Chapter 6 - Abusada

Magsimula sa umpisa
                                    

"Puwedeng magkape?" sabi niya. "Humihilab na kasi ang tiyan ko. Ang aga kong nagising."

"Ah, sige sandali lang. Tatapusin ko lang itong niluluto ko at sabay-sabay na tayong mag-almusal," sagot ko naman sa kanya. "Upo ka muna diyan."

Binilisan ko na ang pagluluto. Pritong itlog lang naman ito at luncheon meat. Sinangag ko na rin ang natirang kanin kagabi kaya medyo heavy ang breakfast namin ngayon.

Nang matapos ang ginagawa ko sa kusina ay ginising ko na si Rob para sabay na kaming kumain.

"Bangon na," bahagya kong tinapik ang balikat ni Rob para gisingin ito. "Andyan na si Imelda."

Agad namang nagising ito at bumangon. Paglabas ng silid ay naabutan namin si Imelda na sumasandok ng sinangag sa kawali.

"Oy boss, nakialam na ako sa kusina n'yo, ha? Naghain na ako ng almusal para makakain na tayo."

Tinanguan lang ni Rob ang yaya. Ako naman ay kumuha ng plato at kubyertos at inilagay na rin iyon sa mesa.

"Kain na tayo," inaya ko na sila.

Habang kumakain ay nagbilin si Rob kay Imelda. "Huwag mong ilalabas si baby. Dito lang kayo sa bahay. 'Wag mo siyang pababayaang basa. Dapat lagi mong titingnan kung umihi ba siya o dumumi para mapalitan mo agad ang diaper niya."

"Oo, boss. Alam ko na'yan. Dati naman akong yaya kaya sanay na sanay na ako sa mga ganyan," buong pagmamalaking sabi ni Imelda.

Ako naman ay in-enjoy lang ang almusal. 'Di na ako sumali sa usapan nila. Tutal, nasabi na naman ni Rob ang mga gusto kong sabihin. Ang sa akin, basta maalagaan nang mabuti si Baby Gabriel walang magighing problema sa akin ang yayang ito.

NANG UMALIS kami ng bahay para pumasok ay tulog pa rin si Baby Gabriel. Todo bilin pa rin si Rob kay Imelda kahit no'ng papalabas na kami ng pinto.

"Huwag kang magpapapasok ng kahit sino dito sa bahay. Baka mapagnakawan tayo. 'Wag masyadong tiwala sa ibang tao. At si baby, alagaan mong mabuti." paalalang sabi ni Rob.

"Teka, may cellphone ka ba?" naalala kong itanong kay Imelda.

"Meron, boss."

"Ibigay mo sa akin ang number mo para matawagan kita."

Ibinigay ng yaya ang number niya at ilang saglit lang ay naka-save na iyon sa cellphone ko.

"Sagutin mo agad pag tumawag ako. Itetext kita para alam mo ang number ko. I-save mo."

"Sige..."

"Magluto ka na lang ng kakainin mo. Meron diyan sa ref."

Iyon lang at tuluyan na kaming umalis ni Rob. Bitbit namin ang tiwalang maaalagan ni Imelda nang maayos si Baby Gabriel.

HABANG nasa office ay tutok ako sa trabaho. Hindi ko na namalayan ang pagtakbo ng oras. Nagulat pa nga ako nang magsimulang mag-uwian ang mga katrabaho ko. Alas-singko na pala. Ang bilis ng oras.

'yong sinabi kong tatawagan ko si Imelda ay hindi ko naman nagawa. Masyado akong naging busy sa trabaho. Pero nakaramdam ako ng excitement dahil uwian na. Makikita ko na ulit si Baby Gabriel.

Tinawagan ko si Rob para sabihing uuwi na ako. Siya naman ay alas-siyete pa raw mag-a-out sa trabaho.

Hindi na ako nagtagal pa sa opisina. Sabik na sabik na akong umuwi at makita si Baby Gabriel.

SA BAHAY ay busy si Imelda. Tulog naman si Baby Gabriel kaya malaya siyang kumilos sa loob ng bahay. Tinungo niya ang kusina at kinuha ang lata ng gatas ni Baby Gabriel. Pagkatapos ay isinalin ang kalahati ng laman nito sa isang mas maliit na lata ng gatas na kinuha niya sa bag na dala niya kaninang umaga.

Muling ibinalik ni Imelda ang lata ng gatas sa lalagyan at ang kinuha niyang gatas na nasa mas maliit na lata ay agad niyang isinilid sa kanyang bag.

Hindi pa nakuntento, binuksan niya ang ref at sinilip kung ano ang puwede niyang iuwi at pakinabangan. Nakita niya ang isang bote ng sandwich spread na hindi pa nabubuksan. Kinuha niya iyon at isinilid din sa kanyang bag.

Kaninang tanghali ay nagluto siya ng pritong tilapia. Tatlong malaking tilapia ang kinuha niya sa ref pero isa lang ang nakain niya. Binalot niya ang natirang dalawang pritong isda. Siniguro niyang maayos ang pagkakabalot nito kaya dinoble pa niya ang plastic nito at saka niya ibinalot sa dyaryo at pagkatapos ay isinilid din sa kanyang bag.

Wala sa hinagap nina Pau at Rob na kawatan pala ang hinayupak na babaeng ito!

PAU'S POV

DUMATING ako sa bahay na nasa salas si Imelda at Baby Gabriel. Karga ni Imelda ang baby ko at mukhang magkasundo naman sila. Naaliw ako nang makita kong ngumiti si Baby Gabriel pagkakita sa akin. Aba, at parang kilala na ako ng batang ito. Ang bilis niyang maka-acknowledge sa taong nag-aaruga sa kanya.

Kinuha ko si Baby Gabriel kay Imelda. Sabik na sabik talaga ako sa batang ito. Ang yaya naman ay mabilis na nagtungo sa silid, kinuha ang kanyang bag at paglabas ay nagpaalam na sa akin.

"Uuwi na ako," sabi nito.

"Sige..."

"Ahh... Puwede po bang bumale ng isang libo?"

Napatanga ako. Isang araw pa lang sa amin ang yayang ito babale na agad. At isang libo pa!

Mukhang natunugan naman ng babae ang pagtataka ko, kaya nagsalita ito.

"Wala po kasi akong pamasahe bukas, at sa mga susunod na araw. Kaya po bumabale ako."

"Eh, paano kung maubos agad ang sweldo mo kababale? E 'di walang katapusang bale na lang ang mangyayari sa atin?" Naiinis na talaga ako sa babaeng ito.

"Sasahod naman po sa Martes ang asawa ko. Pagsahod niya may pamasahe na ako papunta rito."

Para matapos na ang usapan, dumukot na ako ng isanglibo sa pitaka ko at iniabot kay Imelda.

"Ayan, para sa buwang ito apat na libo na lang ang balanse namin sa'yo."

"Areglado!" Nagliwanag ang mukha ng loka pagkabigay ko ng pera. "Aalis na ako, babalik na lang ako sa Lunes."

"Sige, mag-iingat ka," ang plastik ko talaga!

Pagkaalis ni Imelda ay ni-lock ko ang pinto at dinala ko sa kuwarto si Baby Gabriel. Magbibihis lang ako at magluluto na ng hapunan tutal naman ay mamaya pa uuwi si Rob.

 Magbibihis lang ako at magluluto na ng hapunan tutal naman ay mamaya pa uuwi si Rob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Two Daddies (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon