+ O24. yeonjun's

873 54 11
                                    

[ YEONJUN ]

" ang tagal mo naman. " reklamo ko nang makalabas na si yeji sa kwarto nya, isang oras na akong nakaupo dito sa salas nila at naghihintay.

napatingin ako sa suot nyang damit, naka-crop top at pantalon sya. simula nung sinabi ko sakanya na wala akong pakialam sa suot nya ay mas ginagawa nya pang sexy ang sarili nya sa mga suot nya.

nakita naman ni yeji na nakatingin ako sa suot nya kaya napangiti sya, " ayaw mo ba ng suot ko? papalitan ko, " pinigilan ko sya at sinabing ayos lang. alam ko naman kasi na sinusuot nya lang 'yun para mapansin ko at pagbawalan sya.

wala lang naman talaga sakin kung ano ang suot nya, maganda naman sya kahit anong klaseng damit ang suot nya.

napanguso sya nang hindi ko sya pinagpalit ng damit kaya naman pasikreto akong napangiti, ang cute nya kasi.

" bakit hindi mo ako pagbawalan o pagpalitin ng damit? ang sexy ko oh-- " pinutol ko na ang sinasabi nya kasi magpapatagal lang 'yun at baka mainis na naman sya sakin.

" e kasi ang tagal mong magbihis, " pagpapalusot ko.

minsan, nakikita ko na sobra na nga ang pagpapakita ng katawan ni yeji dahil sa suot nya at gusto kong pagbawalan sya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko, wala naman kasi akong magagawa dahil katawan nya 'yun at sya ang magdedesisyon ng susuotin nya, hindi ako.

" tara na, baka hindi na natin maabutan 'yun. " may movie kasi kaming papanoorin, dapat sa bahay nalang namin papanoorin pero gusto daw ni yeji sa mismong cine.

sumakay kami nun sa bus nang walang nagsasalita sa aming dalawa, kita ko kasi sa mukha nya na parang pagod sya kaya ayoko na syang asarin pa.

pagkaupo namin sa gawing dulo ay agad ko syang tinanong, " bakit ka ba mukhang puyat? " napangiti sya bigla sakin.

" hala, yeonjun ko! concern ka ba sakin? " tinusok nya ang tagiliran ko pero hindi ko sya kinibo, " may binasa kasi akong story kahapon sa cellphone tapos sobrang ganda kaya tinapos ko hehe. "

nagpalasak nalang ako pero nagsalita parin sya, " hindi mo ba ako pagagalitan kasi nagpuyat ako? " nakanguso nyang tanong, halatang inaasahan nya na gagawin ko yun.

" kapag ba nagalit ako sayo ngayon, hindi ka na mukhang puyat? " inirapan ako ni yeji pagkatapos ko yun sabihin kaya natawa ako ng mahina, buti nalang ay hindi nya nakita yun.

naging tahimik kaming dalawa, hindi ko alam kung ano ang topic na paguusapan naming dalawa hanggang sa may naisip nalang ako bigla. may napanood kasi ako sa tv kahapon, magkasintahan sila na nakasakay sa bus at nagshe-share ng earphone.

gagawin ko din ba 'yun ngayon?

kukunin ko na sana ang cellphone ko at earphone pero nakita ko si yeji na nakapikit at nakasandal ang ulo sa bintana ng bus, mukhang hindi nya na napigilan ang pagkaantok nya.

napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha nya, mukha kasi syang inosente kapag tulog pero napakaisip bata naman kapag gising at parang laging gusto ng away.

sinandal ko ang ulo nya sa balikat ko, may sinag din ng araw kaya hinarang ko ang kamay ko sa mata ni yeji para hindi sya masilaw kahit tulog na sya.

ganoon ang naging posisyon hanggang sa biglang tumigil ang bus dahilan para magising si yeji, agad kong binaba ang kamay ko para hindi nya yun makita. nakita ko na papikit-pikit pa sya pero kunwari ay wala akong pakialam.

nanlaki ang mata nya sa hindi ko naman alam na dahilan, para syang nagulat na ewan. " wait, yeonjun! sinandal mo ba ang ulo ko sa balikat mo? ang pagkakatanda ko, nakasandal ako sa bintana ah, " napalunok ako sa sinabi nya.

" hindi ah. bigla nalang bumagsak 'yung ulo mo sa balikat ko, ang bigat nga e! " pagpapalusot ko at aktong minamasahe ang sariling balikat.

napanguso na naman sya dahil sa dissapointment, nang tumingin sya sa bintana ay doon ko na kinuha ang pagkakataon na tignan sya at napangiti na din ako dahil sa ganda nya.

BOYFRIEND. yeonjiWhere stories live. Discover now