I grew up always being told by my father on what I should do, on how I behave, on what I would be. It's like my whole life has its purpose already and everything is set right from the very beginning. That when I grow older, I should take the path that they made for me, that they wanted for me. But despite his control and authority over me, I find myself having and always listening to my rebellious heart.
Natigilan ang matandang plorista nang iabot niya ang binili kong bulaklak. Nagpakurap-kurap ang mga mata niya. Wari'y tinitingnan akong mabuti at kinikilala.
"Taga-rito ka ba dati, hija?" The old flower vendor asked me.
"Hindi ho, manong." Umismid ako sa kaniya.
Tumagal pa ng ilang sandali ang titig niya bago tuluyang pakawalan ang naglalaro sa kaniyang isip. Umiling-iling muna siya bago niya iniabot sa akin ang isang maliit na basket ng chrysanthemum at calla lilies. Maagap akong nagbayad at habang binibilang niya ang pera ay muli siyang nagsalita.
"Namumukhaan lang kasi kita sa anak ng mayor namin noon. Ganiyan kasi halos ang itsura. Napakagandang bata."
"Ganu'n po ba? Suwerte ko naman po, manong." Tipid na ngiti ko.
I shouldn't be staying here longer than I should be. Hindi rin dapat ako nakikipag-usap sa mga taga-rito dahil pag nagkataon ay mawawala ang saysay ng lahat pag mayroong nakakilala sa akin.
I chose to play a little while. Matanda na ang kausap ko. Hindi niya na maaalala itong naging pag-uusap namin. Bukas, o sa mga susunod na araw, makakalimutan niya rin siguro ako.
Natawa ito at nag-iling ng ulo. "Naku, huwag mo nang naisin, hija. Kung alam mo lang ang ugali ng batang iyon. Siya ang nagpapatunay na wala sa labas na anyo ang kabutihan ng tao. Kung ano ang ganda ng kaniyang itsura ay iyon namang pangit ng pakikitungo sa aming mga mahihirap. Napakataas ng tingin sa sarili ng batang iyon. Marahil nga kung naging babae lang iyong anak ni mayor ay parang prinsesa pa siguro. Mga angkan kasi nila ang matagal nang namumuno rito sa San Bartolome."
Tumuon ito sa mga natitira niyang paninda ng bulaklak. Umangat ang magkabilang sulok ng labi niya at lalong nangulubot ang pisngi nang malungkot itong ngumiti.
"Nakakapagtaka nga ang batang iyon samantalang napakabait samin ng mga Fuego."
Pumalibot ang katahimikan sa amin nang hindi ako sumagot. Nanglamlam ang mga mata ko habang tinititigan ang matandang uugod-ugod na ayusin ang kaniyang mga bulaklak. Mahaba ang sinabi niya pero iyong huling binigkas niya lang ang pinakananuot sa isip ko. Unang beses ko na lang yata ulit na narinig ang apilyidong iyon dahil malugod na pinagbabawal ni daddy na banggitin namin iyon. Hearing it again for the very first time felt both foreign and familiar.
Fuego.
Marami nang taon ang lumipas mula nang lumayas ako sa San Bartolome. I was that rebellious seventeen-year-old teenager who was having a poor relationship with her father.
Totoo ang impresiyon ng karamihan na masama ang ugali ko. Parati kong binibigyan ng sakit sa ulo ang tatay ko, pero ang hindi alam ng karamihan ay ginagawa ko madalas iyon para mapansin ng mayor nila, ng tatay ko.
Maayos naman ang lahat. Buong akala ko ay magiging okay na kaming mag-ama pero nag-iba ang takbo ng mundo ko nang dumating sa buhay namin ang ampon niya.
I still remember the very first time I met him. Mula nung una siyang tumapak sa pamamahay namin matapos magdesisyon ng tatay ko na mag-ampon ng isa pang anak dahil pagod na siya sa akin. At sa unang beses ng buong buhay ko ay wala pa akong kinamuhiang tao sa unang tingin lang. Siya pa lang. Siya lang.
I hate everything about that boy. Ang mayabang niyang ngisi, ang mga mala-uling niyang mata, at ang tindig ng katawan niya na para bang lagi siyang naghahamon ng away.
I hate him very much, so much that I could almost feel it to the bones. But no matter how intense that hate I am giving to that boy, my father would always reward him oppositely and love him dearly, like his own son.
Sumikip ang dibdib ko at kasunod nito ay ang pagbalik ng mga alaala ko sa bayang ito. Hindi ko man gustuhin pero kasabay ring nagbalikan sa isip ko ang isang imahe ng binata na minsan kong minahal, na minsang pinangako ang mundo sa akin, na sa huli ay kukunin rin niya pala mismo sa akin ang pangakong iyon. Pumikit ako. I recalled an incident from five years ago where I was in a narrow alley with a gun pointed at my back. He had me almost killed. The familiar surge of anger returned as I opened my eyes.
Traydor ka, Gino.
"Mauuna na ho ako, manong. Maraming salamat sa mga bulaklak." Paalam ko.
"Sige, hija. Sa uulitin. Ngunit mamasamain mo ba kung tanungin ko sa iyo kung sino ang dadalawin mo sa sementeryo? Hindi ba't parang ang aga mo naman sa araw ng mga patay?"
I forced a small smile. "Isang mahalagang tao po."
Umihip ang malambing na hangin habang naglalakad ako sa sementeryo. Humalik ito sa aking pisngi bago nito marahang pinaglaruan ang maalon kong buhok. Huminga ako ng malalim, hinuhupa ang masidhing pagtatambol ng dibdib ko, habang papalapit ako ng papalapit sa puntod ng minsan nilang nirerespetong mamumuno.
Nothing much has changed in this wide and quiet cemetery. The silence still brought peace to my being like it used to be everytime my father & I visit the grave of my late mother. Hindi pa ako ganap na babae noong huli akong dumalaw rito. Wala ring katabing nitso noon kung saan nakasulat na ang pangalan ng tatay ko ngayon. Malungkot akong ngumiti at hinawi ang mga tuyong dahon na nagtatakip sa mga pangalan nila.
"I'm back, Papa." bulong ko sa lapida.
Sumipol ulit ang banayad na hangin. Marahan kong inipit ang ilang hibla ng maalon kong buhok sa gilid ng aking tainga, at sa paglakbay ng mga mata ko sa sementeryo kung saan patungo ang ihip ng hangin, nakita ko ang isang tarpaulin na naglalaman ng pamilyar na mukha at pangalan ng minsang morenong binata.
Deepest Condolences.
From,
Mayor Joaquin Iago "Maginoo" Fuego.
Rebel Heart
(The Politician's Child & The Rebel)
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
