XXXII. Classmate

95 16 1
                                    

Nasa likod ko lang pala sya, pinapayungan nya ko, himala. bakit ganito, nagwawala nanaman ang puso ko. ang lapit nya, sobra.

nagusap kami ng taong mahal ko, may hinihintay daw kase syang isang tao, tapos nakita daw nya ko kaya nya ko nilapitan, biglang hinangin ng malakas kaya nabasa kami ng konti ng ulan. tiningnan ko sya, at nabasa ang muka nya. para syang umiiyak dahil sa patak ng ulan na tumama sa muka nya.

Naalala ko tuloy yung first time ko syang nakitang umiyak is yung forum. yung bwisit na forum na nagbago ng lahat. lahat ng pinagsamahan namin, naglaho na.

yun forum na yung ang pinakaworst na pangyayari sa buhay ko, dahil ang mga barkada ko sa fbc, gusto nila magkalabasan na kami ng sama ng loob at yung nararamdaman namin sa taong minahal namin dati.

ayaw ko ng ganun, kaya tumakas kami ng bestfriend ko sa mga barkada namin, akala namin di kami hahabulin, kaso hinabol nila kami, gusto talaga nilang magkaroon ng forum.

napagod na kong tumakbo, naririnig ko na yung sigaw ng barkada ko, sabi nila ipapasalvage daw nila ang taong mahal ko, na papabugbog daw nila yun. ewan ko ba, napatigil na ko sa pagtakbo sa mga narinig kong sinabi nila, alam ko naman hindi nila kayang gawin yun, pero huminto ako dahil dun.

nung nakalapit na sila saken, hinawakan ako ni balyena sa braso ko at inalog alog ako, tinatanong nya kung ano bang nangyayari samin,  nagulat na lang ako at yung isa kong kaibigan na may hika, tumakbo ren at hinabol kami, galit na galit sya papalapit saken, nagulat ako ng sinampal nya ko. pati sila nagulat sa ginawa nya saken.

umalis na yung iba at hinabol yung bestfriend ko, natira yun babaeng sumampal saken. sinigaw nya pa. "Ang hirap magkaroon ng kaibigan na TANGA !" sabi nya saken habang hatak hatak nya ko.

hinawakan ko lang yung cheeks ko na sinampal nya. tanga ren nya, alam nyang may hika sya pero hinabol nya ko. -_-

habang naglalakad kami, di nya pala alam kung san yung daan pauwi. kaya kinabahan sya, alam ko yung daan kaso ayaw kong magforum kaya niligaw ko sya.

natakot na sya dahil ano oras na din at gabi na nun. kaya sumuko na sya. uuwi na lang daw sya hatid ko na lang sya sa sakayan, kaya ginawa ko na yung gusto nya at umuwi na nga sya.

sa wakas nakalayas din ako, tatawagan ko na sana yung bestfriend ko, kaso nabasa ko text ng barkada ko saken na nahuli na nila yung kasama ko at pumunta na daw akong paraiso.

hindi ko alam kung ano ang sumapi sa paa ko, naglalakad na ko papuntang paraiso, pero nagtatalo yung puso at isip ko, sabi ng isip ko keylangan kong pumunta dun, sabi naman ng puso ko,wag daw. baka masaktan lang ako.

kaso ako nga naman si tanga.di ko alam, parang pagsisisihan ko pag di ako pumunta doon, nung malapit na ko sa paraiso, kung nasan sila, gusto kong umatras kaso, nakita na ko ng isa at pinalapit na ko. kaya lumapit na lang ako, here goes nothing. :/

ClassmateWhere stories live. Discover now