XXXI. Classmate

88 14 2
                                    

bawat araw na lumilipas, feeling ko nawawala na yung pagkagusto ko kay Mr. classmate. nagiging normal na lang ang lahat saken. at tingin ko, mas humihigit ang pagkagusto ko sa taong minahal ko dati.

napaisip tuloy ako, kaya lang naman pala ako nagkagusto kay Mr. Classmate ay dahil, magkahawig at pareho sila ng taong minahal ko dati. kaya siguro ganun ka dali para saken namawala at pagkumparahin silang dalawa. :/

narealize ko na, buong buhay ko, nagpapakatanga nanaman ako, na nagbulagbulagan ako, na akala ko hindi ko na mahal ang taong minahal ko dati. pero dahil sa isang gabi yun, at sa isang kanta, naalala ko nanaman ang lahat at unti unti silang bumalik saken.

bakit ba ko naging bulag? pati sarili ko naloko ko na, wala na kong nararamdaman sakanya,  Pag bumalik ang nararamdaman mo sa kanya, meaning nun, hindi naman talaga nawala ang feelings mo sa kanya.

habang naglalakad na ko pauwi, biglang umulan, ang lakas, nananadya ba ang panahon? kung keylan sobrang lungkot ko, tsaka, uulan.

tumayo lang ako, di ako umalis kung san ako nakapwesto, mas gusto ko pa kaseng magpabasa sa ulan keysa umuwi na ko.

bigla na lang tumigil ang ulan. ay tanga, di pala tumigil umuulan paren, pero di na ko nababasa.

"Oy." sabi ng taong mahal ko.

ClassmateWhere stories live. Discover now