+ O15. yeji's

888 55 71
                                    

[ YEJI ]

patuloy parin ang pagpupunas ko ng pawis sa noo ni soobin gamit ang dala kong bimpo na para talaga kay yeonjun.

balak kong pagselosin ang boyfriend ko. teka-- boyfriend ko ba talaga?

nakita kong naiilang si soobin at may gustong sabihin pero pinandilatan ko sya ng mata, " manahimik ka muna. " nakangiti kong utos kay soobin kaya natigilan na naman sya.

" oy pre, girlfriend mo yun diba? ba't si soobin ang inaasikaso? malabo na ba mata nun? " tanong ni beomgyu kay yeonjun.

nagkibit balikat lang si yeonjun at uminom ng tubig. aba, hayop! parang walang nararamdaman ang mokong na kahit ano, minsan para na syang robot o ayaw nya lang talaga sakin?

tumingin ako ulit kay soobin na namumula na ang mukha, hindi siguro sya sanay na may babaeng gumagawa nito sakanya, haha!

" grabe, soobin! wag ka magpagod masyado sa laro, tingnan mo oh, pawis na pawis ka na tuloy. " sabi ko kay soobin at umaktong nagaalala, nilakasan ko pa ang boses ko para naman marinig ng putanginang boyfriend ko.

nakita ko naman ang mukha ni soobin na nandidiri sa sinabi ko, tss. nandidiri din ako e.

nang matapos kong punasan ang pawis ni soobin sa noo ay pinuntahan ko agad si yeonjun na nakaupo na pala sa pwesto ko kanina. hindi man lang ba sya nagselos o ano? bwiset.

" ang gwapo ni soobin, no? " tanong ko agad nang makaupo sa tabi ni yeonjun, ngumiti pa ako at inoobserbahan sya pero wala akong nakikitang kung anong bakas ng selos sa mukha nya.

pinagpatuloy ko parin, " ang galing nya din maglaro. sa totoo lang, type ko talaga yung mga katulad nya dati e. " tumango lang si yeonjun sa sinabi ko.

" feeling ko nga crush ko parin sya hanggang ngayon e, " kinikilig na sabi ko kay yeonjun.

" edi dapat sya ginawa mong boyfriend. " napalingon ako kay yeonjun nang magsalita sya at nakitang nakatayo na pala sya at paalis na.

hala! nagwalk out ba sya? gumagana ba yung plano ko?

agad akong sumunod kay yeonjun kahit na sobrang bilis pa nyang maglakad. hindi ko na namalayan na na dare-darecho na pala ako sa locker ng mga lalaki.

" hoy! nagseselos ka ba? " tanong ko agad kay yeonjun, gusto ko nang malaman talaga agad, ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.

tumingin sya sakin at kita ko sa mukha nya ang pagtataka, " ako? magseselos? kanino? " sunod sunod nyang tanong.

wow. so, wala talaga syang nararamdaman na selos o galit man lang? wow. wow talaga.

magsasalita pa sana ako nang mapansin ko na wala palang pangitaas si yeonjun. napatulala ako doon ng sobrang tagal dahil na rin sa gulat at ngayon ko lang din nakita si yeonjun na shirtless.

" lumabas ka nga dito, " rinig kong pagtataboy sakin ni yeonjun pero hindi ko sya pinansin at sa halip tinitignan parin sya.

may ulam na, kanin nalang ang kulang. shet!

" dun ka, shoo! " agad na hinawakan ni yeonjun ang balikat ko at pilit pinapalabas pero di ko parin alam kung anong ginagawa ko.

pinipilit ko si yeonjun na hwag nya akong paalisin at gusto ko muna dito pero pinipilit din nya ako na umalis. hanggang sa nasa pinto na kami at pagbukas ni yeonjun nun ay bumungan samin ang team ni yeonjun kasama sila lia.

" akala ko ba may kiss lang kapag nanalo kami? angas naman, kahit natalo may reward parin. " pangaasar ni taehyun samin ni yeonjun na gulat na gulat sakanila.

bigla silang nagpalakpakan lahat hanggang sa narinig kong nagmura pabulong si yeonjun, " tangina. "

BOYFRIEND. yeonjiOnde histórias criam vida. Descubra agora