PORTAL 23

193 17 3
                                    

********

PORTAL 23

********

"Oh? Saan ka ba nanggaling?" tanong sa akin ni Hanson. May kasamang pagtataka ang kanyang mga mata ng mga minutong iyon.

                "Ilang buwan na ba ako nawawala?" tanong ko naman sa kanya. Base kasi sa pagkaka-tanda ko ay halos limang buwan din akong namalagi sa bahay nila Ivy.

                "Anong ilang buwan? Tange! Isang araw ka lang nawala, at grabe na ang pag-aalalas a iyo ni Tita, saan ka ba kasi malagi?"

                "Hindi ko alam e," sagot ko sa kanya saka ko iniling ang ulo ko. Sinamahan ako ni Hanson sa lugar na kung saan nila dinala si Mama. Nasa hospital raw kasi ito, at pagpunta ko nga doon ay isang malakas na pingot kaagad ang inabot ko sa kanya ng minutong iyon. Ang dami-rami niyang tinanong sa akin kung saan raw ako namalagi, at halos maalarma na raw silang lahat, maski si Shane ay pinagtanungan na nila kung kasama ko raw. Nakakahiya tuloy kay Shane, maski ang kuya ko sa ibang bansa ay nag-aalala na rin sa akin. Kasama ngayon ni Mommy ay ang buong barkada. Si Andrew, Hanson, Timothy, at maski si Makoy. Nilapitan ko si Makoy hinila ko siya at dinala sa lugar na kung saan walang makakarinig sa aming dalawa.

                "Ano ba yang importante mong sasabihin ah? At saan ka nga ba talaga nagtago? Pare, sobrang nag-aalala sa iyo si Shane." Giit pa nito sa akin.

                "Tsk. Sorry na. pero kasi hays..." paano ko nga ba ito maipapaliwanag sa kanya. Alam kong pagtatawanan niya langa ko o iisipan na parang nababaliw na ako pero yun naman kasi talaga ang nangyari. Hanggang sa naisip ko, kung sasabihin ko bas sa kanya ay may babago pa ba? Wala naman diba?

                "Ano?" inaantay pala niya ang sasabihin ko sa kanya.

                "Wala. Salamat sa pagbabantay kay mama. Pasensya na umalis lang ako, kasi hinahanap ko lang ang sarili ko, at sa tingin ko nakita ko na ang sarili ko. Alam ko na ang mga dapat na gawin ko."

                "Tsk. Wag mong sabihin na nang-chiks ka lang ah?" sabay batok pa nito sa akin. Ang sarap sabihin sa kanya na oo may chicks talaga akong nakilala. At nahulog ang loob ko sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay bumalik na kami sa ospital. Sabi ng doctor ay pwede na raw i-discharge si Mommmy. Kaya inilabas na namin 'to sa hospital.

                Kinagabihinan. Ay di parin ako makatulog. Kanina ko pa hinahanap ang librong 'yon ngunit hindi ko talaga makita.

"Mommy nakita mo ba yung librong mukhang luma, na basta parang ganito yung itsura," iminuwestra ko pa sa kanya yung itsura ng librong hinahanap ko. Ngunit ang sabi niya ay di raw niya nakita ito, at wala raw siyang nakikitang libro ko na ganun ang itsura. Nawalan na ako ng pag-asa kasi mukhang di ko na talaga makikita ang librong iyon. Ang portal na iyon.

                Nakatanggap ako ng isang mensahe galing sa isang taong di ko inaasahan na magte-text sa akin.

                "Kumusta ka na Ebong?" text na galing mismo kay Shane. Kaagad ko siyang nireplayan.

                "Okay naman ako, bakit mo naman na-itanong?" reply ko sa kanya, maya-maya pa ay tumunog ang phone ko at sinagot ko ang tumatawag sa akin. At si shane ito.

                "Pwede ba tayong magkita?"tanong niya sa akin. Pumayag ako, doon sa may park raw kami magkikitang dalawa. Nagbihis ako at nag-ayos ng maayos yung mukhang presentable sa kanya at mabango. Nakakahiya naman kasi sa kanya. At pinagtataka ko ano ba yung gusto niyang sabihin sa akin at hindi naming pwedeng pag-usapan sa telephono nalang.

PORTALWhere stories live. Discover now