+ O5O. yeji's

1.1K 44 39
                                    

[ YEJI ]

" yeji! " napalingon ako sa likuran ko nang may tumawag sa pangalan ko at laking gulat ko nang makita si daniel, lumabas ito mula sa kotse nya at nagpunta palapit sa akin.

umatras naman ako nang makalapit na sya, " whoa, grabe ha. wag ka magalala, hindi naman na kita sasaktan, nagbago na 'to. " tinuro nya pa ang sarili nya pagkatapos sabihin 'yun.

" may sasabihin kasi ako sayo, importante, kung okay lang sayo. " nagdalawang-isip pa ako pero sa huli ay sumama rin naman ako sakanya, importante daw e.

" uh, kasi ano-- si ano, argh! basta si yeonjun may ex kasi tapos nung sila pa, palagi nalang pinagmamalupitan ni yeonjun yun. as in, kahit konting kilos lang nung ex nya ay pinapagalitan nya na agad. " may konting gulat akong naramdaman sa sinabi ni daniel, hindi ko kasi inaakala na may ex pala si yeonjun at ganoon nya iyon tratuhin.

pero halatang chismoso 'tong si daniel.

" kaya nga nagulat ako nung nalaman ko na may bago syang girlfriend. alam kong nakialam ako sa relasyon nyo at nanggulo pero sana mapatawad mo ako. yeji, ginawa ko iyon kasi akala ko ganoon parin ang ugali ni yeonjun. gusto ko lang din na malaman mo na anytime, pwede mo akong kausapin kapag may problema kayo ni yeonjun, tagal ko na syang nakilala e. " tumawa sya pagkatapos nyang sabihin iyon.

" promise, hindi na ako yung daniel na nakausap mo noon. ilang months na ang lumipas kaya napagtanto kong mali ang ginawa ko. kumusta pala kayo ni yeonjun? "
tanong pa ni daniel kaya tipid lang akong ngumiti.

" ayos lang naman kami kahit papaano. " napatango-tango si daniel sa sinagot ko saka ngumiti.

" ah sige, pakisabi din pala kay yeonjun na sorry. hindi na ako manggugulo pa sainyo kaya wag ka na magalala, stay strong! "

---

" nasan na si yeonjun? " tanong ko kay huening kai nang makapunta na ako sa lugar na sinend nya sakin, bahay nya pala 'to.

sinabihan ako ni huening kai na maghintay kaya naupo muna ako sa salas nila, sa kwarto daw kasi sila yeonjun nagiinom. habang nakaupo naman ako ay hindi parin mawala sa utak ko ang sinabi kanina ni daniel, hindi ako sigurado kung totoo ba talaga iyon pero kung totoo man ay labis na nakakagulat. kahit kailan naman kasi ay hindi ako pinaghigpitan ni yeonjun sa kahit simpleng bagay.

kaya ba ganito nya nalang ako tratuhin bilang girlfriend? kasi pinaghihigpitan nya ang ex girlfriend nya noon?

napatayo ako nang biglang nawalan ng ilaw, hindi ako gumalaw dahil wala naman akong makita dahil sa sobrang dilim pero mayamaya ay may biglang naglagay ng blindfold sakin kaya- " putangina, sino kang demonyo ka?! " walang hiyang sigaw ko sa kung sinong humila sakin bigla.

hindi ito sumagot o kung ano pero nagpahila nalang ako dahil mahigpit ang hawak ng taong ito sa braso ko, pakiramdam ko nga magkakapasa na ako mamaya e.

bigla nalang nyang binitawan ang braso ko kaya napatigil ako sa pagtakbo. hayop, anong meron? anong nangyayari?!

pakiramdam ko ay may pakulo si huening kai lalo na't sya ang nakausap ko kanina at nasa bahay nila ako pero kung meron man ay para saan?

nang ilang segundo akong naghintay sa hindi ko alam na dahilan ay napagdesisyunan ko nang tanggalin ang blindfold ko. napadami kasing arte! kung sino man may pakana nito, tangina nya. ang lakas ng trip!

saktong pagtanggal ng blindfold ko ay halos mapatalon ako nang sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, " surprise! " nanlaki ang mga mata ko nang nandito ang mga kaibigan ko pati na rin sila beomgyu, taehyun at soobin. akala ko ba mga nagiinom sila? ano 'to?

" tangina nyo! " mura ko sakanila kaya naman napairap ang iba o kaya natawa nalang. hindi ko parin maproseso kung anong trip nila, may mga lobo kasi na nagkalat sa lapag at may mga hawak pa silang mga torotot, hindi naman new year ngayon ah.

tinignan ko ang kabuuang kwarto, ang lawak nito ay may iba't iba pang dekorasyon, hindi ko rin naman birthday ngayon. " sino may pakana nito? pasampal lang, " nakangiti kong sabi pero may diin.

hindi sila sumagot kaya magsasalita na ulit sana ako nang biglang may pamilyar na boses akong narinig, " ako. "

napalingon ako sa likod ko nang makita si yeonjun at nakangiting nakatingin sa akin. hindi agad ako makapagsalita, pakiramdam ko sa iba ay napakadaldal at walang hiya ako pero kapag dating kay yeonjun ay naiistatwa nalang ako.

" akala ko ba lasing ka? " mahina kong tanong habang naiilang na nakatingin sa kanya. syempre, kailangan kong magpakipot ng slight.

napanood ko na ang ganitong eksena sa ibang mga palabas pero hindi ko aakalain na may ganitong klaseng bagay na gagawin si yeonjun, hindi naman kasi sya ganito ka-sweet o ka-romantic na tao. unexpected talaga at isa pa, sa pagkakaalam ko ay cool off kami-- akala ko pa nga ay hahantong sa puntong maghihiwalay kami.

nakatingin lang ang mga kaibigan namin samin mismo ni yeonjun, paunti-unti syang lumalapit sa akin habang nagsasalita pero ewan ko ba, hindi ako nagfo-focus sa sinasabi nya, parang ang gwapo nya lang kasing tingnan lalo na't nakangiti sya. paano ba naman kasi, lagi syang nakasimagot sakin.

" yeji, do you have an idea how i smile like an idiot when i think about you? you make me happy in a way no one else can. "

patuloy lang ang pagngiti ko, hindi ko inaakala na maririnig ko iyon galing mismo kay yeonjun. " may ipagtatapat ako sayo, yeji. tungkol sa past relationship ko-- " pinutol ko kaagad ang sasabihin ni yeonjun.

" shh, alam ko na yan. " hindi sya makapaniwala kaya sinabi kong ikwenento na ni daniel sakin ang tungkol sa paghihigpit nya sa ex girlfriend nya.

" gago talaga 'yung daniel na 'yun, inunahan pa 'ko. " rinig kong bulong ni yeonjun kaya mahina akong natawa.

" wait, hindi ka galit? " tanong sakin ni yeonjun kaya mabilis akong umiling bilang sagot habang nakangiti parin.

lumapit ako sakanya lalo at nginitian parin sya, "yeonjun, lahat tayo may past at lahat tayo ay ginagawa ang makakaya natin para matuto sa pagkakamali na nagawa natin. hindi magbabago ang pagtingin ko sayo dahil sa past mo, tandaan mo yan. "

yinakap ako ni yeonjun at isa yun sa bagay na hindi ko naramdaman sakanya noon. siguro nga kung may mga taong nakakakita samin, hindi nila aakalain na magkasintahan kami kasi kahit holding hands ay hindi namin madalas ginagawa.

" i'm so in love with every little thing about you. "

pagkasabi ko nun ay agad akong hinalikan ni yeonjun, nabigla ako dahil sa ginawa nya pero tumugon din naman ako sa halik na 'yun. sa dalawang taon kasi na magkarelasyon kami, ito ang unang beses na naglapat ang mga labi namin.

" i love you. " mahinang sabi ni yeonjun nang halikan nya ako.

" i love you too. " masayang sabi ko.

" sana all! " napalingon kami parehas ni yeonjun kay lia na bigla nalang sumigaw, nakalimutan ko pala na nandito sila. putek.

nagsimula na nilang batukan si lia dahil panira daw ng moment namin pero natawa nalang kaming dalawa ni yeonjun.

tiningnan ko lang si yeonjun habang natawa dahil sa inaasal ng mga kaibigan namin, hindi man sya perpektong boyfriend para sa mata ng iba pero para sakin ay napakaswerte ko na sakanya.

at nasagot ko na ang katanungan ko, si yeonjun ay boyfriend ko. and i thank him for being the reason why i smile.

END.

BOYFRIEND. yeonjiWhere stories live. Discover now