+ O14. yeji's

946 59 50
                                    

[ YEJI ]

" tangina, " pagkakabasa ko sa bibig ni yeonjun. nagpa-practice sila ngayon ng basketball sa court ng school, may laban daw kasi sila next month.

yung basketball, sobrang tagal pa pero pinaghahandaan na nya pero ako nandito lang, hindi man lang pinapansin.

kanina pa nabulong si yeonjun dahil natatalo na sila ng team nya, ganyan yan kapag natatalo na e, nagmumura na kahit pabulong lang at ito ako ngayon, walang ganang nanonood sakanila kasi hello? dalawang oras na akong nakaupo dito habang pinapanood lang silang matalo.

practice lang naman pero napakaseryoso nya, sana nga sakin seryoso din sya.

tumayo ako agad mula sa kinauupuan ko at ramdam ko ang sakit ng pwet ko pero tiinis ko lang yun kasi kasalanan ko rin naman na kanina pa ako nakaupo at walang ginagawa kaya nanakit na ang pwet ko ngayon.

hinanda ko ang malupitang lalamunan ko saka sumigaw ng sobrang lakas, " GO YEONJUN MY LOVES! " agad nagtinginan ang mga tao sakin pero pakialam ko sakanila, pangit naman nila.

agad napataas ng kilay si yeonjun kaya sumigaw ulit ako, " pag nanalo kayo, may kiss ka sakin! " sabi ko kaya napatawa sya.

akala ko tumawa sya dahil sa sinabi ko, tumawa naman pala ang gago dahil pumiyok ako. hayop.

naupo na ako ulit at tumingin sa paligid ko, tinatawanan din ako ng ibang tao kaya naman inirapan ko sila. lakas tumawa, akala mo naman close kami. ew.

natapos ang laro at tulad ng inaasahan ng ibang tao ay talo ang team ni yeonjun, alam ko naman 'yun. akala ko ay mananalo sila kapag sinabi kong kiss ang premyo, ayaw nya yata. kainis!

nang matapos ang laro ay agad akong umalis sa pwesto ko at lumapit sa kanila, may balak akong gawin kaya linawakan ko ang ngiti ko.

" pagod ka ba? " nagaalala kong tanong habang naglalakad papunta sa direksyon ng team ni yeonjun.

buong akala nila ay si yeonjun nga ang tinatanong ko pero nagkakamali sila dahil nang tuluyan na akong lumalapit sa pwesto ni yeonjun ay bigla akong lumiko para mapuntahan si soobin, na gulat na gulat sa ginawa ko.

BOYFRIEND. yeonjiWhere stories live. Discover now