Destination 24

1.5K 134 13
                                    

Seven

Napabalikwas ako nang gising nang may yumugyug sa aking natutulog na katawan.

Ang seryosong mukha ni Axon ang bumungad sa akin. Magulo pa ang buhok niya at wala pang damit.

"It's just 3 am," reklamo ko at akmang matutulog ulit nang pigilan niya ako.

"Nilulusob na ang kaharian."

Kanina pa ako pabalik-balik sa loob ng isang bantay-saradung silid. Mula rito ay ramdam ko ang intinsidad ng labanan na nagaganap sa labas.

Ni minsan ay hindi ako kinabahan sa loob ng courtroom kahit na kalaban ko ang mga maimpluwensiyang tao. Ngunit ngayon ay walang humpay ang pagdaloy ng kaba sa aking sestima.

"Will you stop? Nakakahilo yang ginagawa mo," reklamo ni Cleo.

Naririto rin siya ngayon. Pinilit kaming panatilihin dito ng mga lalaking iyon. Hindi naman sa nagrereklamo ako, but this is a war, and everyone must fight, including us.

I hold tight at the sword Axon gave me. This is forged by his blood. I remember giving something like this to Gresha before.

"Wow. Kung makahawak niyan akala mo sinong magaling makipaglaban," panunukso sa akin ni Cleo na nginisihan ko lang.

"Cassiopeia can't fight well, yes. But you haven't meet Seven yet."

"Roar. Scary," she said full of sarcasm.

Napatigil lang kami nang biglang napatayo si Diana. Siya ang bampirang kabiyak ni Ares.

Biglang bumukas ang pinto ng silid at tumambad sa harapan namin ang seryosong mukha ni Clyvin Gresh.

"Follow me," walang emosyon nitong wika at agad na naglakad kaya napasunod na lang kami sa kanya.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit kulay abo ang kanyang buhok. Maging sina Cladrix at Gresha ay hindi rin alam ang dahilan nito. Kung buhay pa sana si Antaneous ay matatanong ko sana siya, sigurado akong may sagot ang isang iyon. He knows a lot of things.

Napatigil kami nang may biglang sumulpot na tatlong nilalang na hindi ko alam kung ano.

"Our enemies can summon demons from underworld. Now, this is something terrifying," Pahayag ni Cleo, at naging alerto sa mga magaganap.

They aimed at us altogether, but before they could come near us, several black boulders pierced through their bodies making them scream in pain.

I instantly looked at Clyvin. He's just standing still in front of us. Not even his finger is moving.

Another set of black rock-like matter pierced their bodies again. They couldn't scream now as they instantly vanished to the pits where they came from.

"Let's be quick. The enemies are doing rampage," pahayag ni Clyvin at mabilis na nagpatiuna.

Just how powerful is he exactly?

Nakarating kami sa underground basement ng kastilyo at sinalubong kami ni Gresha roon. Kasama niya ang kabiyak ni Adam na si Zeraine at isa pang dalagang ngayon ko pa lang nakita.

"Clyde, I'll let you take over." Rinig kong bulong ni Clyvin sa bagong dating na si Clyde.

"Noted," sagot naman ni Clyde at sa isang iglap lang ay nawala na si Clyvin sa silid.

"Saan pupunta si Clyvin?" kinakabahang tanong ni Gresha. Bakas ang pangamba sa kanyang mukha.

"He will go to someone he ought to protect," makahulugang wika ni Clyde kaya napabuntong-hininga na lang si Gresha at tuluyang napaupo.

Destined To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon