PORTAL 21

244 21 8
                                    

********

PORTAL 21

********

                Saan ako pupunta? Nasa labas na ako ng bahay at kakahakbang palang ng paa ko sa kalsada. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko, sa paglalakad kong ito. Bahala na! ito nalang ang sinabi ko sa sarili ko. Hindi na muli ako lumingon sa aking likuran dahil baka kung ano nalang ang maisipan ko’t bumalik pa ako sa bahay na iyon. Kailangan kong gawin ito, dahil alam ko na ito ang nararapat. Ako na mismo ang dapat gumawa ng paraan upang makabalik ako sa mundo na kung saan ako nararapat. Sa isang park ako nagpahinga’t nag-pa umaga, at noong muli nang sumikat ang araw ay naglakad muli ako. Ang mga bitbit kong mga pagkain at tubig na siyang kinuha ko sa bahay nila Ivy ay nasa aking bag na sobrang laki. Isa-isa na akong nagtanong kung may mga kilalang mang-gagamot o manghuhula ang mga tao sa baranggay na ito. Ngunit kapag pinuntahan ko naman sila ay nanghihingi kaagad sila ng pera na kung saan ay wala naman ako. Pinaalis nalang nila ako, inabot na ako ng ilang araw sa paglalakad at paghahanap ng taong siyang makakatulong sa akin hanggang sa dalhin ako ng aking pagnanais na makabalik sa amin sa isang bayan rito sa may quezon. Oo nakarating na ako ng quezon ng hindi ko inaakala.

                “Tao po…” katok ko sa isang lumang bahay sa isang liblib na lugar rito sa quezon province. Ngunit sa pagkatok ko ay walang sumasagot. May mga taong dumaraan at panay ang tingin sa akin ng masama. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang sila makatingin sa akin ng minutong iyon. Noong muli akong humarap sa pintuan ay laking gulat ko noong may taon na pala sa harapan ko. Isang nakayukong matandang babae ang nasa aking harapan. Siguro ay nakuba na ito dahil sa katandaan. Medyo natakot ako dahil sa aking anyo nito, ngunit tinatagan ko ang sarili ko.

                “Kayo ho ba si Manag Persidad?” tanong ko habang pinagmamasdan ko siya nang bigla nalang niya akong hinila papasok sa loob ng kanyang tahanan at pinaupo sa isang kahoy na upuan. Umalis siya sa harapan ko’t maya-maya ay bumalik rin ito at may bitbit na itong isang bagong tubig.

                “Uminom ka muna hijo,” sabi pa nito sabay abot ng baso na yari sa kahoy rin.

                “Salamat ho,” sagot ko. Halos isang araw na rin kasi akong hindi umiinom ng tubig at tuyong-tuyo na ang laway ko at nahihirapan narin akong magsalita ng maayos kasi parang iniipon ko yung natitira pang laway sa katawan ko.

                “Walang ano man,” sagot nito saka hinila ang isang upuan at umupo ito sa harapan ko.

                “Ah, nga ho pala. Kaya po ako narito ay dahil…”

                “Alam ko.” Sagot pa nito kaagad. Nakunot ako ng noo, marahil ay narinig na niya ang balita na may isang taong naghahanap sa kanya. O di kaya sa dami ng mga taong naghahanap sa kanya araw-araw ay ang lahat ng mga tao ay alam niyang kailangan siya nito o may kailangan sa kanya.

                “Alam ko,” pag-ulit pa nito sa kanyang sinabi kanina.

                “Narito ka dahil gusto mong makabalik sa mundo mo, Hijo. Mahirap ang gusto mo, pero may alam akong paraan.”

                “Talaga ho?” pasigaw kong sagot.

                “Hinaan mo lang ang boses mo, wala ka sa maynila.” Sagot pa nito.

                “Paumanhin po Lola,”

                “Persing nalang,”

                “Lola Persing,” sagot ko sabay ngiti.

                “Yung mga taong nakatitig ng masama sa iyo kanina? Sa totoo lang, hindi sila mga tao.” Muling kumunot ang noo ko sa narinig ko.

                “Ah? Di sila mga tao? Paano yun?”

                “Mga aswang sila hijo,” so ibig sabihin. Totoo pala talaga ang mga tsismis na totoo silang mga nilalang? Papaano?

                “Mahirap ipaliwanag pero hindi naman yun ang pakay mo rito, iwasan mo nalang sila. Ngayon, dito ka muna sa loob ng bahay ko, hindi ka magagalaw ng kung sino mang mga masasamang loob dahil sagrado ang aking tahanan.” Nakangiti na si Lola Persing ng minutong iyon.

                “Ano ho bang gagawin nila sa akin kung…”

                “Papatayin ka nila. Kakainin ka nila, ang laman mo. Ang dugo mo,” pananakot pa ng matanda sa akin.

                “Nakakatakot naman ho,”

                “Sa akin ba hindi ka natatakot?” tanong nito.

                “Hindi po,” sagot ko ng matuwid.

                “Bakit hindi ka natatakot?”

                “Kasi kung may gusto po kayong gawing masama sa akin, kanina niyo pa ho ginawa. At sana hindi niyo na ako tinulungan at pinapasok pa sa loob ng bahay niyo upang itago sa mga aswang na iyon.” Hindi nakasagot ang matanda. Maya-maya ay umalis ito at muling bumalik na may bitbit nang isang malaking libro.

                “Ano ho yan?” tanong ko.

                “Isa itong itim na libro na naglalaman ng itim na majika.” Sagot niya sa akin. Black magic? Ibig bang sabihin e isa rin siyang mangkukulam?

                “Mangkukulam ho ba kayo?” ngumisi si Lola Persing at saka tumingin ito sa akin.

                “Di ba halata?” saka siya tumawa gayang mga naririnig kong tawa ng mangkukulam sa mga telebisyon at movies.

                “Halata nga po,” medyo nakaramdam na ako ng takot lumapit ako sa kanya at nagsabi ako kung pwede ko bang silipin yung nilalaman ng itim na librong sinasabi niya. Pumayag naman siya ngunit wala naman akong makita sa librong iyon na nakasulat.

                “Wala naman pong nakasulat,” napakamot ako sa ulo ko kung ano nga ba ang binabasa ng matanda rito.

                “Mayroon,” sagot niya.

                “Wala naman po akong nakikita.”

                “Hindi mo talaga yan makikita,” saka siya muling ngumisi. Ang weird talaga niya, saka niya sinarado ang libro.

                “Magpahinga ka na muna at bukas na natin sisimulan ang iyong nais. Medyo napagod ako ngayon araw dahil sa mga ginawa ko at pag-aaralan ko pa itong bagay na ito. Gaya ng sabi ko medyo mahirap itong gagawin ko,” sabi niya. Tumango naman ako at saka tinuro niya kung saan ang magiging kwarto ko, na siyang tutuluyan kong nang hapon na iyon. Gigisingin nalang niya raw ako kung nakahanda na ang pagkain at sabay na raw kaming kakain ng hapunan.

                Isang malakas na yugyug ang gumising sa akin ng gabing iyon. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko na nakalambitin na pala ako patiwarik sa isang puno na nagsisitulo ang mga dugo sa ibaba at may mga parang hayop ang nakaabang sa dugong tumutulo sa akin ng minutong iyon. At sobrang takot na takot na ako na hindi ko maintindihan hanggang sa putulin na nila ang pisi na nakatali sa paa ko’t mahulog ako doon sa mga taong hayup na nakaabang sa aking sa ibaba at…

PORTALWhere stories live. Discover now