"Anong pangalan mo, hija?" tanong ng Mama ni North nang pinaupo niya ako sa malapit na sofa sa ward ni North. I quickly glanced at North's state and saw that he was sleeping soundly with all the machines connected to his body.

Umupo na rin ako. "Tanniah Hazelle Mesina po. . ." Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ng Mama niya habang nagtitimpla ng inumin namin.

"So you're the girl. . ." Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko bago ako inalok ng maiinom. "Hot chocolate?" She smiled at me that made her eyes form crescent like how North smiled at me before. That's when I realized that I really missed him. Sa hindi namin pagkikita ay siya lang ang laman ng isip ko.

Inabot ko ang hot chocolate at nagpasalamat. "Lagi kang ni-ke-kwento sa'kin ni North. Sabi niya ay may nagugustuhan daw siyang babae na tinatawag niyang. . . ano nga ulit 'yun?"

"Kap. . ." mahina kong pagpapatuloy kaya napatawa siya. 

"Oo, 'yun nga. Kapitana raw. Kasi masungit at hindi namamansin. Wala atang isang araw na hindi ka niya kwinento sa'kin at pinagmalaki. Ikaw pala 'yung sinasabi niya. I'm glad that I met you." Humigop ang Mama niya sa iniinom at ako naman ay napalunok lang ng mariin. Kinekwento ako ni North?

"Hindi ko po siya masyadong nakausap sa school noong nakaraang buwan tapos nabalitaan ko po na hindi po siya pumapasok sa mga klase niya. Perhaps. . . may. . . s-sakit po ba siya?"

Napalingon sa tabi ko ang Mama niya bago napawi ang ngiti na parang ayaw sa mga sinabi ko. "I'm sorry. . . Hindi ko po s-sinasad—" I couldn't continue what I was about to day when she cut me off.

"Don't be sorry and yes. . . may sakit siya sa puso." Napayuko ang Mama niya na mukhang iniiwasan nga ang gano'ng usapan. May sakit si North? Kailan pa?

"My husband died with. . . the same illness. . . that's why North inherited his weak heart. . ." pagpapaliwanag niya. Parang may nakabara sa lalamunan ko at naramdaman ko na lang na may namumuo nang luha sa gilid ng mata ko.

"Alam niya na 'yun simula bata pa lang siya. Na may sakit siya. Lagi niyang sinasabi na magiging masaya na lang siya sa buhay niya kasi gusto niyang. . . m-masulit lahat ng oras niya sa m-mundo. . ." Tears fell from her mother's eyes and the cup almost fell from her hand. Hinawakan ko 'yun at nilagay muna sa nalalapit na mesa bago siya yakapin. 

"I-i'm sorry po. . . I didn't k-know. . ." 

Tumango siya habang umiiyak pa rin sa balikat ko kaya napaiyak na rin ako. Kung may sakit siya, e'di. . . may posibilidad na. . . No. . . that can't be. Masyado pa kaming bata para bawian siya ng buhay. No, that's impossible.

"He lived with his camera. Sabi niya kasi na gusto niya na kahit wala na siya ay maaalala ko pa rin siya sa pamamagitan ng pictures na kinukuha niya. He said that those memories will live in photos forever. Kagaya ng hilig ng Papa niya. Like father, like son."

Mas lalo akong napaiyak nang maalala ko ang photo book na nakuha ko sa kanya noon. Mahalaga pala 'yun sa kanya kaya niya nilagyan ng title na "Hues, Pains and Memories" dahil alam niya 'yung mga nakalagay sa likod ng picture na 'yun ay mga malulungkot na alaala ng iba't-ibang mga estudyante.

Humiwalay na sa yakap ang Mama ni North at hinawakan ang kamay ko. "It is the first time that he told me that he liked a girl. Sabi niya kasi ay hindi na siya magkakagusto sa isang tao kasi alam niya na. . . baka masaktan niya lang 'yun 'pag. . . u-umalis na siya sa mundo. He accepted his f-fate, that's why I feel sad for him because he knows that every journey has an. . . end. That's why he cherished every bit of it."

"Gusto mo ba na. . . iwan ko muna kayong dalawa rito? You can talk to him while he's still asleep. 'Pag nagising siya ay magloloko na naman 'yan na parang wala siyang sakit. . ." nalulungkot na sabi ng Mama niya kaya tumango ako. Tumayo siya at dumiretso na sa labas bago ihabilin ang anak niya sa'kin.

Capturing HueWhere stories live. Discover now