CHAPTER 34

26.5K 241 42
                                    

CHAPTER 34

*Foundation Week*

Nag-tago lang ako sa likod ng ibang mga estudyanteng nanunuod ng volleyball dahil ayaw kong makita niyang nanunuod ako. Nandito lang naman ako para tulungan siya kung may masamang mangyari.

Masaya ako nang manalo ang team nila at walang sinuman na nasaktan o natamaan man lang ng bola. Nang matapos ang game ay nakita kong niyaya ni Lexie si Mhina at Aaliyah na manuod ng basketball.

Tsk. Papanuorin lang nila si Aaron, eh. Ugh.

Sa halip na umuwi ay maingat na lang akong nag-tungo sa butterfly garden. Wala rin naman akong gagawin sa bahay.

Nakarinig ako ng tumatakbo papunta dito kaya agad akong sumilip para tignan kung sino ang paparating. Nagulat pa ako nang makita kong nandoon si Aaliyah at tila hinhingal.

“Paul. Nandito ka pala,” saad niya habang hinhingal pa.

“Dumaan lang ako,” pagdadahilan ko. Paalis na sana ako ngunit natigilan ako dahil gusto ko pa siyang makasama kahit na sa sandaling panahon lang. “Congrats pala.”

“Huh?” nagtatakang saad niya.

“Sa game kanina”

“Nanuod ka?”

Pinili kong huwag na lang sumagot at sa halip ay muli akong pumasok sa butterfly garden. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

“Still chasing?” tanong ko.

“Chasing? Huh?”

“Mukhang may iba ka nang hinahabol.” Si Aaron. “Have you stopped chasing me?”

Say no. Please.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Seems like you have chosen to run on a different path,” buntong-hiningang saad ko. “Nahabol mo na ba siya?”

Sabihin mong ako lang ang hinahabol mo. Sabihin mo namang wala akong kahati.

“Sino?”

“Si Aaron,” mabilisang tugon ko.

 “Is it possible to chase two persons with two different pathways?”

“No.” Hindi pwede, Aaliyah. “But you can always opt one.” Dapat ako lang. Ang selfish ba? Pero gusto ko, ako lang talaga.

“Then I’ll just stop running.”

Dahil sa sagot niyang iyon ay bahagya akong napangiti. Kung wala kang pipiliin, mas mabuti pa ngang tumigil ka na lang sa pagtakbo. Para ako na mismo ang hahabol sa’yo.  “Much better.”

“Huling beses na ‘to na pupunta ako dito,” sabi ko at muling tumalikod mula sa kanya. “Sana ikaw din.”

“B-bakit?” utal na tanong niya.

“Tigilan na natin ang kalokohan na ‘to,” mariin na tugon ko. Kasi para sa akin, hindi na ito lokohan, Aaliyah. Gusto ko nang totohanin ito. “Thank you for deciding to stop.” At least sa paghinto mo, alam kong wala kang pinili sa amin ni Aaron. “Pinatunayan mo lang kung gaano ka kahina.” Pinatunayan mong walang mas matimbang sa aming dalawa. Kaya ako na ang gagawa ng paraan para makapili ka.

 

 

*Jail Booth*

“Reconciliation, huh?” saad ko nang matira na lang kaming dalawa sa room na iyon. “So, tatakbo ka na ulit?”

Say no. Huwag mo na siyang habulin.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Where stories live. Discover now