PORTAL 13

325 25 12
                                    

********

PORTAL 13

********

                Araw na kung saan lilitisin na ako.

                “Order in the court,” sabay pukpok pa ng noong judge sa kanyang hawak-hawak na kahoy na pamukpok. Di ko kasi alam ang tawag doon, lagi ko lang napapanood yung sa mga tv at movie pero hindi ko talaga alam ang tawag doon. Deliberation na. ibig sabihin sasabihin na kung may kasalanan ba talaga ako o wala. Kanina pa ako kinakabahan, pagkalabas palang ng kwarto ko, at ngayon na narito na ako sa lugar na ito di parin mawala-wala yung kaba sa dibdib ko.

                Sinabe na nga nila ang desisyon. At ang desisyon ay… wala akong kasalanan. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero sinabe ni Tito Samuel na malakas raw ang ebidensya na ang may kasalanan sa pagkamatay ng mga Monteverde ay ang kinakasama nitong si Elizabeth Trias. Ano ang dahilan niya upang paslangin ang buong pamilya ng mayor ng kanilang lugar? Walang iba kundi ang yaman na siyang makukuha nito sa pamilyang ito. Tama na ang mga nakuha nilang ebidensya. Sabi ni Mrs. Trias na lalaban raw siya di raw siya papayag na makulong, ewan ko pero parang nakakaramdam ako ng takot sa bawat mga salitang binibitawan niya. Inalalayan ako ni Tito Samuel palabas ng korte, pero paglabas namin. Doon naman nagsisuguran ang mga kamera man at mga news reporter upang tanungin ako kung anong nangyari sa loob korte. Ngunit sinabe sa akin ni Tito Samuel na mas mabuti pang itikom ko nalang raw ang aking bibig.

                Matiwasay naman kaming nakarating sa bahay. Siyempre naghanda na si Lola Percing noong pagdating namin. Ang sarap sa pakiramdam, para akong nakalaya na hindi naman dapat.

                “Oh? Sa lahat ba naman ng mga nagse-celebrate ikaw itong mukhang di Masaya?” bungad pa ni Lola Percing, saka nito ginulo ang buhok ko.

                “Pasensya na po.  Hindi pa kasi pumapasok sa isip ko yung mga nangyayari,” walang ganang sagot ko. Hinila ako ni Lola Percing sa may hapag at saka ako nito pinaupo.

                “Siguro gutom ka lang, hala kumain ka na riyan. Kayo, kumain narin tayo. Sabay-sabay na tayong magtanghalian.” Masayang yaya pa ni Lola Percing sa aming lahat. Masaya naming pinagsaluhan yung hapunan na iyon, at nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga iba’t ibang bagay at napasok na nga rito kung may iniibig raw ba ako sa kasalukuyan.

                “May kasintahan ka na ba hijo sa kasalukuyan?” tanong ni malisyosyang matandang ito sa akin. Napangisi nalang ako at napatingin kay Ivy na busy sa pagkain ng cake.

                “Wala pa ho,” balik kong tingin kay Lola Percing.

                “Ako ba’y binibiro mo? Sa gwapo mong iyan wala ka pang kasintahan sa kasalukuyan?” sabay tawa ng malakas ni Lola Percing at tumawa narin sila Tito at Tita.

                “Wala pa po talaga,” sagot ko sa kanila. Nagulat sila.

                “Talaga?” paninigurado ni Tita Esme. Tumango ako bilang sagot.

PORTALWhere stories live. Discover now