PROLOGUE

2.4K 68 3
                                    

********

PROLOGUE

********

            Busy kami ng mga kaibigan ko sa paglalaro ng dota ng hapon na iyon. Nang biglang may bumatok sa ulo ko, napasinghap ako at napalingon sa kanya. “What the…” bulyaw ko pa noong makita ko kung sino ang bumatok sa akin. It was shane, ang crush ko.

            “Ano pare? Diba sabi ko sa iyo dadalhin ko si Shane ngayon? pangako ko yun diba? Birthday ko gift ko nga pala, ang bestfriend ko.” Sabi pa ng taong siyang bumatok talaga sa akin. Si Makoy. Bestfriend niya si Shane, kalilipat lang nito sa unibersidad na pinapasukan naming magbabarkada. Simula noong elemtary nangako na kami sa isa’t-isa na ano mang mangyari, dapat nasa iisang paaralan lang kami. Mag-aaral sana si Makoy nitong taon sa Canada, dahil gusto na siyang makasama ng Mommy niya, pero ayaw ni Makoy. Sinabe nito sa mommy niya na kung di siya uuwi ng pinas, di rin daw siya papayag na doon mag-aral. Kaya ang nanalo ay si Makoy.

            “Hoy matunaw!” sabay batok naman sa akin ni Drew. Binigyan ko siya ng masamang tingin. Gago ka talaga Drew, sabi ko sa isip ko.

            “Hi, uhm… Happy birthday.” Inilahad ni Shane ang kamay niya sa akin. Ewan ko, pero kakaiba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko siya. Tumitibok ng mabilis yung puso ko, tapos hindi ako makahinga, at parang nauuhaw ako lalo na kapag nakatingin siya sa akin. Ano pa kaya ngayon na halos nasa harapan ko na siya at mahahawakan ko na sa unang pagkakataon ang kamay ng bestfriend ng bestfriend ko.

            “Uy, mangangalay ang kamay niyang pare,” sabat naman ni Timothy.

            “Ako na nga lang, Hi kilala mo na ako diba? Ako si Hanson.” Mayabang na pagpapakilala ni Hans kay Shane. Ganyan sila sa akin, kasi alam nilang mahiyain ako. Matagal bago ko nga nasabi sa mga kaibigan ko na crush ko si Shane.

            “Boni, ano na?” ata na sabi ni Makoy.

            “Sorry Bess ah. Mahiyain talaga itong bunsoy namin eh.” Pag-hingi pa ng tawad ni Makoy sa bestfriend niyang si Shane. Nahiya tuloy ako ng husto. Oo bunso kung ituring ako ng barkada. Kaka-desiotso ko lang ngayon, at itong mga kaibigan ko ay mga bente anyos at mga bente uno na. simula mga bata bulakbol na talaga sila, ewan ko nga kung bakit kami naging magkakaibigan gayong sobrang pasaway ng mga ito.

            “That’s okay, uhm by the way invited ba ako sa birthday mo later?” sabay tingin kay Makoy.

            “Holy shit, ang ganda talaga niya.” Rinig kong sabi ni Timothy.

            “Ehem, back off my friend. Kay bunsoy na yan.”suway naman nitong si Hanson kay Tim.

            “Oo naman…” nauutal na sagot ko sa kanya. Ginulo-gulo ng mga barkada ko ang buhok ko noong sa wakas ay sumagot na ako sa kanya. Nakangiting nilisan ni Shane ang computer shop, at napuno ng pang-aasar at hiyawan ang computer shop nila Timothy.

********

            “Happy birthday Anak. Kahit na dise-otso ka na di ka parin pwedeng magkaroon ng kasintahan ah!” bilin ni Mommy sa akin. Yan ang lagi niyang pinapaalala sa akin, na may tamang panahon para umibig. Sa panahon ngayon 2014 napaka-luma at napaka-weird para sa iba ang ganitong mga pangyayari, pero sa akin? Wala naman mangyayari kung susundin mo ang mga magulang mo. Dahil wala naman silang sinasabe na ikakasama mo.

            “Ma, college na ako hindi ho ba pwede?” piningot ni Mommy ang tenga ko. At sa sobrang sakit ay kaagad na namula ito.

            “Wala akong pakielam kung nasa college ka na. kapag nakatapos ka na ng college pwede na, pero ngayon. Priority mo muna ang mag-aral, okay? Alam mo naman na wala na ang Daddy mo, ikaw at ang mga Kuya mo nalang ang inaasahan ko rito sa bahay. Anak, gaya ng sinabe ko may tamang panahon para umibig, bakit ba kasi atat na atat kang magkaroong ng girlfriend?” tanong niya sa akin. Namula ako sa tanong na iyon ni Mommy. Pagdating sa mga ganitong usapan kahit sobrang close naming dalawa ay nahihiya parin akong mag-open sa kanya pagdating sa mga babaeng nagugustuhan ko.

PORTALWhere stories live. Discover now