Destination 18

1.8K 157 24
                                    

Seven

Agad akong napabangon nang tuluyan na akong magising. Mukhang ang ilang oras na tulog ay hindi pa rin sapat sa bigat dulot ng mga pangyayari kahapon.

I was welcomed by an unfamiliar surrounding. I stayed at a hotel suite. Nang papalapit na kasi ako sa aking unit kagabi ay nakita ko sa aking tablet na naghihintay sa labas ng aking unit si Axon. Mabuti na lang at konektado ito sa cctv camera na ipinakabit ko for security purposes.

And because I still don't have the guts to talk to Axon, this hotel became my refuge.

Siguro tama lang na ipinaalam ko na sa kanya ang katotohanang nanumbalik na ang alaala ko bilang si Cassiopeia. Kung meron mang dapat unang makaalam nito, siya iyon.

"And if I can't live with you for eternity...if that's the kind of love I will offer you...then I don't want to love you anymore."

Napailing ako nang maalala ko ang naging panaginip ko kagabi. It was a memory of us. A memory that's been haunting me until now.

What if I didn't reject him that time? Will things turn differently?

Goodness! Bago pa man makarating sa kung saan ang aking isipan ay minabuti ko nang simulan ang araw na ito.

WHAT THE HELL?!

Halos mapalundag ako sa pagkagulat nang tumambad sa akin ang mukha ni Axon nang marating ko ang dining space ng suite.

How did he get in? When did he get in?

He's the least person I want to talk to right now. And then, here he is, in front me.

"What are you doing here?! This is trespassing," pagrereklamo ko ngunit hindi manlang nagbago ang mukha niya.

He stared at me intently. Then, he heaved a sigh.

"Marcus told me that you're very fond of eating peanuts," komento niya at pinaglaruan pa ang mangkok ng mani na iniwan ko kagabi.

"It's food for the brain," I replied, making him smirk.

"Why does it feel so wrong that other people know you more than I do?" he asked.

Napatingin ako sa kanya ng taimtim. Pain is now written on his face.

"Ask yourself."

Napaarko ang aking kilay. Tinahak ko na ang fridge at kumuha ng maiinom. Pagkatapos ay kumuha ako ng panibagong mani. Yes, I do love peanuts.

Umupo ako sa harapan ni Axon at tinignan siya ng diretso.

"When did you find out who you truly are?" he curiously asked.

"Accidentally, I met Gresha Iris," matapat kong sagot na ikinatango lang niya.

"How about you? When did you find out that this is me?" tanong ko na ikinagulat niya.

I smirked. Kung akala niya makakaligtas siya sa interrogation ni Seven ay nagkakamali siya.

"Did you know it already a long time ago? Iyan ba ang rason kung bakit nilapitan mo ako?"

"No. Nalaman ko lang ito noong nakaraang araw."

"Really? How?"

"I guy told me everything about you. And just what he told me, malapit mo nang madiskubre ang tungkol sa'yo. And that's it, you knew it already."

"Who's that guy?"

"Will you stop interrogating me!?" naiirita niyang sumbat kaya napangisi ako.

"Why? Why would I stop?"

"Because I want to talk about something else, maybe," sagot niya kaya napatango ako at kumain na ng mani.

Destined To BeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang