+ O45. yeji's

835 37 23
                                    

[ YEJI ]

" bwisit, sa kinadami-daming tao, itong putek na 'to pa ang nakita ko. " bulong ko pero narinig yata 'yun ni chaeryeong dahil malapit sya sakin.

" ha? " tanong nya sakin.

" hakdog. " sumimangot ang mukha ni chaeryeong nang namilosopo ako at bumalik ulit sya sa pagce-cellphone.

mayamaya pa ay dumating na si lia pati na rin ang mga alak na iinumin namin ngayon, syempre ako ininom ko kung ano binibigay sakin kasi sayang naman kung tatanggihan ko pa. hindi naman talaga ako pala-inom ng alak pero pake nyo ba.

imbes din na uminom ako ng alak ay mas busy pa ako sa pagtatakip ng mukha dahil nakita ko si daniel sa hindi kalayuan habang nainom ng alak kasama ang mga kaibigan nya.

hindi nagtagal ay nalasing na si chaeryeong, ako naman ay nakaramdam na ng tama ng alak kaya hindi na ako uminom ka ulit. tumayo si lia para alalayan si chaeryeong na nasusuka na daw kaya sabay silang nagpunta sa cr nang hindi man lang nagpaalam sakin.

pumikit nalang ako at sinandal ang sarili ko para ipahinga ang katawanan ko nang naramdaman ko ba may umupo sa tabi ko.

" tired? " napabalikwas ako nang makita ko si daniel na nasa tabi ko na. hindi ako makapaniwala na may igwa-gwapo pa pala sya sa malapitan pero isinantabi ko 'yun dahil alam ko kung gaano sya kabastos.

hindi ba sya nahihiya na tinabihan nya pa talaga ang babaeng inalok nyang ikama? tangina.

" shoo- " gusto ko na sana syang ipagtabuyan pero nagsalita sya bigla.

sumeryoso ang mukha nya, " hindi mo ba alam na may muntik nang magpakamatay dahil sa boyfriend mo? "

kumunot ang noo ko, walang ideya sa pinagsasasabi nya. si yeonjun ba ang tinutukoy nya? malamang kasi wala naman na akong ibang boyfriend.

" sure ka ba na hindi ka nasasakal kay yeonjun? " kita ko ang pagtataka sa mukha nya pero ako ang mas nagtataka dito sa mga sinasabi nya.

" hindi mo ba kilala ang ex nya? " mas lalo akong nagtaka sa tinanong nya na iyon. wala naman kasi kaming napagusapan ni yeonjun tungkol sa mga ex namin, kasi wala naman na kaming pakialam doon.

hindi ko parin maiproseso lahat ng tinanong nya sakin kaya magsasalita na sana ako nang manlaki ang mata ko sa sumulpot na lalaki sa gilid, maging si daniel ay nagulat din.

" bro, nandito ka pala! bakit hindi mo sabihin kay yeji- " natumba si daniel mula sa kinauupuan nya nang suntukin sya ni yeonjun.

gulat akong napatayo pero agad akong hinila yeonjun palabas ng bar. wala namang pakialam ang mga tao sa paligid namin dahil may mga sariling mundo sila at sobrang lakas din ng tugtog.

nang makalabas kami ng bar ay agad na binitawan ni yeonjun ang kamay ko, walang nagsalita sa amin at nagtitigan lang kami.

" ang pogi mo pala, " pagbasag ko ng katahimikan. siguro nga ay lasing na ako.

hindi parin nagsalita si yeonjun kaya ako na ulit ang nagsalita, " boyfriend ba talaga kita? " tanong na matagal ko nang sinisekreto lang, tanong na gusto kong sabibin sakanya noon pa.

mayamaya, hindi ko na mapigilan ang pagbagsak ng luha ko kahit hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. ngayon lang kami naging ganito ni yeonjun sa tagal ng relasyon namin.

" i love you. " pinunasan ni yeonjun ang luha na nasa pisngi ko nang matapos nyang sabihin 'yun.

BOYFRIEND. yeonjiWhere stories live. Discover now