapit sa amin si Nelle at nginitian ako pero alam kong ang ngiting iyon ay hindi totoo. Pilit din akong ngumiti sa kanya.

“Pwede ba tayong mag-usap?” bungad na pambati niya sa akin.

Napatingin naman ako kay Aaron at mukhang may namumuong tanong sa isip niya kung sino ang babaeng nasa harap ko ngayon.

“Aaron, si Nelle nga pala,” pagpapakilala ko sa kanila.

“Hi, I’m Nelle Rodriquez. I am Paul’s girlfriend.” Para namang nag-panting ang dalawang tenga ko ng marinig ko ang sinabi niyang iyon.

Girlfriend siya ni Paul?! P-pero kailan pa?!

“Girlfriend ka ni Paul?” nagtatakang tanong sa kanya ni Aaron matapos nilang mag-kamay.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon