XXII. Classmate

196 16 1
                                    

CR. ang lugar kung saan nagpipictorial ang mga babae, pero minsan naiinis din ako sa CR na ito ehh.

may naaalala lang ako, at naiinis ako, kase, sobra akong naapektuhan sa sinabi saken ng taong minahal ko dati, na kahit na, sapakin ng sapakin ko yung pader, at maging puti na ito, at may sugat na, di pa rin ako masasaktan, kase alam nyo yun? mas masakit pa rin yung nararamdaman ng puso ko ehhh....

ganito kase yun, nilapitan ko lang sya, gusto ko kase syang makausap, makasama kahit saglit lang, at syempre mapansin nya !

Tinanong ko sa kanya kung nasan na sila Potsu at Liit, pero di ko naman sila hinahanap eh, kasi sya yung hinahanap ko.

nagulat na lang ako at sinabi nya saken ay "Wag mo nga akong kausapin!" Oo ! ako na yung tanga, yung sinabi nya yun, alam ko na nadudurog na yung boses ko, kaya nagpalusot na lang ako at umalis...

masakit, sobra...

simple lang yun diba? pero sobra akong naapektuhan, parang naapakan ako, parang nasagasaan ako, parang tumalon ako sa mataas na building, pero buhay pa rin ako? 

Totoo pala yun, feeling ko talaga, mamamatay ako eh, OA noh? minahal ko lang naman sya ng sobra eh, sorry. kase masyado na akong nagmahal sa taong, di ako mamahalin, sa taong PAASA.

pumunta pa akong CR nun, tumutulo na pala ang luha ko, di ko pa napapansin, pinagtitinginan na ako ng tao doon, kaya pinupunasan ko na yung luha ko, pero wala eh, masakit nga eh, sobra.

nung nawala na yung tao sa CR, pumunta ako sa gilid, at sinapak ko yung pader doon, sinapak ko ng sinapak, pero wala akong nararamdaman na sakit, pero nagiging puti na at may mga sugat sugat doon..

 napakasadista ko rin kase eh, ako yung lumalapit sa patalim, tapos ako din tong iiyak tapos sisisihin ko sya...

tumigil na ako sa pagsasapak ng pader ng may nakita ako na may papasok sa CR, kilala ko sya, bestfriend ko, si Payatot. :)

Lumapit ako sa salamin at nagayos ako, pinunasan ko yung luha ko, nag ayos ako ng buhok, at nagpulbos, at nagpaganda... yan lagi ang cycle ko ehh. para mapansin nya ako...

ngumiti na lang ako sa bestfriend ko at umalis na ako, dumaan ako doon sa likod ng stage ng school namin at nakakita ako ng kilala ko na bestfriend ko din, nagtanong ako sa kanya kung kulay puti na ba tong kamay ko,at masusugatan na ba sya, pag sinapak ko pa lalo yung pader, sabi nya oo, aalis na sana ako kaso tinanong nya ako..

yung tanong na concern sya sayo, ayoko na talgang umiyak eh, pero, traydor tong mata ko ! kase hinayaan nyang tumulo ulit ang luha ko...

at imbis na sagutin ko pa yung tanong ng bestfriend ko, umalis ako at pumunta sa CR dito sa likod ng stage...

Tumutulo nanaman sila, ano bang gagawin ko dito? lagi na lang ehh, gabi gabi na akong umiiyak, bakit di pa rin nauubos ang luha ko?! nakakasawa ng umiyak...

Pumunta ako sa Dulo ng CR, at pumasok sa isang restroom doon, at nilock ko, nilabas ko lang ang lahat ng luha ko, oo tama, lalabas ko lang yung lahat, para di na ako umiyak pag nakita ko sya mamaya, yan yung tumatakbo sa isip ko. sinasapak ko pa rin yung pader, habang umiiyak ako sa sakit..

mag iisang oras na, kaya tumigil na ako, huminga akong malalim, at binuksan ang pinto at lumapit ulit sa salamin, nagayos ako, kahit na namamaga ang mata ko, pinagtitinginan na nga ako pero, wala na akong pake...

Nagcutting na lang ako sa Science namin, at hinintay ko na mawala ang maga ng mata ko, pabalik balik ako sa fourth floor, di ako bumababa, nakakatakot kase baka makita nila ako...

Lumipas nanaman ang isang oras, Vacant nanamin nun, medyo di na namamaga ang mga mata ko, pero di pa rin ako bumaba, nandoon pa rin ako sa fourth floor at tinitingnan sila, sa tambayan namin, ang sweet talaga nila, ang sweet ng taong mahal ko at ng bestfriend ko...

sana ako na lang, sana ako na lang at hindi sya....

---

wahahaha, sa isang chapter, si Mr. Classmate tapos pagkatapos si, Taong mahal ko dati XD wahaha, Comment, Vote at Share <3 Hehehe. :)  oohhh ! nagupdate na ako ahh ! medyo mahaba yan XD itong chapter yata ang pinakamahaba kong nasulat sa Classmate XD :) masyado kong feel yung bida ihhhh XD :) <3

ClassmateWhere stories live. Discover now